3 AM THOUGHTS 8

1 0 0
                                    

"Di mo ba minsan natatanong kung bakit parang mas gusto ng mga tao hanapin ang taong nakatadhana sa kanila kaysa sa hintayin itong dumating ng kusa?" Tanong niya habang naglalabas ng bagong pakete ng sigarilyo.

Siguro kasi ganyan na ngayon." Sabi ko naman na naglalagay ng alak sa basolito.

"Yan yung dahilan kung bakit sila nasasaktan ng maaga e. Dahil akala nila yung taong karelasyon nila ngayon, yun na yung nakalaan para sa kanila." Sagot naman niya bago umiling. Halatang naiinis na sa paksa namin.

"Na siya nalang natitirang majojowa. Wala ng iba. Purbida, ang hayok para makaramdam ng pagmamahal. Mas pipiliin nilang habulin si tadhana kesa sila ang habulin." Ani ko at ininom ang aking alak.

At nagsindi nanaman siya ng panibagong sigarilyo.

Duh!Where stories live. Discover now