1

436 11 0
                                    

Niña

"Niña ready ka na ba? kailangan na nating umalis, madami pa akong kailangan aayusin pag dating sa venue"

"Eto na po Ate"

Ngayong araw na to ay sasama ako kay Ate sa work niya dahil pagkatapos na pagkatapos ng event ay may kailangan kaming puntahan ni Ate na family dinner.

Si Ate ay isang event coordinator sa isang sikat na modeling agency, kung baga siya ang taga pamahala sa bawat fashion show na gaganapin ng kanilang agency.

"Ate kailangan ko ba talagang sumama sa work mo?"

"Oo dahil kailangan pagkatapos ng event ay dumiretso na tayo sa restaurant kung hindi malelate tayo"

"Ok fine!!"

*8:00 am*

Pagkadating namin sa isang hotel na magiging venue ng wedding inspired fashion show, dumiretso na agad si Ate sa function hall upang makapagtrabaho na. Sumunod lang ako sakanya ng bigla siyang magsalita

"Niña dun ka na muna sa backstage o di kaya mag gala gala ka sa labas, bahala ka na ha magiging busy na ako"

"Sige Ate"

Napagdesisyonan ko na lumabas muna at magikot ikot, pumunta ako sa may pool area at doon muna tumambay. Makalipas ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng init kaya pumasok na lang ako sa loob ng venue at pumunta na lang sa backstage. Maluwag naman ang backstage ng event na ito, malaki laki din kasi ang function hall ng hotel na toh.

Sa loob ng backstage ay nagkakagulo na ang mga crew, makeup artist, hair stylist at mga models. Di sila magkanda ugaga dahil dalawang oras na lang ay maguumpisa na ang event at hindi pa handa ang lahat

Naghahanap ako ng lugar na maaaring pagtambayan ng makita ko ang isang hilera ng upuan na para siguro sa mga crew ng event. Umupo ako doon at nagdesisyon na mag cellphone na lamang.

Nahagip ng aking mata si Ate na sobrang busy at sobrang stressed na dahil sa mga nangyayari. May isang lalaki na nakasuot ng itim na shirt ang lumapit sakanya, siguro ay isa din toh sa mga organizers ng event dahil lahat ng crew and organizers ay nakaitim. May sinabi sakanya ng lalaki na agad ikinagulat ni Ate. Agad agad siyang nagpanic, ninais ko sana siyang puntahan upang tanungin kung anong nagyari at kung may maitutulong ako sakanya. Ngunit bigla siyang humarap sa isang babae na nakaitim din at nagsalita.

"Hanapan niyo si Charles ng makakapartner sa loob ng 20 minutes, tawagan niyo ang agency magtanong kayo kung may available na model. Pag wala kayong nahanap sa loob ng 20 minutes sabihan niyo ako" utos ni Ate sakanila

"Yes maam Chelsea" sabay lakad nung babae at lalaki palayo kay Ate

Makalipas ang 20 minutes ay bumalik ang babae at lalaki kay Ate at kinusap nila ito. Sa pagkakataong ito ay narinig ko na ang kanilang paguusap

"Maam Chelsea sorry po pero ginawa na po namin lahat ng aming makakaya pero wala po talaga kaming nahanap na kapartner ni Sir Charles" sabi ng babae

"Tinawagan na po namin ang agency pero ang sabi po nila ay karamihan ng models natin ay nandito na sa event na to ang iba naman ay nasa bakasyon" ani naman ng lalake

"Patay paano na toh, si Charles ang ating big star at mahalaga na may kapartner siya sa pag rampa." tarantang sambit ni Ate

Sa pagkakataoon na ito ay naglakas loob na akong lapitan si Ate at tanungin baka may maitulong ako. May mga kaibigan akong nagmomodel at baka pwede ko silang tawagan at pakiusapan.

"Ate sorry kung makikisali na po ako pero narinig ko po kasi ung usapan ninyo. Baka po may maitulong ako, may mga kaibigan po akong model baka pwedeng pakiusapan ko po sila" sabi ko kay Ate

Napansin ko naman na nakatingin ung babae at lalaki saakin sabay may ibinulong sila kay Ate

"Bakit po?" tanong ko kay Ate ng makita ko siyang nakangiti at nakatingin saakin na parang may idea na siya

"Ahmmn Niña wag na, kahit wag mo na silang tawagan kasi baka matagalan pa sila eh malapit ng magumpisa yung event"

"Sure ka Ate?" nagtataka kong sagot sakanya

"Oo hayaan mo na kasi may naisip na akong idea, ikaw na lang ang ipapartner namin kay Charles!" nakangiting sambit ni Ate saakin na akin namang ikinagulat

"P-po Ate?!? teka lang eh di naman po ako marunong rumampa" kinakabahan kong sabi kay Ate

"Ok lang yan Niña, saglit lang naman toh eh. Sige na pumayag ka na!!"

"Ate a-ayoko talaga, kinakabahan ako" pagpupumilit ko kay Ate. Di naman kasi ako marunong rumampa. Oo napapanood ko ang mga kaibigan kong nagmomodel so medyo may ideya ako kung anong nangyayari sa ramp stage pero iba pa din kapag ikaw na yung nandun kaya di ko din alam kung anong gagawin ko mamaya.

"Niña please!! promise kaya mo yun, tsaka andun naman si Charles. Mabait yun at sure akong tutulungan ka niya, kailangang kailangan niya lang kasi ng partner" Ayoko talagang pumayag kay Ate kaso nakikita ko na sa mga mata niya na kailangan niya na ng tulong ko

"Ughhhh fine, but you owe me one Ate" pasalamat talaga si Ate at mahal ko siya kasi kung hindi di talaga ako papayag sa gusto niya

"Yes, yes ililibre kita pagkatapos nito! Thank you Niña"

may lumapit na babae sa Ate ko at sinabing "Maam magstastart na po yung show soon"

"Ahhh sige sige, nga pala Maggie pakisamahan si Niña sa hair and makeup siya na ang papalait sa kapartner ni Charles, Niña iwan mo na saakin yung gamit mo at sumunod ka na kay Maggie"

"Yes maam" sunod nung babae kay Ate

-iamgabby

P A R T N E R STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon