16

228 6 1
                                    

Niña

"Niñaaaaaaa" nagising ako sa malakas na sigaw ni Ate habang pumapasok siya sa kuwarto ko

"Niñaaa, bangon na!!!"

Umupo muna ako sa kama ko bago ko siya binati "Eto na po gising na"

"Hay buti na lang! Kumilos ka na dahil baka nakakalimutan mong enrollment mo na ngayon" nakapameywang niyang sabi

"Eto na po, kikilos na"

"Oo nga pala nagtext saakin si Charles yung naging kapartner mo"

"Si Charles po, a-ano daw pong
kailangan niya?" gulat na gulat kong sabi

"May kailangan daw siyang sabihin sayo, kaso ang sabi ko natutulog ka pa kaya binigay ko na lang number mo para kayo na lang ang mag usap"

Ay oo nga pala, may date kami courtesy nung designer ng damit namin sa show. Akala ko di na yun tuloy kasi syempre alam kong busy na tao si Charles tsaka malapit na din ang pasukan eh.

Pero teka lang, tama ba yung dinig ko na binigay daw ni Ate Chelsea yung number ko kay Charles "Po?? Binigay niyo number ko? Ate naman eh"

"Sus kunwari ka pa, ayaw mo nun atleast mag kakapalitan na kayo ng number tsaka magkaka usap na kayo. May katext mate na siya, ayieeeee!"

"Ate syempre noh, nakakahiya kaya"

"Wag kang mahiya, siya naman yung may kailangan eh. Tsaka binigay ko lang sakanya number mo kasi mukhang importante yung sasabihin"

"Haysss may magagawa pa ba ako"

"Wala na, kaya kung ako sayo pag nag text sayo save mo na kaagad yung number para di mo na makalimutan"

"Oh sige sige, bago pa humaba tong usapan natin ay maiwan na muna kita. Mag handa ka na diyan, magaayos lang ako tapos aalis na tayo"

Pagkaalis ni Ate ay bumangon na ako at niligpit ko na ang aking pinag higaan Pagkatapos kong magligpit ay dumiretso na ako sa CR para maligo, maghilamos at mag toothbrush.

Pagkalabas ko ng CR ay narinig ko nanaman ang sigaw ni Ate, lalas talaga ng boses niya umabot ba naman yung sigaw niya mula sa sala hanggang sa kuwarto ko

"Niña malapit ka na bang matapos?"

"Magbibihis na lang po"

"Bilisan mo, baka ma traffic tayo"

Dali dali akong nagbihis at nagsuklay ng buhok pagkatapos ay kinuha ko na lang yung bag ko pati yung mga requirements ko for enrollment. Nagdesisyon na din akong dalhin yung travel makeup kit ko dahil wala na akong oras mag ayos sa bahay at kahit papaano ay kailangan kong mag mukhang matino dahil haharap ako sa madaming tao.

Nagsapatos lang ako pagkatapos ay lumabas na ako sa kuwarto ko kung saan nakita ko namang nakatambay si Ate sa may sala habang hinihintay ako.

"Ohh andiyan ka na pala! Tara na, baka matraffic pa tayo"

Nauna akong lumabas ng condo tapos sumunod si Ate dahil nilock pa niya yung mga pintuan

"Dala mo na ba lahat ng requirements mo?"

"Opo"

Bumaba na kami ng basement/parking at sumakay na ng kotse papuntang school.

Habang nasaan daan ay nagumpisa na akong mag makeup. Di naman ako marunong mag makeup ng bongga kaya ang ginagawa ko ay simple makeup lang tulad ng polbo, cheektint, kilay, mascara at lipstick lang naman. Napansin siguro ito ni Ate kaya siya nagtaka

"Wow naman ang kapatid ko marunong ng mag makeup, dalaga ka na talaga"

"Hala si Ate naman!"

"Nagulat lang ako pero natutuwa ako kasi kahit paaano ay natututo ka ng mag ayos sa sarili mo. Dati kasi di ka naman ganyan eh"

Totoo naman, di ako mahilig mag ayos ng sarili ko dati pero dahil nga medyo nag dadalaga na tayo tsaka yung mga kaibigan ko ay mga kikay ay unti unti na akong natututo. Tsaka na realize ko na kahit papaano ay dapat matunong akong mag ayos sa sarili kasi college na ako and importanteng mag mukhang presentable pag humaharap sa mga tao.

"Ano ka ba Ate, marunong naman talaga akong mag ayos sa sarili ko yun nga lang di ko ginagawa kasi nakakatamad"

"Weh talaga ba, o baka naman kaya ka nag aayos eh kasi may pinag hahandaan ka"

"Wala Ate! Gusto ko kang nag nukhang presentable mamaya lalo na sa harap ng mga admins"

"O sige sige kung yan ang gusto mo!"

Makalipas ang mahigit 30 minuto ay dumating na kami sa school ko. Bumaba na ako ng kotse at naunang ng maglakad habang sinusundan lang ako ni Ate.

Enrollment day ko ngayon at sinamahan ako ni Ate tutal day off niya sa work ngayong araw. Pagkatapos nito ay planong mag mall ni Ate dahil may mga kailangan daw siyang bilhin.

Pagdating ko sa loob ng school ay dumiretso na ako sa assigned rooms namin for enrollment. Sinundan ko lang yung steps of enrollment tapos sa last step ay si Ate na ang gumawa dahil sakanya pinahawak nila Mama yung pera na pangbayad ng tuition fee and other fees ko tutal sasamahan niya naman daw ako. Umabot din ako ng isang oras sa pag eenroll dahil nagka problema yung mga computers na ginagamit nila.

Papalabas na kami ng school ng may nakasalubong akong bata na kasama siguro yung mga magulang niya

"Miss Ganda, pwede pong magtanong?" saad ng batang lalaki na nasa harapan ko

"Sure sure, ano ba yun?"

"Uhmmm saan po dito yung AD building?"

"AD building? Ah, new student ka ba for enrollment? Nakikita mo ba yung building na yun sa may tabi nung gate, yung may navy blue na pintuan? Pasok ka dun tapos akyat ka sa may second floor, dun yung enrollment ng new students"

"Sige po, salamat Miss Ganda"

"You're welcome"

Nagpaalam lang ako sakanya at sa mga kasama niya pagkatapos nun ay tuluyan na kaming lumabas ni Ate ng school at dumiretso na sa sasakyan para makaalis na din papuntang mall

-iamgabby

P A R T N E R STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon