CHAPTER 1
- angle -* Click * Click * Click *
" Igilid mo 'yong muka mo . " seryosong sabi sa'kin ng isang matangkad na lalake . Color brown ang kanyang mata with a messy hair na hindi mukang dugyot tignan like more hot tignan sa kanya .
Ginu-guide niya ako ng kamay niya para maging maayos ang angle ng mukha ko sa picture. Sinunod ko siya and i cannot control myself to look at his Beautiful eyes.* Click * Click * Click *
Matapos niyang maibaba ang camera niya bigla siyang ngumiti sa'kin.
" O-ok na po ba? " tanong ko na nanginginig halos. He simply nodded while smiling at me. Umalis agad ako ng di oras dahil sa kakaibang nararamdaman ko.
" O? Bakit ganyan muka mo? Para kang maiihi na iwan. " salubong sa'kin ni Eya ang ' one and only best friend ko. ' Habang Inaayosan siya ngayon ng make-up-artist .
Nandito kami ngayon sa Studio Classroom ng school namin para magpa-picture para sa moving-up naming mag-se-senior highschool na kami.
" Hoy!!! " panggu-gulat sa akin ni Eya at nilakihan ako ng mata.
" Wa-wala! " nau-utal kong sabi but Eya make this curiosity face na killer move niya kapag may nakikita siyang masama or something sa akin .
" Sabihin mo sa'kin mamaya. " - Eya na tinignan ako ng masama. Iniwas ko ng di oras ang tingin ko sakanya .
Mamaya kung ano pa ang sabihin niya sa'kin . Mas maganda ng segurado. Maya-maya tinawag na ang pangalan ni Eya and here i am tahimik na naghihintay kay Eya ." Pst. Ang gwapo nong kuyang photographer noh? "
" Tiga-san kaya siya? "
" Oo nga noh? "
" Ahhh basta ang gwapo niya "
" Name niya diba Adrian Bautista? "Dahil sa chismosa ako ay nakinig muna ako sa mga estudyanteng naghihintay ding picturan sila . Pinagu-usapan pala nila si Kuyang Photographer . His name pala is Adrian.
" Uy! Uy! Uy! Ang gwapo 'nong photographer . " biglang salubong sa akin ni Eya .
Tinignan ko siya ng masama na ikinalaki ng mata niya .
" Ba-bakit? " kung kanina ako ang nau-utal ngayon siya naman ang parang basang sisiw na nagtatanong sa'kin.
" Paano ka-gwapo ? " tanong ko sa kanya na ikinangisi naman ng balungo na toh!
Hinawi niya ang buhok niya with matching crossarm pa .
" Bakit gust-- " hindi pa niya na ipagpapatuloy ang sasabihin niya ng takpan ko na ang buo niyang muka. Oo hindi lang bibig as-in buong muka para di na siya makapagsalita pa.
" Yiiieeemaygustokasakanyanoh? " sabi niya na hindi ko naman naiintindihan.
[ Yieee may gusto ka sa kanya noh? ]
" Ma-manahimik ka! Tara na nga tagal-tagal mo! " at bago pa siya magreklamo hinila ko na siya palabas ng studio. Nagpasalamat muna ako doon sa make-up-artist at tuloyan ng umalis.------
" Yieeee~ so may crush ka kay kuya photographer? " tanong agad sa akin ni Eya ng makalabas na kami ng Studio.
I look piss off ng iyon ang itanong niya sa'kin . E di ko nga yun kilala e! Pano ko siya magiging crush? At hindi pa kaya ako nagkakaroon ng crush tapos sa kanya ko na lang ibibigay itong crush-thing ko ? No way! No no a hundred no way way...
" Tigil-tigilan mo ako Eya bago pa kita masapak. " sabi ko at naglalakad ng mabilis sa hallway.
" E! Bakit ka galit? Tinatanong ka lang bakit parang may period ka na? " pagde-depend ni Eya sa tanong niya. Marahan ko siyang nilingon .
" Ililibre kita ng pocket book . " straightforward kong sabi sa kanya.
" Deal. " nakangiting sabi niya at inakbayan ako .
" Bahala ka! Kapag di mo nilinaw 'yang feelings mo mamaya bigla kang mabiliw sa kai-isip sa kanya. " pagbabanta sa akin ni Eya na sinuklian ko naman ng masamang tingin.
" Joke lang! Di ka naman mabiro." sabi niya at ngumiti ng paaso.
Ako? Iisipin 'yung kuyang yun? Hah! In his dreams. Hindi pa ako Vuvu para isipin ang taong kame-meet ko lang . Mabiliw? Pano ako mababaliw may ginawa ba siyang nakakakilig sa akin?Tch.
Gawa-gawa 'yang Eya na yan!
BINABASA MO ANG
The Day I Fall
Teen FictionPaano ba makalimot? Kapag ba inuntog mo ang ulo mo sa pader? Kapag sinampal mo ang sarili mo? Kapag nagtatalon ka at pinagsasabunotan ang sarili mo? How can I forgot that day? Paano ba kalimutan 'yong lintik na araw na 'yon? Paano ko ba tanggalin...