"Laro tayo." Saad ko habang nakatitig sa kalangitan. Maya-maya ay umupo siya sa tabi ko dito sa damuhan.
"Sige! Anong laro nga ba?" Masiglang tanong niya.
"Magbigay ka lang ng kahit anong 'what if' tapos salit-salitan tayo."
"Ako mauuna ha? Hmm, what if may palasyo talaga sa ilalim ng Bermuda Triangle? Tapos yung mga engkanto yung kumukuha ng buhay! Tapos...tapos..." Hindi na niya natuloy kung ano man ang sasabihin niya sapagkat tawa na lamang siya ng tawa. Napangiti ako habang siya'y tinitignan. Ang ganda niya talaga.
"What if totoong may seventh sense talaga tayo?" Sabi ko naman.
"Cool! What if gusto din tayo ng gusto natin? Charot!" Bigla siyang humalakhak at pabiro akong hinampas.
Tumingin ako sa kanyang mga mata, ganun din siya sa akin.
"What if mahal kita pero nakatali ka na sa iba..." Hindi ito isang tanong sapagkat higit itong matatawag na pahayag.
Agad kong ibinalik ang tingin ko sa mga bituin at buwan. Natahimik siya saglit at isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
"Patawad." Sambit niya at wala na kaming ibang nagawa kundi ang mapapikit ng mariin.
YOU ARE READING
Duh!
Teen FictionEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...