Click. Clack. Click. Clack.
Ingay ng mga kutsarang nagdudugsingan na dulot ng mga kamay ni Inday Susan.
Mmm. Ah. Mmm. Ah.
Lasap na lasap niya ang tamis at pait ng pinakamamahal na binignit.
Paborito niya kasi ito kaya ganun na lamang ang kanyang reaksyon. Ang sarap nito - nakakaadik!
Malaman. Madaming halo. May saging at langka na nagpapa-tamis, may kamote na nagpapa-pait, may sago na kay lapot.
Yung tipong kakapit talaga sa dila nang matagal na matagal na matagal. Yung parang di ka iiwan. Yun yung akala mo.
Splat. Splat. Splat.
Tunog ng mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. Huli na ng mapagtanto niya na iyon nga palang pagkaing gustong gusto niya ay minsan na naging gusto 'nilang dalawa'.
Tamis? Yun yung saya. Pait? Yun yung sakit na dinulot ng pag-alis niya.
Madami siyang kasama. Madami siyang kinasama. Madami siyang kinama. Ikaw, hanggang sama lang sa mga trip mong telenobela.
Ikaw kasi yung kutsara. Alam mo namang iiwan ka lang niya, ba't subo ng subo ka pa?
Wag na magpakatanga. Oras na para ikaw naman ang umiwan sa alaalang iniwan niya.

YOU ARE READING
Duh!
Подростковая литератураEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...