Nagugutom na ako ngunit wala naman akong makain.
Psst! Hoy! Ikaw! Oo, ikaw! Ba't ka nagsasayang ng rays?
Alam mo ba na bawat pinoy ay nagsasayang daw ng 14 gramsh of mill-min-mig-ming-m-mmm-basta yun yon! Nagsasayang ang pinoy ng rays!
Yung sinayang niyo? Ikwals na daw yun sa tatlong kutsara per person per dey! Alam niyo ba yan ha?
Yung sinayang niyo? Makakafid na daw yun sa por poynt tu milyong tao na nagugutum! Alam niyo ba ha?
Sabi ni inay na twinti payb pisos lang yung bigas dati, ngayon ang mahal mahal na! Mahigit porti pisos na diba? Porti-payb? Pipti? Ang hirap-hirap na talaga ng buhay ngayon!
Sabi ng lola ng lola ng lola ng lola ko, nage-emport na tayo ng rays mula noong 1869 pa! Diba sa Hunyo ng 1861 pinanganak si Jose Rizal!? Edi eyt yirs old na siya nun!
Pero bakit kahit na matapos ang higit sa lumipas na isang daang taon, ang problemang tungkol sa bigas ay hindi pa nalulutas?
Bakit ang isang agrikultural nating bansa na may maraming lupain na angkop para sa pagsasaka, hindi matupad ang mga hinihinging bigas ng sariling mga mamamayan nito?
Wow. May utak pala ako?
Ehem-ehem. Pangunahing pagkain natin ang rays. Hindi tulad ng mga taga-Amerika, mas gusto nila kumain ng sandwits o mga siryal. Tayo? Di natin kakayanin ang isang araw nang hindi kumakain ng rays!
A - aray - aray! Haha! HAHAHA! N-noon, sabi ni nanay, nakakapag-aral pa si ate ko. Kasi hindi naman daw kamahalan mga bilihin e.
Matalino si ate! Masipag din siya mag-aral! Okey pa daw ang pamumuhay namin noon hanggang sa...hanggang sa eto, tumaas na nga mga bilihin, mas nagtrabaho si tatay. Araw, gabi, puro trabaho. Raket nang raket. Obertaym nang obertaym. 'Di nagtagal, nagkasakit si itay. 'Di rin nagtagal, namatay din siya. Si ate, naranasan din niya kung anong naranasan ni itay. Dahil wala na si tatay, nagsariling-sikap si ate. Matapang ate ko pero hindi niya kinaya. Naiwan kaming dalawa ni nanay. Wala kaming chuys kundi magtrabaho. Mga ilang taon na nga ba ako nun? pito? anim? anim! HAHA! Ang bata-bata ko pa ano?
Kung sana hindi tumaas ang mga bilihin, hindi sana nawala si itay at ate.
Kung sana hindi tayo nagsasayang ng pagkain, wala sanang nagugutom.
Kung sana,
kung sana.

YOU ARE READING
Duh!
Ficțiune adolescențiEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...