Ako si Isda. Ako'y mayroong matatalas at maliliit na buto, medyo may katabaan, mapula - pula ang balat, may hasang, may kaliskis. Yung kinakain mo kapag walang karne sa handa niyo o di kaya ayaw mo kumain ng gulay. Minsan gusto mo akong naka-prito, minsan naman naka-tinola, kung anong trip mo.
Nasasarapan ka ba sa akin? Kung ganoon, maipapangako mo ba na masasarapan ka pa rin sa akin pagkatapos ng sasabihin ko? Makinig ka.
Galing ako sa dagat ng kabilang bayan. Taga doon talaga ako. Ngunit lumipat ako dito dahil sa polusyon na dulot ng mga tao! Naalala mo yung barkong naaksidente? Nagsanhi yun ng oil spill. Yung mga dinamitang hinahagis ng mga mangingisdang desperado makahuli ng uri namin tsaka mga basurang itinatapon sa yamang-tubig. Karamihan ng kasamahan ko, pati pamilya ko pinatay nun!
Ngunit may pag-asa pa, naniniwala ako sa sa bawat isa sa inyo. May pag-asa pa na mamumulat kayo sa sarili niyong pagkakamali. May pag-asa pa na kayo'y magbabago.
Alam mo na ngayon ang pinagdadaanan naming mga isda. Matanong nga kitang muli, nasasarapan ka pa rin ba sa akin?

YOU ARE READING
Duh!
Fiksi RemajaEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...