Charles
Ng kami'y makarating na sa holding area ay pinaupo muna ako saglit ng aking handler
"Charles maiwan muna kita saglit at pupuntahan ko lang ang organizers at tatanungin kung ano ng balita sa kapartner mo" bilin ni Mother Glenn saakin
Pagkaalis ni Mother Glenn ay napagisipan kong ihanda ang aking sarili para sa muling pagsalang sa pagrampa at ginawa ko toh sa pamamagitan ng pagpapractice ng aking gagawing lakad mamaya, tinignan ko kung anong klase ng lakad ang babagay sa suot ko, kung gaano kabilis ang aking lakad at kung ano ang aking final pose para sa solo ramp ko.
Pagkatapos kong ma finalize ang aking gagawing rampa mamaya ay nag isang pasada lang ako tapos umupo na din. Maya maya pa ay dumating si Mother Glenn
"Charles ijo may good news ako sayo, nakahanap ang mga organizers ng papalit sa kapartner mo" masayang salubong saakin ng aking handler
"Talaga po?!?" natutuwa tanong ko
"Oo pero ayon sa organizers ay hindi daw nagmomodel ang nakuha nilang kapalit ng kapartner mo, kapatid daw siya ni Chelsea yung event coordinator ng agency natin"
"Hala so ibig sabihin first time niya toh? Alam niya na kaya kung anong mangyayari mamaya" nagaalalang pagtatanong ko kay Mother Glenn
"May orientation naman na magaganap bago kayo sumalang sa stage kaya for sure masasabihan din siya sa dapat gawin" pageexplain saakin ni Mother Glenn
"Ahh ok sige po"
"Charles nakikiusap ako sayo na kung pwede sana ay tulungan mo siya, kahit konting pag gabay lang tsaka moral support na din dahil sigurado akong kinakabahan yun lalo na't first time niya" mabait na pakiusap saakin niMother Glenn
"No problem Mother! Ako ng bahala sakanya, don't worry gagabayan ko siya"
"Ok that's good ijo! O siya siya aalis na muna ako dahil may mga aasikasuhin lang ako, babalikan kita bago mag start ang show" pagkatapos ay umalis na ang aking handler at naiwan akong magisa dito sa holding area.
Umupo na lang ako at naghintay ng oras para sa orientation ng may huminto sa harap ko na lalaki at may kasama itong babae
Pamilyar saakin ang mukha ng babae. Maya maya pa ay namukhaan ko na ito, siya yung babaeng nakita ko kanina na naglilibot libot sa labas. Sobrang ganda talaga niya, kung kaninang wala pa siyang makeup at di pa siya nakaayos ay maganda na siya, lalo siyang gumanda nung inayusan na siya
"Sir Charles siya po si Maam Niña, siya po yung papalit sa partner niyo! Kapatid po siya ni Maam Chelsea" pagpapakilala saakin nung lalaki sa babaeng kasama nito
inabot ko ang aking kamay at nagpakilala sakanya "Hello Niña, Charles Kieron nga pala pero Charles na lang itawag mo sakin"
nakipag kamay naman siya saakin bago tuluyang magpakilala "Hi Charles! Vivoree Niña nga pala, Niña na lang for short"
Nang narinig ko ang pangalan niya ay nagandahan ako dito dahil di pa ako nakakarinig ng pangalan na katulad ng first name niya na Vivoree
"Uhmmm sige po maiwan ko na po muna kayong dalawa may mga kailangan pa po akong asikasuhin eh" pagpapaalam saamin ni kuya
kinamayan ko siya at nagpasalamat "Sige salamat kuya"
Pagkaalis ni kuya ay naiwan kaming nakatayo. Akward, yan ang sitwasyon namin ni Niña ngayon kasi kahit isa saamin ay di nagsasalita at mararamdaman mo talagang nagkakahiyaan kamk. Madalas kapag may bago akong tao na nakikilala agad akong nagiging comfortable sakanya, agad ko itong kinakausap at kinakaibigan pero di ko alam kung bat bigla akong naging mahiyain nung dumating si Niña.
Di ko maiwasang di sumulyap sakanya at titigan ang knyang kagandahan. Sobrang ganda talaga niya, sa unang tingin mukhang may lahi siya pero full filipina siya at kitang kita ito sa kanyang pagkamorena. Bagay na bagay sakanya ang kanyang ayos lalo na ang kanyang makeup dahil inenhance nito ang kanyang magagandang mata, matangos na ilong at mga kissable na labi. Bagay din sakanya ang suot niyang bridal gown, mukha talaga siyang ikakasal at mukhang ang gown na kanyang suot ay sinukat at dinesenyo talaga para sakanya dahil saktong sakto ito
Maya maya pa ay naisipan ko ng basagin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa
"Ahhh Niña upo muna tayo baka kasi mangalay ka" nahihiya kong bangit pagkatapos ay nilapitan ko siya at inilahad ko ang kamay ko upang maalalayan siya sa pag upo
"Ah sige sige salamat" pasasalamat niya ng may ngiti sakanyang mukha bago niya tangapin ang kamay ko
-iamgabby
