Hindi na ako naniniwala
Ngunit gusto kong subukan na hawakan pa rin ito
Sapagkat ito ang lahat na magagawa ko.
Ang gustuhin kong manatili,
Ang gustuhin kong mangarap pa.
Gayunpaman, ang sinasabi ko ay
Oras na para umalis ako.
Oo, ito ang katotohanan.
Ang katotohanan sa akin.
Oo, nasasakop ako ng mga sugat.
Ngunit ito ang aking kapalaran.
Ang kapalaran na binigay sa akin.
Ngunit, gusto ko paring makibaka,
Gusto ko paring makipaglaban.
Siguro ako, hindi ako makalipad.
Hindi ako lumilipad tulad ng mga talulot ng bulaklak.
Pero may pakpak ako.
Siguro ako, hindi ko mahawakan ang kalangitan,
Gayunpaman, gusto kong iunat ang aking kamay.
Gusto kong tumalon, ng mas mataas pa.
Gusto kong tumakbo, ng mas mahigit pa.
Naglalakad ako at naglalakad, sa gitna ng kadiliman na ito.
Tinatanong nila ako;
Ano ang mga maliligayang oras ko, tinanong ako nito.
Ikaw, talagang ayos ka ba? tinanong ako nito.
Kakayanin mo nga ba? tinanong din ako nito.
Oo, hindi, oo, hindi!
Sumagot ako? hindi, natatakot ako.
Ngunit, hawak ko ang mga petalo nang mahigpit sa aking mga kamay.
Ako, nakahinto na lang ako.
Sabi ko,
Hindi.
Ngunit ito ang aking kapalaran.
Ang kapalaran na binigay sa akin.
Ngunit, gusto ko paring magpatuloy.
Gusto ko paring mabuhay.
Siguro ako, hindi ako makalipad.
Hindi ako lumilipad tulad ng mga talulot ng bulaklak.
Pero may pakpak ako.
Siguro ako, hindi ko mahawakan ang kalangitan,
Gayunpaman, gusto kong iunat ang aking kamay.
Gusto kong sumigaw, ng mas malakas pa.
Gusto kong ipahiwatig, ng mas malinaw pa.
Gising na gising,
Hindi umiiyak.
Gising na gising,
Walang kasinungalingan.
Gising na gising,
Hindi umiiyak.
Gising na gising,
Walang kasinungalingan!
Siguro nga, hindi talaga ako makalipad.
Hindi ako makalipad tulad ng mga nyebeng taliptip,
ng mga ibon,
ng mga sasakyang panghimpapawid.
Ngunit may pakpak ako.
Siguro ako, hindi ko mahawakan ang kalangitan,
Gayunpaman, gusto kong iunat ang aking kamay.
Gusto ko pang manatili,
Gusto ko pang mangarap,
Gusto ko pang makibaka,
Gusto ko pang makipaglaban,
Gusto ko pang tumalon,
Gusto ko pang tumakbo,
Gusto ko paring magpatuloy,
Gusto ko paring mabuhay,
Gusto ko paring sumigaw,
Gusto ko paring ipahiwatig,
Na tuloy akong makikidigma
dito sa himagsikan ng buhay.
YOU ARE READING
Duh!
Teen FictionEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...