5

209 8 0
                                    

Niña

Tulad nga ng sabi ni Ate Chelsea saakin ay pumunta na ako sa backstage kung saan para kahit papaano eh makapag practice ako sa gagawin ko mamaya at para na din makasama ako sa orientation. Pagdating ko sa backstage ay agad akong nahiya dahil wala akong kilala ni isa sakanila. Lalo din akong kinabahan dahil kumpara sakanila na mukha ng mga propesyonal at sanay na sanay na sa pagrampa ay isa lamang akong proxy at ni minsan ay di ko pa naexperience rumampa sa isang fashion show.

Naglalakad lakad ako sa backstage upang makahanap ng lugar na bakante kung saan pwede akong magpractice ng biglang may lumapit saakin "Miss kayo po ba si Niña yung papalit sa partner ni Sir Charles?"

"Uhmmm opo a-ako nga po!" pagsagot ko sakanya

"Uhmmm tara po sumama po kayo saakin sa holding area, papakilala ko po kayo kay Sir Charles"

"Ahhh sige po salamat po" at sinundan ko na nga siya

Pagkatapos naming maglakad ng ilang minuto para makalagpas sa mga nagkakagulong models na nagprapractive na din ay tumigil kami sa harap ng isang upuan kung saan nakaupo ang isang lalaki. Oo aaminin ko sobrang gwapo niya pero hindi ibig sabihin nun ay type ko na siya noh, personality over looks ang hanap ko sa isang lalaki eh!

"Sir Charles siya po si Maam Niña, siya po yung papalit sa partner niyo! Kapatid po siya ni Maam Chelsea"

inabot saakin nung lalaki ang kanyang kamay bago ito nagpakilala "Hello Niña, Charles Kieron nga pala pero Charles na lang itawag mo sakin" in fairness ha mukhang mali ang akala ko sakanya, mukha namang mabit toh tsaka friendly

nakipag kamay naman ako dito tapos ipinakilalanko na din ang sarili ko "Hi Charles! Vivoree Niña nga pala, Niña na lang for short"

"Uhmmm sige po maiwan ko na po muna kayong dalawa may mga kailangan pa po akong asikasuhin eh" pagpapaalam saamin ni kuya na naghatid saakin dito

kinamayan naman siya ng katabi ko bago ito nagpasalamat "Sige salamat kuya"

Pagkaalis ni kuya ay naiwan kaming nakatayo ni Charles. Ang akward ng sitwasyon namin ngayon, ramdam na ramdam mo na nagkakahiyaan pa kami at mas lalo nitong pinalala yung kaba ko dahil ang akala ko pag nakilala ko na yung kapartner ko ay gaan na ang kaba ko pero mukhang hindi paano ba naman kasi eh mukhang tahimik tong kapartner ko.

Pasimple akong sumukyap sakanya para makita ang kanyang itsura at nakita ko kung gaano ito kagwapo. Siguro marami na tong nagiging girlfriend o di kaya maraming babae an nagkakandarapa sakanya, paano ba naman napaka gwapo niya. Marami siyang nunal sa mukha tapos may dalawang dimples siya na napaka lalim. Bagay na bagay sakanya ang suot niya suit dahil nagmukha siyang malinis or yung tinatawag na "good boy" hahahhhaa

Nagulat ako ng bigla siyang magsalita

"Ahhh Niña upo muna tayo baka kasi mangalay ka" pagkatapos ay nilapitan niya ako at inilahad niya ang kanyang kamay para alalayan ako sa pag upo.

Nung una ay nag dadalawang isip pa ako kung tatangapin ko ba ang kamay nito kasi nahihiya din naman ako sakanya.

Ngumiti na lang ako bago ko tanggapin ang kamay niya tapos ay pinasalamatan ko na din siya"Ah sige sige salamat"
_______________________________
Happy 11th Monthsary Famcakes!💜

-iamgabby

P A R T N E R STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon