Charles
Pagkaupo namin ni Niña ay nakita kong medyo kinakabahan siya kaya kahit na nahihiya ako ay nagdesisyon na akong kausapin ito upang kilalanin pa ito tsaka para maging comfotable na siya saakin at mabawasan na ung kaba niya
Hinarap ko muna siya bago ako nagsalita "Ahh Niña sabi saakin ng handler ko kapatid ka daw ni Ate Chelsea tsaka na first time mo daw toh"
Hinarap niya din ako pagkatapos ay nauutal na sinagot ang tanong ko "Ahh o-oo, panganay kong kapatid si Ate Chelsea"
"Ok ka lang ba? ba't parang tensyonado ka diyan?
"Pasensya ka na ha, kinakabahan kasi ako tsaka medyo nahihiya din ako sayo"
Ang cute niya palang magsalita pag nahihiya siya, ang hinhin niya
"Naku wag ka ng mahiya saakin, mas mabuti ngang maging comfortable ka na saakin para mabawasan yang kaba mo" nakangiti kong sabi sakanya para maramdaman di siya makaramdam ng ilang saakin
Dahil nga sa kagustuhan kong mawala yung hiya niya saakin ng kahit papaano ay di ko na siya tinigilan sa pagtatanong
"Pwede ko bang tanungin kung paano ka nakuhang proxy ng partner ko?"
"Actually uhmmm si Ate Chelsea yung pumili saakin para maging proxy ng kaprtner mo, wala naman na akong nagawa kaya kahit na first time ko pumayag na ako"
"Never mo pang natry rumampa?"
"Never, pero napapanood ko yung mga kaibigan ko pag nag fafashion show sila"
"Ahh so may mga kaibigan kang nag momodel? ikaw ba't di ka magtry mag modeling, ang ganda mo kaya!" di ko alam kung bakit nasabi ko yung dulong part, di na siguro napigilan ng bibig kong sabihin sakanya na maganda siya. Hindi naman ako nagsisisi kasi totoo naman yung sinabi ko
"Naku salamat ha pero di ko naman kasi hilig yang mga ganyang bagay, tsaka mahiyain akong tao eh" pagpapaliwanag niya saakin
Naalala ko tuloy na ganun din ako dati. Sobrang mahiyain ako noon pero nung pumasok ako sa modeling nawala ito at napalitan ng confidence. Napagisipan kong ishare to sakanya para na din mapagaan yung loob niya sa kabang nararamdaman niya
"Ako din naman eh, di din naman ako into modeling tsaka mahiyain din ako dati pero nung pumasok ako sa modeling nawala yung pagkamahiyain ko. Sayang yung ganda mo,kailangan makita ng buong mundo yan!"
"Hahahahha grabe na yung compliment mo, di ako maganda noh mas madami kayang magagandang babae diyan tsaka isa pa di naman ako ganun katangkad"
"Niña maganda ka, morena beauty ka kaya tsaka tama lang kaya yung height mo para sa mga babae, pwede naman daanin sa heels ang height eh!"
Sa puntong ito nakaramdam na ako na parang medyo nababawasan na yung pagkamahiyain niya kasi nagiging madaldal na din siya tapos sinasabayan niya na din ng kahit papaano yung mga hirit ko
"HAHAHAHAHAHA ikaw ha, pero salamat dahil dinaldal mo ako ng dinaldal atleast medyo gumagaan na yung kaba ko kasi nagiging comfortable na ako sayo, atsaka alam kong may dadamay saakin mamaya" masaya niyang sagot saakin. Ang ganda talaga niya lalo na pag nakangiti siya.
"It's my pleasure na pagaanin yung atmosphere, happy ako kasi nawawala na yung hiya mo saakin atleast magiging maganda yung walk natin mamaya" nakangiti kong sagot sakanya
Nagulat ako ng sa unang pagkakataon ay siya naman ang nag tanong saakin "Ahh! Pwede ko bang matanong kung paano ka napasok sa modeling?"
"Actually hindi ko naman talaga gustong mag modeling, high school ako nun tapos ako yung pinili ng mga kaklase ko na magrepresent sa section namin sa isang fashion show eh wala akong choice kasi aanim lang kaming lalaki sa section namin tapos ayaw pa nilang sumali tsaka pinilit pa ako ng adviser namin kaya wala din akong nagawa, dun ako nadiscover ng handler ko, after ng show nilapitan niya ako tapos inalok na maging model, nung una ayaw ko pa kaya sabi ko pagiisipan ko eh kaso kinailangan kong tumulong sa pamilya namin kaya ayun naisipan ko ng tanggapin yung offer niya tas siya na din yung nag pasok saakin sa agency."
