Payapa ang lahat. Tanging simoy ng hangin lamang ang aking naririnig. Walang istorbo, yan ang gusto ko.
Nang nakuntento na ay dagli kong inimulat ang aking mga mata. Ako pala'y nasa gitna ng malawak na isla. May maputing buhangin, mga matatayog na puno ng niyog, at tubig-dagat na umaalis at bumabalik. Tila ba nagsasabi na: "Halika, sumama ka sa amin."
Teka nga...malakas naman ang sinag ni Haring Araw, bakit hindi man lang ako naiinitan?
Bakit parang wala akong nararamdaman?
"Huwag." Isang kamay ang biglang humawak sa aking balikat. Ako nga pala ay maliit. Mga limang talampakan lang ang sukat.
Sinubukan ko na magsalita - ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig? Tinangka ko na mas ibuka pa ito - subalit pawang ngiti at pagsimangot lang ang nagagawa ko? Bakit kaya ganoon?
'Dahil sinanay mo ang sarili mo!' Paulit ng paulit ko iyang naririnig. Sumubok akong ito'y patigilin ngunit hindi ko kaya dahil ngayon, alam ko kung saan ito nanggagaling - walang iba, kundi sa aking isipan. 'Tumigil ka na...' Ilang beses ko na silang pinakiusapan pero ayaw talaga nila.
'Wala kang silbi.' Hindi 'yan totoo.
'Masama kang tao!' Parang umiikot ang aking mundo.
'Nararapat ka nang mamatay.' Hindi ka ang Diyos para magdesisyon ng
kamatayan ko.
'Hinto na sabi!' Ako'y nahihilo na.
"Pakiusap, huwag." Muli, isang kamay nanaman ang dumapi sa aking pisngi. Nakakalito. Bakit ganoon? Ito'y malambot, nagpapagaan ng loob - ngunit mukhang may dalang panganib?
Hinanap ko kung sino ang taong iyon - pero sa kasamaang palad, hindi ako nagtagumpay.
"Ako ay ikaw, ikaw ay ako." Wika ng taong hinihinalaan ko na nasa likod ko lamang. Hinay-hinay akong umikot at nang sa wakas ay hinaharap ko na siya. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, marami sila at lahat sila'y aking kamukha.
Nahihirapan man, nagawa ko pa rin ibigkas ang mga katagang: 'Sino ba kayo?' Subalit sa kahit anong paraan man, iyon at iyon pa rin ang sinasagot ng bawat isa. Minsan may nagsasabi na "Ikaw ang may gawa sa amin", minsan naman kung ano-ano pa. Bakit ganoon? Naguguluhan ako!
Ilang sandali ang nakalilipas, dumadagundong na "Huwag" na sinundan nang isang nakakabinging tili pagkatapos ay kadiliman. Purong dilim. Ano na nga ba ang nangyayari? Wala na akong naiintindihan.
Maya maya ay may nasisilayan akong mala-pulang kahel. Iyan ba ay apoy? Tsaka ano iyon - iyon ba'y isang mahabang patpat na yari sa metal? Teka...Bakit ako nahuhulog sa kawalan? Suko na ako. Hindi ko na kinakaya ang lahat ng ito. Gusto ko na mawala na parang bula.
Yakap-yakap ang aking kabuuan, pinipilit kong sugpuin ang tintang itim na unti-unting kumakalat sa aking katawan. Gusto ko lang naman makawala sa lahat ng ito. Gusto ko makaramdam ng walang hanggang saya. Gusto ko lang naman makaranas kung paano mabuhay nang normal. Iyon lang naman.
Malumbay na pagdating sa aking mundo. Ito ang storya ko.
YOU ARE READING
Duh!
Подростковая литератураEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...
