Charles
Kinaumagahan pag gising ko ay agad kong chineck ang cellphone ko
Nakita kong may message ako galing sa handler ko. Binuksan ko ito at binasa
H: Goodmorning hijo! Salamat sa paghatid mo saakin kagabi at pasensya ka na dahil di na tayo nag kausap sa byahe pauwi. By the way naaalala ko na hinihingi mo yung number ni Chelsea, yung kapatid ni Niña. Eto yung number niya: 0928xxxxxxx. Congrats ulit sa successful na show kagabi. May meeting ako ngayon with the management tungkol sa mga susunod na shows ng agency, iuupdate na lang kita. Have a great day!
Agad ko itong nireplyan para magpasalamat
C: Goodmorning din sayo Mother! Walang anuman po. Thank you nga po pala for assisting me sa show ko kahapon, the best ka po talaga mag alaga hahahahahhaha kung di po dahil sa pagaalaga niyo eh di po ako gagaling ng ganto. Salamat din po pala sa number Ate Chelsea, mamaya ko na lang po siya itetext. Sige po Mother maghihintay na lang po ako ng mga updates galing sainyo, salamat po and ingat po kayo always!
Pagkatapos kong mag reply sakanya ay naisipan kong tignan ang mga posts, articles, photos and videos tungkol sa naganap na fashiow show kahapon
Una akong pumunta sa facebook kung saan karamihan ng mga nakita ko ay reactions at reviews. May mga tungkol sa buong show meron din namang tungkol sa mga designers at sa mga sinuot namin. May iilan din akong nakita na tungkol sa mga kasama kong mga models pero as a whole or as an agency kami binigyan ng reaction. Meron din ako nakitang iilang links para sa mga articles na mostly ay galing sa mga news website na nag cover ng show kagabi.
Sunod akong pumunta sa twitter account ko at tulad ng nangyari sa facebook account ko, karamihan din ng mga nakita ko dito ay mga reactions at links para sa mga articles. Binuksan at binasa ko ang mga ito at nabasa ko na nagustuhan naman nila over all yung show magmula sa host, sa perfromances ng mga models, sa mga suot namin pati na din daw yung song selection para sa background music ay maganda. Meron ding iilang clips mula sa show kagabi. Kumpara sa facebook ay mas madami akong nakita sa twitter dahil nadagdagan din ito ng iilang reactions galing sa mga casual viewers dahil inair din sa tv yung show.
Huli akong nagtungo sa instagram kung saan ako madaming nakita. Pagbukas na pagbukas ko pa lang ay agad na bumungad saakin ang post ng isang news site tungkol sa nangyari kagabi. May mga sikat din na nag post sa kani-kanilang mga accounts ng mga kuha nila kagabi. Meron ding mga post ang mga designers tungkol sa mga creations nila. May mga nakita akong posts kung saan kasama ako or nakasama ako sa mga kuha nila, meron din akong nabasang isang article na binigyan ng reaction ang aking performance at natuwa naman ako kasi nagustuhan nila yung ginawa ko kagabi, lalong nakakainspire na oagbutihan kung ano man tong ginagawa ko.
Habang nag soscroll ako ay may nakita akong isang interesting na post, isang post mula sa isang fan account ko (yes naman, sikat). Binuksan ko tong fan account na toh at nakita kong madami siyang post tungkol sa show kagabi. Sa unang mga pictures ay ako lang mag isa during my solo walk meron ding mga behind the scenes at iilang pictures galing sa after party tapos sa mga sumunod na post ay may nakita na akong mga pictures namin ni Niña. Sa caption ay nabasa kong "our king with his very lovely partner" di ko alam pero kinilig ako kasi nakakita ako ng mga pictures namin ni Niña during our final walk. Agad ko itong iniscreenshot at sinave sa gallery. Nagbasa ako ng mga comments at nakita ko na natuwa naman sila sa performance ko at nagustuhan din naman nila yung performance namin ni Niña. May mga nagtataka kung sino siya dahil first time daw nilang makita yung babaeng kasama ko. Meron ding nagsasabi na ang ganda niya, ang galing niya at bagay kami.
