- 11 -

9 1 0
                                    


Chapter 11
- Cousin -

“ Ano ma? Pakiulit . ” pagpapaulit ko kay Mama.
Pinsan mo si Adrian Bautista . ” para bang nagslow-motion ang labi ni mama habang binabanggit iyon.
Gusto ko sanang paulitin sa kanya ng 100 times pero natulala na ako.

Pinsan mo si Adrian Bautista .

Pinsan mo si Adrian Bautista .

Pinsan mo si Adrian Bautista .

Pinsan mo si Adrian Bautista .

Pinsan mo si Adrian Bautista .

Pinsan mo si Adrian Bautista .

Paulit-ulit na umiikot sa brain cell ko ngayon ang sinabi ni Mama . Na halos di ko alam ang ire-react sa gantong sitwasyon .

“ Anak? Uy! ” paggising sa’kin ni Mama. Agad-agad kong hinawakan sa magkabilaang balikat si Mama .
“ Ma! may iba ka pa bang picture ni Adrian Bautista? ” tanong ko sakanya na kanya namang ikinagulat .
“ Me—meron . ” nagaalanganin na sabi ni mama at inalabas ang cellphone niya. Hinantay ko ang pag-type niya sa cellphone .
“ Alam ko naman na nakalimutan mo na siya dahil matagal-tagal na kayong di nagkikita kaya naman ipapakita ko na sayo ‘yong latest picture nilang dalawa . ” sa pagsabi pa lang ‘yon ni mama agad - agad na tumibok ng sobra ang puso ko .
Nang ipapakita niya na sakin laking gulat ko .
Nang makita ko si Adrian na crush ko na kasama ang isang magandang babae at nakalagay sa caption ‘ with my sister ’ na halos ika-gunaw ng mundo ko.
“ Pi—pinsan? ” tanong ko at hinawakan ang cellphone ni mama.
“ Bakit anak? Na-meet mo na ba sila? ” tanong ni Mama sa’kin . Na-meet? Marahan akong tumingin kay mama . Ma! Hindi lang na-meet nagkagusto pa ako kay Adrian!

Kaaalis lang ni mama sa kwarto para daw mapag-isa mo na ako dahil sa wierd nga ‘yong inakto ko sakanya kanina.

“ Pinsan? ” halos 15 times ko ng tinatanong ito sa sarili ko matapos kong malaman ang katotohanan.
Pinsan? Pinsan? Pinsan?
HINAYUPAK NA PINSAN!!!!
Humiga ako sa higaan ko at nagpagulong-gulong.
“ Mamatay na ‘yang gumawa ng pinsan na ‘yan! ” sabi ko habang nagpapagulong pero dahil vuvu ako nagpasadya akong magpakahulog sa higaan para sana magising ako pero dahil vuvu ako hinampas ko pa ang sarili ko pero nagising pa rin ako sa katotohanan na pinsan ko si Adrian .
“ Bakit kasi sa dinami-dami ng magugustohan bakit siya pa? Hayop na tadhana di man lang nagpa-considerate na pinsan ko ‘yon kaya dapat di ko na siya na-meet . ” wala na akong pake kong anong isipin niyo pero gusto ko talagang kausapin ang sarili ko because only myself can solve this crazy feeling.
“ Ate! ” halos tumalon ako sa gulat ng tawagin ako ng kapatid ko na nakatayo lang sa may pintoan ng kwarto ko.
“ Uso kumatok! ” sabi ko pero tinarayan niya ako. “ Ilang beses na kaya akong kumatok masyado ka kasing Lutang! ” sabi niya habang tinatarayan ako.
“ Hampasin kita e! Ano ba ginagawa mo dito? Madami pa akong iniisip e! ” sabi ko at umupo .
“ Paano ba gumawa ng Love letter? ” pwede ba akong magtumbling sa narinig ko . Kinuha ko ang malaki kong unan at tinapon sa muka ng kapatid ko.
“ Lumayas ka nga! ” inis na sabi ko na agad namang kinaalis ng kapatid ko.
Ang dami-daming umiikot sa utak ko tapos sasabihin niya Love letter . E! Tae pala sya e! Arrrghhhh naiinis na ako!
Ginulo-gulo ko ang buhok ko at nagdadabog na ewan sa kwarto ko.
“ Bakit ko pa siya naging gusto? Ano na lang ihaharap ko? Paano kung magkita kami ulit? Omyghash! Maria jose grace reyes de guzmán bakit ang laloy mo sa pag-ibig? ” pagsising tanong ko sa aking sarili.

Ilang minuto na ang lumipas at paikot-ikot akong naglalakad sa kwarto ko halos ginawa ko na rin ang mga gawaing bahay para di lang siya maisip pero putek na kinalbo Yan o!  Siya pa rin tumatakbo sa isip ko.
Yung muka niyang nakatingin sa’kin tapos ‘yong mata niyang sobrang ganda. JUSMI!!! di ko na kinaya .

“ Kalimutan mo sya! Kalimutan sya! Kalimutan mo sya! ” sabi ko habang kinakagat ang daliri ko.
“ Pinsan mo siya diba? Bat ka magkakagusto sa pinsan mo!? Atsyaka mas matanda ‘yon sayo!? ” pagpapatuloy ko .
Ano ba kasi yan! Bakit ang lakas ng tama ko! Di naman ako nakainom e! Pero para akong naka-high and one more time huminga ako ng malalim at inalabas ang hangin na tinipon ko .
Humiga ako sa kama ko at halos siya pa rin ang gumugulo sa isip ko.

NAKAKAINIS NAMAN O! TUMIGIL KA NA! ” sigaw ko sabay kamot ulo dahil sa inis.

The Day I Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon