Hinagis ko sa basurahan ang pang-limang bote ng yakult na iniinom ko. Madilin na at tanging buwan at bituin lamang ang nagsisilbing liwanag ko dito sa labas.
"Uy," bati ng kapitbahay kong babae na kababata ko rin. Tipid siyang ngumiti at umupo sa tabi ko.
"Oh, bakit gising ka pa?" Tanong ko at inilagay ang kamay sa magkabilang bulsa.
Hindi kasi ako makatulog." Sagot niya saka mahinang tumawa.
Matagal na katahimikan ang namutawi sa aming dalawa hanggang sa binasag niya ito.
"Paano kaya kung yung taong nakatadhana pala sa atin, nakasalubong na natin?" Napalingon ako sa kanya. Nakatingin lamang siya sa bilog na buwan. Simula pa noon, lagi siyang nagtataka sa kung anu-anong bagay.
"Paano kung nakasabay na natin sa Grocery? Paano kung nakasama na pala natin sila sa pagsakay sa iisang jeep o bus o MRT?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Paano kung nakasama na pala natin silang tumili sa EK o Star City?" Natatawang sambit niya.
Napakaganda niya talagang pagmasdan. Nakikita ang repleksyon ng liwanag sa maganda niyang mga mata. Dati pa lang.
"Paano kung ganoon ano?" Ani niya bago ako nilingon.
"Paano kung nakakausap mo na pala yung taong nakatadhana sa'yo?" gad na nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ko.
"Paano kung matagal mo na pala siyang kasama o nakakasama?" Iniwasan ko siya ng tingin.
"Nangangahulugan iyon na hindi si tadhana ang gumawa ng kwento niya kung hindi siya mismo." Wika ko nang hindi pa rin siya binabalingan.
"Hay nako, ang gulo!" Sambit niya bago mahinang tumawa.
Nakitawa na lamang ako sa kanya. Ilang minuto ang nakalipas, ako'y tumayo na. Hinubad ko ang aking makapal na dyaket at ipinatong sa mga nanlalamig niyang balikat. Hindi niya naman sinabi pero alam ko iyon.
"Lumalalim na ang gabi. Pasok na tayo baka magalit yung boyfriend mo."
Nagsimula na akong maglakad papasok ng bahay at hinay-hinay na isinarado ang pinto.
Paano kung ikaw pala ang nakatadhana sa'kin?
Pero huli na.
Sapagkat gumawa ka na ng sarili mong istorya.

YOU ARE READING
Duh!
Novela JuvenilEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...