Ipinagpatuloy ko ang pag iiscroll ko sa aking account at nag umpisa na akong makakita ng mga post tungkol kay Niña. Merong galing sa mga sikat na personalidad, news sites, designers at iba pang audience kagabi. Sinasabi nila na first time nilang makita si Niña sa isang show so ineexpect nila na baguhan lang siya pero naamaze sila dahil ang galing daw niya.
Halos dalawang oras din akong nagbasa ng mga post tungkol sa show namin kagabi. Nag like ako, comment, retweet at kung ano pa mang reaction ang pwedeng gawin sa mga nababasa ko. Isasara ko na sana ang phone ko ng makita kong may nag notif sa twitter na "CharNi Official started following you" . Chineck ko ito at nagulat akong may paganto na. Kakagawa pa lang sa account na toh at nakita kong ang icon nito ay picture namin ni Niña. Nakakagulat dahil may bumuo na ng fan account dedicated saakin at kay Niña. Ishiniship nila ako sa isang babae na di naman sikat or kilala, di naman siya model or artista kagaya ko kung di isa lamang siyang estudyante na may normal at pribadong buhay tsaka kakakilala ko pa lang sakanya pero may gumawa na ng fan account account. Pero aaminin ko medyo kinikilig ako kasi may nakikita silang sparks saaming dalawa.
Speaking of Niña, kailangan ko nga palang itext si Ate Chelsea dahil kailangan kong makausap si Niña tungkol dun sa date na ibinigay saamin.
Binalikan ko ang text ng handler ko para makuha yung number ni Ate Chelsea. Sinave ko muna ito sa contacts ko at nag umpisa na akong itype yung message ko sakanya.
C: Hello po Ate Chelsea, goodmorning po! By the way si Charles po pala ito from the agency, nakuha ko po yung number niyo from Mother Glenn. Uhmmm itatanong ko lang po sana kung pwede kung kasama niyo po ba si Niña at kung pwede ko po sana siyang makausap? May kailangan lang po akong sabihin at tanungin sakanya. Salamat po!
Pagkatapos kong isulat toh ay sinend ko na toh sakanya. Magaabang na lang tayo ng reply mula kay Ate Chelsea
Habang nag aabang ako ng reply ay tuluyan na akong bumangon at nag tungo na saaking CR.
Naligo muna ako at naghilamos pagkatapos ay nag bihis bago ako bumaba ng kusina para mag almusal.
Pagbaba ko'y naabutan kong wala ng tao sa kusina. Lumapit ako sa lamesa at nakita kong may sulat dito.
Charles,
Nauna na kaming mag agahan nila Clyde at ng Mama mo. Kumain ka na lang diyan, nasa lamesa yung mga pagkain ipainit mo na lang. Sasamahan namin ngayon si Clyde sa school niya dahil mag eenroll na daw siya pagkatapos ay didideretso kami sa mall, magkita na lang tayo dun. Text ka na lang namin kung nasaan na kami, ikaw din text mo kami kung may kailangan ka ha.
-PapaKumain muna ako ng agahan pagkatapos ay niligpit ko yung mga pinagkainan ko.
Pagkatapos ko kumain ay dumiretso na ako sa kuwarto ko at agad kong tinignan ang cellphone ko kung may reply na ba si Ate Chelsea
Natuwa ako ng makita kong may notification galing kay Ate Chelsea
Ate C: Hello Charles, goodmorning din sayo! Oo kasama ko si Niña ngayon kaso natutulog pa siya eh. Ganto na lang, eto yung number niya (093xxxxxxxx) siya na lang mismo ang itext mo. Have a great day ahead Charles and see you sa next meeting with the agency!
Tinext ko kaagad ito para pasalamatan siya
C: Thank you po Ate Chelsea! Have a great day din po and see you po sa next meeting.
Agad ko namang sinave yung number ni Niña sa phone ko.
-iamgabby
