Charles
"Hayyy nako ang Pilipinas talaga di na nagbago pagdating sa traffic! inip na inip kong sabi habang pinagmamasadan ang traffic sa harapan ko. Papunta na ako sa venue ng fashion show ngunit kinakabahan ako dahil baka malate ako sa aking call time ng dahil lang sa di umuusad na traffic.
*Ring
*Ringpinindot ko ang answer para sagutin ang tawag ng aking handler "Hello Mother Glenn, on the way na ako sobrang traffic lang!"
"Ok lang ijo basta siguraduhin mong nandito ka na pagsapit ng 9:00 am!"
"Opo Mother!"
"Nga pala tumawag ako sayo para iinform ka na tumawag ang agency saakin para sabihin na nagkasakit ang dapat sana'y kapartner mo"
"Ano? Hindi pwede yan, papangit tignan kapag wala akong kasama sa pagrampa mamaya" medyo kinakabahan kong sabi kay Mother Glenn.
"Charles wag kang mag-alala dahil ginagawan na ng agency at ng mga organizers ng paraan yan! O siya siya sige basta mag-iingat ka sa pagmamaneho ha" pagaasure naman saakin ng aking handler
"sige sige" at binaba ko na ang tawag
8:56
Dali dali akong tumakbo papuntang venue ng napatigil ako dahil may nakita akong dalaga na naglilibot libot sa paligid ng venue. Morena siya at matangkad. Di ko maiwasang di mamangha sa kanyang simpleng kagandahan, di siya tulad ng ibang babae na sobrang kikay sa sarili lalo na sa pananamit pero sobrang ganda niya padin. Ang kanyang kagandahan ay di nakakasawang tignan kaya di ko na namalayan na nakatitig na pala ako sakanya. Maya maya pa ay natauhan ako ng may kumalabit saakin, pag lingon ko dito ay nakita ko ang aking handler
"Charles!! salamat naman at umabot ka, halika na at kailangan ka pang ayusan"
Nagmamadali kaming pumunta sa loob ng venue para maayusan na din ako. Every fashion show na ginagawa ng agency namin ay pumipili sila ng isang star na magiging center of attraction ng show at para sa show na toh na may wedding theme ay ako ang napili ng agency.
" Charles maiwan muna kita diyan, pag ready ka na dumiretso ka na sa dressing room dun na lang kita hihintayin" huling bilin saakin ni Mother Glenn bago siya umalis dahil may mga aasikasuhin pa daw siya
Makalipas ang 30 minutes ay natapos na nila akong ayusan. Di naman sila natagalan na ayusan ako dahil di ko naman kailangan ng makapal na makeup dahil lalaki naman ako so mas nag focus sila sa itsura ng buhok ko.
Pagkatapos kong magpaayos ay dumiretso na ako sa dressing room upang maisuot ang aking suit. Ako'y namangha sa itsura nito dahil ang lakas maka royalty ng disenyo ng aking susuotin! Habang nagbibihis ako ay di mawala saaking isipan ang sinabi saakin ng aking handler kanina na wala daw ang dapat na kapartner ko sa pagrampa, sana ay makahanap sila ng maipapalit bago magsimula ang show.
Dumiretso na ako sa backstage upang hanapin si Mother Glenn
"Charles! Wow ang gwapo naman ng alaga ko" pangbungad na bati saakin ni Mother Glenn ng makita ko na siya
"Syempre naman mother hahahahha!" nakakatawang sagot ko sa aking handler
"Hay nako o siya siya, halika na dalhin na kita sa holding area para makapag handa ka na"
"Sige salamat Mother!" pagkatapos ay naglakad na kami papuntang holding area
-iamgabby
