Rinig ko ang tilian ng mga tao. Ang mga sigawan nila sa mga manok na ipupusta kuno nila. Hindi ko talaga alam kung bakit ako napasama sa kompetisyon na ito. Siguro dahil trip ng mga kaibigan ko na ako'y pagtripan. Pero sige na lang, let's go with the flow.
"Let's all welcome Binibining K!" Tawag ng host. Agad na sumibol ang kaba sa aking dibdib dahil alyas ko iyon. Naglakad ako papunta sa harapan. Panghuling round na din kasi kaya dumadagundong ang hiyawan ng mga tao pero mas nangingibabaw talaga doon ang sigawan ng mga kaibigan ko.
"Good evening Binibining K, handa ka na ba sa tanong na ibibigay sa'yo? Kinakabahan ka ba?"
"Sobra pero kinakaya." Sagot ko at muling nagtilian ang mga manonood.
"Kung mag-aalay ka ng tula sa mga taong nakakaranas ng depresyon, ano ito?"
Agad na tumigil ang mundo ko nang marinig iyon.
"Uulitin ko, kung mag-aalay ka ng tula..."
Halos mabingi na ako sa ingay ng paligid. Para na rin bang nablanko ang aking isip. Tula? Ang tagal-tagal na nang huli akong sumulat ng tula. Kakayanin ko kaya 'to?
Habang nagi-isip ako kung paano makakagawa ng maiksing tula, nakita kita sa gitna ng mga tao. Ikaw, na naging dahilan ng pagsulat ng una kong tula. Doon, nakatindig ka lang at nakatingin sa akin. Nang magsalubong ang ating mata ay agad kang ngumiti. Nag-thumbs up ka pa. lalo tuloy akong kinabahan.
Agad akong huminga ng malalim. Hindi na ako nakapagisip ng maayos ngunit hindi ko inaasahsn ang mga salitang kusang lumabas mula sa aking bibig,
"Kamusta ka na?
Taong pagod sa lahat,
Taong wala nang pagasa
At puro guhit ang balat.
Sa isang malawak na hardin,
Tila isa kang bulaklak.
Dati ay makulay,
Ngayo'y lanta at wala nang buhay.
Kulang sa dili o napabayaan?
Tulad mong kailangan ng
atensyon at dapat na damayan.
Hayaan mong alagaan kita.
Ituring na espesyal,
Nararapat na minamahal.
Gusto kitang makitang mamukadkad.
Babangon, haharapin ang mundo.
Handa at may ngiti sa mga labi.
At ang mga sugat sa iyong pulso
Ang magsasabing: 'Nalampasan mo ang mga bagay na nagpapahirap sa'yo ng husto."
Binaba ko ang mikropono at kasabay nun ang nakakabinging tilian ng mga tao. Ngumiti ako kahit alam ko na nagbabadya nang tumulo ang aking mga luha. Tinanaw kitang muli, nakangiti ka habang pumapalakpak. Iyan lang, masaya na 'ko.
"Napakagandnag tula Binibining K! Maraming salamat! At ngayon naman..."
Bumalik ako sa dati kong pwesto. Sa wakas, nakagawa ulit ako ng tula. Hindi na tungkol sa kanya kundi para sa sarili ko. Tinignan ko ang aking pala-pulsuhan.
At doon makikita ang mga bakas ng sugat na aking iginuhit noong mga panahong lugmok ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/181200745-288-k328851.jpg)
YOU ARE READING
Duh!
Novela JuvenilEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...