2

272 6 2
                                    

Niña

Dali dali akong dinala ni Ate Maggie sa isang area na punong puno ng mga model na inaayusan ng buhok at makeup. Naglakad lakad kami hanggang sa tumapat siya sa isang upuan na may naka set up na hair tools and makeup sa harap

"Mamshie Albert eto nga pala si Maam Niña, kapatid ni Maam Chelsea. Pakiayusan naman siya ng buhok tas makeupan mo na din, siya na daw ang papalit sa partner ni Sir Charles" pakiusap ni Ate Maggie sa taong nasa harap namin

"Wow sige sige ako ng bahala sakanya" sabay pagpapaupo saakin ni mamshie Albert sa upuan na nasa harap niya

"Ang ganda ganda mo naman ija, manang mana sa Ate!" sabi niya saakin habang hinahanda na ang mga gagamitin niya

"Ayy hindi po, pero salamat nadin po" nahihiyang pasasalamat ko sa pagpuri niya saakin

Makeup dito makeup doon, kulot dito plantsa doon. Habang inaayusan ako ay kinakausap ako ni Mamshie Albert at natuwa naman ako kasi ang dali kong naging comfortable sakanya. Makalipas ang 50 minutes ay natapos na siya sa hair and makeup ko. Ang galing niya, kasi ang bilis niyang natapos yung look ko tsaka ang ganda nung kinalabasan!

"Ayan ija ready ka na! Minimal lang ang ginawa kong makeup sayo tutal maganda ka naman na, tsaka mas bagay sayo kapag light lang ang makeup mo. Tapos sa hair mo binagay ko na lang siya sa gown na susuotin mo. Speaking of gown sige na gora ka na para makapagbihis ka na" sabi niya saakin bago ako patayuin mula sa kinauupuan ko

"Salamat po Mamshie" pasasalamat ko sakanya bago ako tumayo upang hanapin si Ate Chelsea

ng tuluyan ko na ngang nakita si Ate ay agad ko itong nilapitan at kinalabit "Ate Chelsea, ready na ako"

"Oh andyan ka na pala, wow ang ganda naman ng kapatid ko! Lalo kang gumanda nung inayusan ka" tuwang tuwa niyang sabi saakin habang tinitignan ang aking pagmumukha

"Ate naman biniro pa ako, pumayag naman na ako sa gusto mo ha hahahahhaha jk lang! Thank you Ate"

"Halika na ng makapagbihis ka na malapit ng mag start ang program, Cloud pakisamahan naman si Niña magbihis nasa door 9 yung gown niya"

agad naman akong sinamahan nung inutasan ni Ate para makapagbihis na ako at pagdating namin sa dressing room door 9 ay nakita ko yung gown na susuotin ko at di ko maiwasang di mamahanga sa ganda ng gown na ito. Halatang halata mo na eto ang center of attraction mamaya dahil sa ganda ng disenyo neto! Nilapitan ko ang gown at nakita ko kung gaano kadetalyado ang gown na toh ultimo ang mga beads nito ay hand sewn isa isa.

Dahan dahang isinuot saakin ni Ate Cloud ang gown habang ingat na ingat siyang wag masira ang aking hair and makeup. Masaya ako dahil saktong sakto lang saakin ang gown na toh kaya di na kailangan ayusin bago sumalang sa ramp.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako upang magpakita kay Ate Chelsea at para na din makapaghanda sa pagrampa

"Wow ang ganda ng kapatid ko! Naiiyak ako, naiimagine ko tuloy na parang ikaw ang ikakasal. Bagay na bagay sayo ang gown na yan kitang kita ang kagandahan ng katawan mo. Sana pagdating ng araw na ikasal ka na ay magawa ko pang iorganize ang espesyal na araw na iyon. Gusto kong ako mismo ang magiging punong abala sa kasal mo. Sana yung taong pakakasalan mo ay yung taong tunay mong mahal at tunay ka din niyang mamahalin habang buhay" medyo naluluha luhang sabi ng aking Ate saakin

"Ate naman ang drama mo, matagal pa bago ako maikasal ok!!"

"Alam ko naman yun pero syempre bilang Ate mo di ko lng maiwasang di isipin yun. Hayy nakuu sige na nga bago pa ako tuluyang maluha eh pumunta ka na dun sa backstage para makapag orientation and practice ka na tsaka para mameet mo na din yung kapartner mo!"

"Sige po Ate, byeee and thank u! love you po and wag masyadong mag over think ha, magiging maayos tong event na toh" pagaasure ko kay Ate kasi nakikita kong stress na stress na siya

"Salamat Niña and goodluck sayo! alam kong kaya mo yan" huling sabi saakin ni Ate bago niya ako yakapin para makaalis na ako

-iamgabby

P A R T N E R STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon