10

178 6 0
                                    

Charles

Pagkatapos lumapit saamin ng nagoorient ay pumila na kami ni Niña. Maya maya pa ay narinig na namin ang boses ng host

"Good evening ladies and gentlemen! Welcome to A Vow to Forever, a wedding inspired fashion show. For tonight we would be witnessing the designs of 4 very talented designers to be presented to us by our lovely ladies and dashing gents from KV Modeling Agency. So sit back, relax and enjoy the show" nakarinig kami ng malakas na palakpakan mula sa mga audience

"Let's start off with the elegant designs of Mr. Justine Alvarez"

Pagkatapos magsalita ng host ay nagpalakpakan ang mga tao at nagstart na ang background music na gagamitin, senyales na maguumpisa ng lumabas ang mga models.

*insert Beautiful in White by Shane Filan*

Isa isa na ngang lumabas ang mga model ng mga designs ni Mr. Justine Alvarez. Nag umpisa sa mga lalaki pagkatapos ay sumunod naman ang mga babae. Nang matapos na ang mga designs ni Mr. Justine Alvarez ay nagsalita na ulit ang host

"Next up are the lovely designs of Ms. Ana Palma" muling nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos ay nag play muli ang background music

*insert Your Universe by Rico Blanco*

Isa isa muling lumabas ang mga modelo ng design ni Ms. Ana Palma. Sa pagkakataong ito ay magkasabay na rumampa ang mga babae at lalaki. Nang matapos na lahat ng designs ni Ms. Ana Palma ay muli naming narinig ang boses ng host

"Coming up are the classy designs of Mr. Edwin Galvez" tulad ng sa mga na unang dalawang designers ay muling nagpalakpakan ang mga tao bago nasimula ulit tumugtog ang kanta

*insert Isn't She Lovely by Stevie Wonders*

Tulad ng dati ay isa't isang lumabas ang mga model ng design ni Mr. Edwin Galvez. Naunang lumabas ang mga babae na sinundan naman ng mga lalaki. Nang matapos na lahat ng designs ni Ms. Ana Palma ay muling nagsalita ang host

Dalawang modelo na lang ang natitira pagkatapos ay kami na ang rarampa. Napansin kong kinakabahan na si Niña at hindi na ito mapakali, para bang malapit na itong umiyak hahahahhaha kaya naisip kong pakalmahin ito.

Hinawakan ko siya sa balikat pagkatapos ay sinabing "Niña, wag ka ng kabahan, kaya mo yan I know you'll do great up there! Ang galing mo kaya kanina nung nagpapractice tayo. Tandaan mo lang yung mga pinaractice natin kanina and don't forget to smile and to project with confidence, andito lang ako sa likod mo"

"Salamat Charles! Buti na lang andyan ka, pinapakalma mo ako." laking gulat ko nang yinakap niya ako

Muling nagsalita ang host "Last but not the least are the breath taking creations of Mr. Alfred Contre"

Nagpalakpakan ang mga tao at tumugtog na ang background music na hudyat na kailangan na naming lumabas.

*insert Ikaw at Ako by Moira and Jason*

Unang lalabas at rarampa si Niña, nilingon ko siya at inilahad ko ang kamay ko para maalalayan ko siya

"Let's do this Partner!" nakangiti kong sabi

"Let's do this!"

Ngumiti din siya pagkatapos ay pinatong na ang kanyang kamay saaking kamay bago ko siya tuluyang alalayan paakyat ng stage

Bago siya magumpisang maglakad ay binulungan ko ito para na din ma boost ang confidence nito "Go partner!"

Sabi nila
Balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang pag-asang nahanap ko
Sayong mga mata
At ang takot kong sakali mang
Ika'y mawawala

P A R T N E R STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon