Chapter 6
- Vandalism -“ Hindi ko po nabayaran ‘yong kulang ng class namin. ” lakas loob kong sabi sabay iwas sa mata niya pero dahil Vuvu ang isip ko tumingin pa rin ako sa magandang mata niya.
“ Ahh - ehh ” nagiisip na sabi ni Adrian at napatingin din sa’kin na ikina-omyghash ng kaluluwa ko. Pinipilit kong huminahon pero nanlalamig ako.
“ Kuya saan po ba magbabayad? ” tanong ko sa kanya .
“ Sa akin na lang . ” ngiting sabi niya. Sa tuwing kausap ko siya nagiging seryoso ako na pabebe nakakainis!!!
“ Dito tayo sa gilid. ” sabi niya at gumilid kami . Kinuha ko sa bag ko ‘yong pouch ko at tumalikod sa kanya . A--ayaw ko ngang makita niyang madumi ang ayos ng bag ko . Agad-agad kong kinuha ‘yong pouch at kinuha doon ang 800 pesos . Pinahawak ko kay Eya ‘yong listahan .
“ Ang haba naman ng Listahan mo. ” natatawang sabi ni Adrian. Ako naman napaka-seryoso at tumingin ulit kay kuya pero nakuha niya na ‘yong listahan ko na kukunin ko sana kay Eya.
“ Kunin ko muna ‘yong listahan mo hah. ” nakangiting sabi niya at pinasok niya sa bag niya ‘yung listahan ko pero bago niya ipasok ‘yon nakita ko na may vandalism ‘yong likod nong listahan ko na ikinawalang bahala ko na lang.
“ Ibalik ko na lang sayo . ” sa sinabi niyang iyon parang gusto ko ng magtatalon pero dahil nandiyan siya hindi ko magagawa .
“ Bali 800 pesos po ‘yong nasa akin . ” seryoso pa rin na sabi ko at inabot sa kamay niya. Tinignan ko ‘yong kamay niya parang malambot—ayyy stop Maria Jose Reyes De Guzmán .
Kinuha niya iyon at tumingin ulit sa akin and once again nakita ko ng malapitan ang muka niya at grabe na-amaze ako sa ganda ng brown niyang mata.
Ngumiti ako at nag-pasalamat at tumalikod na . Agad kong hinila si Eya na ngayon ay pinaghahampas ako dahil siguro sa kilig ewan ah basta.----
“ Isa kang tae Maria Jose Grace Reyes De Guzmán . ” sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kesame ng kwarto ko.
Ngayong ko lang napagtagpo-tagpo ‘yong listahan na kinuha ni Adrian.
Naalala ko na kahapon vinandalism ko iyon ng may nakalagay i love you . Sa dinami dami ng papel na masusulatan ko bakit iyon pa???
Halos mabaliw na ako sa kaiisip ko kasi halos i love you ‘yong naka-design doon with my name on it.
Pano na lang iisipin niya? Mamaya pagkamalan niya pa akong stalker e. Kaya pala kahapon ang tagal-tagal ng tingin ko doon sa listahan na pinasok niya sa bag niya.“ Arggghhh kainin mo na ako Pacman! ” sabi ko at nagpagulong-gulong sa kama ko at dahil hindi ako sinwerte nahulog ako sa kama.
Tumingin ako sa kesame .
“ Mamatay na ‘yong listahan na ‘yon ” sabi ko at halos mangiyak na.
BINABASA MO ANG
The Day I Fall
Teen FictionPaano ba makalimot? Kapag ba inuntog mo ang ulo mo sa pader? Kapag sinampal mo ang sarili mo? Kapag nagtatalon ka at pinagsasabunotan ang sarili mo? How can I forgot that day? Paano ba kalimutan 'yong lintik na araw na 'yon? Paano ko ba tanggalin...