Niña
Pagkaupo namin ni Charles ay bigla akong nakaramdam ng kaba. Di ko kasi alam kung dapat ko ba siyang kausapin o di kaya ay tanungin sa kung anong mangyayari mamaya.
Nagulat ako ng bigla niya akong harapin para kausapin
"Ahh Niña sabi saakin ng handler ko kapatid ka daw ni Ate Chelsea tsaka na first time mo daw toh"
Hinarap ko siya pagkatapos ay nahihiyang sinagot "Ahh o-oo, panganay kong kapatid si Ate Chelsea"
"Ok ka lang ba? ba't parang tensyonado ka diyan?
"Pasensya ka na ha, kinakabahan kasi ako tsaka medyo nahihiya din ako sayo"
"Naku wag ka ng mahiya saakin, mas mabuti ngang maging comfortable ka na saakin para mabawasan yang kaba mo" nakangiti niyang sabi saakin kaya kahit papano eh nakaramdam ako ng konting ginhawa dahil mukha naman pala siyang mabait
"Pwede ko bang tanungin kung paano ka nakuhang proxy ng partner ko?"
"Actually uhmmm si Ate Chelsea yung pumili saakin para maging proxy ng kaprtner mo, wala naman na akong nagawa kaya kahit na first time ko pumayag na ako"
"Never mo pang natry rumampa?"
"Never, pero napapanood ko yung mga kaibigan ko pag nag fafashion show sila"
"Ahh so may mga kaibigan kang nag momodel? ikaw ba't di ka magtry mag modeling, ang ganda mo kaya!" nagulat ako dun sa pag compliment niya saakin
"Naku salamat ha pero di ko naman kasi hilig yang mga ganyang bagay, tsaka mahiyain akong tao eh" pagpapaliwanag ko sakanya
"Ako din naman eh, di din naman ako into modeling tsaka mahiyain din ako dati pero nung pumasok ako sa modeling nawala yung pagkamahiyain ko. Sayang yung ganda mo,kailangan makita ng buong mundo yan!"
"Hahahahha grabe na yung compliment mo, di ako maganda noh mas madami kayang magagandang babae diyan tsaka isa pa di naman ako ganun katangkad"
"Niña maganda ka, morena beauty ka kaya tsaka tama lang kaya yung height mo para sa mga babae, pwede naman daanin sa heels ang height eh!"
Sa puntong ito nakaramdam na ako ng ginhawa kasi medyo nababwasan na yung kaba ko tsaka nawawala na din yung hiya ko kay Charles
"HAHAHAHAHAHA ikaw ha, pero salamat dahil dinaldal mo ako ng dinaldal atleast medyo gumagaan na yung kaba ko kasi nagiging comfortable na ako sayo, atsaka alam kong may dadamay saakin mamaya" masaya kong sambit sakanya
"It's my pleasure na pagaanin yung atmosphere, happy ako kasi nawawala na yung hiya mo saakin atleast magiging maganda yung walk natin mamaya" nakangiti niyang sagot saakin
Naisipan ko naman siyang tanungin "Ahh! Pwede ko bang matanong kung paano ka napasok sa modeling?"
"Actually hindi ko naman talaga gustong mag modeling, high school ako nun tapos ako yung pinili ng mga kaklase ko na magrepresent sa section namin sa isang fashion show eh wala akong choice kasi aanim lang kaming lalaki sa section namin tapos ayaw pa nilang sumali tsaka pinilit pa ako ng adviser namin kaya wala din akong nagawa, dun ako nadiscover ng handler ko, after ng show nilapitan niya ako tapos inalok na maging model, nung una ayaw ko pa kaya sabi ko pagiisipan ko eh kaso kinailangan kong tumulong sa pamilya namin kaya ayun naisipan ko ng tanggapin yung offer niya tas siya na din yung nag pasok saakin sa agency."
Pagkatapos niyang magsalita ay may lumapit na lalaki sakanya at tinapik ito sa balikat
"Speaking of handler"
Tumayo ito at tinabihan ang lalaki
" Mother Glenn meet the very beautiful Niña, siya yung pumalit sa partner ko. Niña meet Mother Glenn my loving and caring handler"
Inabot ng lalaki ang kamay nito saakin bago ito nagsalita "Hello Niña, wow totoo nga ang sabi ng alaga ko, you are truly beautiful! Kamusta ka naman? is Charles treating you well?"
Tumayo ako at inabot ang kamay niya para makapag kamay kaming dalawa "Ayy thank you po. Opo! sobrang bait and friendly nga po niya eh, he made me feel comfortable and tinulungan niya pa po ako para mabawasan yung kaba ko"
"Well that's good to hear, atleast he made you feel welcome. Ohh siya siya maiwan ko na kayo para makapag practice na din kayo. I just came to check up on you guys and mukhang ok naman kayo. Bye Niña, it was nice meeting you" lumapit siya saakin at nag beso kaming dalawa
"Ayy sige po, it was nice meeting you din po"
Pagkatapos ay umalis na siya at naiwan na ulit kami ni Charles
"Uhmm Niña alam mo na ba na may solo ramp ka mamaya?"
"Hindi eh, wala pang nagsasabi saakin kung anong mangyayari mamaya"
"Ahh ganun ba, gusto mo ba tutal nakatayo na tayo eh tulungan kitang mag practice para sa solo ramp mo?"
"Sure, sure mukhang kailangan ko din yun"
"Ok sige so since naka gown ka pwedeng mag normal walk ka na lang pero wag masyadong mabilis ang wag din naman masyadong mabagal. Tapos pagdating mo sa dulo mag stop ka, and smile. Then turn around and stop for atleast 2-3 seconds para makita yung back details ng gown mo, tapos lakad ka na pabalik sa likod"
"Sige sige, try ko ha"
Nagpractice ako at sinunod ko kung ano yung mga sinabi niya
"Wow, seryoso ka bang di ka pa nakakapag modeling, ang galing mo kaya!
"Hahahahaha salamat! Hindi kaya ako magaling, ang pangit nga ng lakad ko eh. Iniimagine ko lang kung ano yung mga ginagawa ng model friends ko pag rumarampa sila tsaka sinunod ko lang naman kung ano yung sinabi mo"
"Ok nga yan eh, walang bahid ng kaba sa mukha mo habang nag papractice ka. Oo nga pala tutal eh nagpapractice lang din naman tayo, try na din kaya nating ipractice yung walk natin together for the finale?"
"Oo nga, sige!"
Nakailang subok kami ng mga lakad na pwede naming gawin mamaya hanggang sa nakabuo kami ng isang final walk. Nagpractice kami ng mga tatlong beses hanggang sa makuha na namin ang tamang bilis ng lakad at timing ng final pose.
Para saaming final walk ay napagusapan namin na maglalakad kami papunta sa harapan ng magkahawak ang kamay (parang sa mga prom) tapos pagdating namin sa dulo ay bibitawan niya ang kamay ko pagkatapos iikot ako ng 360 degrees. Haharapin ko muli siya upang magkatinginan ulit kami tsaka muling maghahawak ang mga kamay namin, sa puntong ito ay lalabas na daw ang designer ng mga suot namin at sasamahan kami sa harapan para sa closing ng fashion show.
Pagkatapos ng isang pasada ng buong final walk ay nag apir kami
"Nice one, ang galing nagawa natin kahit last minute! Ang galing mo Niña"
"Ikaw kaya ang magaling diyan tsaka ang ganda din ng naisip mo para sa final walk natin" natatawa kong sabi sakanya
-iamgabby
