Chapter 12
- overreact -Matapos kong ngatngatin ang daliri ko . Tinawag na ako nila papa at mama na kumain at habang kumakain pinsan pa rin ang gumagambala sa brainy cell ko.
“ Anak! Ano bang nangyayare sayo? ” panimula ng usapan namin nila papa . Tumingin ako kay papa at kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.
“ Pa! Di ko naman alam na may pinsan tayong Bautista . ” sabi ko at tumingin kay mama na kumakain.
“ Bautista? ” kulot-noong tanong ni papa sa’kin . I simply nodded bilang pagsagot.
“ Ang layo naman! ” sabi ni papa. Huh? Anong malayo? Agad akong tumutok kay papa.
“ Anong malayo pa? Malayo nating kamag-anak? ” pagpapalinawanag ko Sa ikling tanong niya . Lumingon si Papa kay Mama.
“ Dang! Ano na naman ba pinagsasabi mo sa anak natin? ” tanong ni papa. Ako? Marahan akong napatingin kay mama na katitingin lang kay papa.
“ Diba pinsan naman niya ‘yon? ” depensang tanong ni mama at sa walang kadahilanan kinuha niya ‘yong album na pinakita niya sa’kin habang si papa napataas na lang ‘yong kaliwa niyang kilay.
“ Anak ‘yan ng kumpare ko! ” sabi ni papa sabay turo doon sa album. Halos lumipat na akong mars sa sinabi ni papa. Di ko nga alam na napatayo na ako sa gulat e!
“ ANO??? ” parehas na tanong namin ni mama. Habang si papa sarap na sarap sa pagkain niya.
“ Yang mama mo talaga! Abnoy! ” sabi ni papa na natatawa .
“ Hoy! Eggwardo! Ayosin mo yang pananalita mo.” galit na ewan na sabi ni mama at dahil parehas silang abno sinimulan nila ang world war 3 nila.Pumunta ulit ako sa kwarto ko matapos akong kumain at parang baliw na ewan na nagtatalon sa kama.
“ Di ko siya pinsan~ ” masayang sabi ko at nagsasayaw ng humskerewop .
Baliw talaga yang mother kong yan! Kung di ko lang mahal ‘yon e! Para tuloy akong baliw na kakaisip doon kay Adrian na ‘yon!—
BINABASA MO ANG
The Day I Fall
Teen FictionPaano ba makalimot? Kapag ba inuntog mo ang ulo mo sa pader? Kapag sinampal mo ang sarili mo? Kapag nagtatalon ka at pinagsasabunotan ang sarili mo? How can I forgot that day? Paano ba kalimutan 'yong lintik na araw na 'yon? Paano ko ba tanggalin...