Pagkatapos kong magsalita ay may tumapik sa balikat ko, nagulat ako ng makita ko si Mother Glenn sa gilid ko
"Speaking of handler"
Tumayo ako at tinabihan ang handler ko. Naiisip kong ipakilala si Mother Glenn kay Niña
" Mother Glenn meet the very beautiful Niña, siya yung pumalit sa partner ko. Niña meet Mother Glenn my loving and caring handler"
Inabot ni Mother Glenn ang kamay nito kay Niña bago ito nagsalita "Hello Niña, wow totoo nga ang sabi ng alaga ko, you are truly beautiful! Kamusta ka naman? is Charles treating you well?"
Tumayo naman si Niña at inabot din ang kamay ni Mother Glenn lagkatapos ay nakipag kamay ito "Ayy thank you po. Opo! sobrang bait and friendly nga po niya eh, he made me feel comfortable and tinulungan niya pa po ako para mabawasan yung kaba ko"
Napangiti naman ako ng marinig ko yun mula sakanya. That made me happy knowing that I was able to make her feel comfortable and welcomed
"Well that's good to hear, atleast he made you feel welcome. Ohh siya siya maiwan ko na kayo para makapag practice na din kayo. I just came to check up on you guys and mukhang ok naman kayo. Bye Niña, it was nice meeting you" nagbeso ang dalawa pagkatapos ay tinapik ako ni Mother Glenn sa balikat
"Ayy sige po, it was nice meeting you din po" pamaaalam ni Niña saaking handler
Pagkatapos ay umalis na siya at naiwan na ulit kaming dalawa ni Niña. Naisipan ko g tanungin siya kung alam niya na ba kung anong mangyayari mamaya para na din malaman ko kung kailangan niya ng tulong.
"Uhmm Niña alam mo na ba na may solo ramp ka mamaya?"
"Hindi eh, wala pang nagsasabi saakin kung anong mangyayari mamaya"
Nang marinig ko yun ay naisipan kong mag offer agad ng tulong sakanya
"Ahh ganun ba, gusto mo ba tutal nakatayo na tayo eh tulungan kitang mag practice para sa solo ramp mo?"
"Sure, sure mukhang kailangan ko din yun"
Nagsimula na ako sa pagtulong sakanya. Nagisip ako ng kung anong babagay ng walk lara sakanya pagkatapos ay itunuro ito sakanya
"Ok sige so since naka gown ka pwedeng mag normal walk ka na lang pero wag masyadong mabilis ang wag din naman masyadong mabagal. Tapos pagdating mo sa dulo mag stop ka, and smile. Then turn around and stop for atleast 2-3 seconds para makita yung back details ng gown mo, tapos lakad ka na pabalik sa likod"
"Sige sige, try ko ha"
Sinubukan ni Niña yung tinuro kong walk sakanya at namangha ako dahil hindi mo mahahalatang first time niya lalo na't di bakas ang kaba sa kanyang pagmumukha pagkatapos ay nakuha niya kaagad yung mga tinuro ko sakanya.
Naiisipan kong puriin siya para malaman niyang maganda ang ginawa niya sakanyang practice "Wow, seryoso ka bang di ka pa nakakapag modeling, ang galing mo kaya!
"Hahahahaha salamat! Hindi kaya ako magaling, ang pangit nga ng walk ko eh. Iniimagine ko lang kasi kung ano yung mga ginagawa ng model friends ko pag rumarampa sila tsaka sinunod ko lang naman kung ano yung sinabi mo"
"Ok nga yan eh, walang bahid ng kaba sa mukha mo habang nag papractice ka. Oo nga pala tutal eh nagpapractice lang din naman tayo, try na din kaya nating ipractice yung walk natin together for the finale?"
"Oo nga, sige!"
Nakailang subok kami ng mga lakad na pupwede naming gawin hanggang sa nakabuo kami ng isang final walk, sa tulong na din ng mga pinagsama sama naming mga ideya. Nagpractice kami ng mga tatlong beses hanggang sa makuha na namin ang tamang bilis ng lakad at timing ng final pose.
Para saaming final walk ay napagusapan namin na maglalakad kami papunta sa harapan ng magkahawak ang kamay tapos pagdating namin sa dulo ay bibitawan ko ang kanyang kamay at hahayaan siyang umikot ng 360 degrees Haharapin niya muli ako tsaka muling maghahawak ang mga kamay namin, sa puntong ito ay lalabas na ang designer ng mga suot namin at sasamahan kami sa harapan para sa closing ng fashion show.
Pagkatapos ng isang pasada ng buong final walk ay nag apir kami
"Nice one, ang galing nagawa natin kahit last minute! Ang galing mo Niña"
"Ikaw kaya ang magaling diyan tsaka ang ganda din ng naisip mo para sa final walk natin" natatawa niyang sabi
-iamgabby
