Chapter 8
- ice cream -Maria
Maaga akong nagising hindi dahil sa trip ko . Dahil sa pagmulat ko pa lang ng mata ko siya na agad ang nag-popout sa brain cell ko.“ O!? Bat ang aga mong gumising? ” gulat na tanong ni Papa habang nagka-kape. Tinali ko ang magulo kong buhok at napahikab.
“ May mga iniisip akong hindi dapat isipin. ” sa pagkasabi ko pa Lang ‘yon hindi na talaga maintindihan ni Papa kaya i decide na ibahin na lang ang topic .
“ Maligo na po ako. ” sabi ko at kinuha ko na agad ‘yong baymax kong twalya . Dumiretso agad ako sa Cr para maligo na ng madaanan ko si Mama na kagigising lang.
“ Ang aga mo. ” nagulat na sabi ni Mama sa’kin . Sasabihin ko sana ‘yong sinabi ko kay Papa pero mamaya magulohan na naman siya kaya sinabi kong ..
“ Nagising ko ‘yong sarili ko. ” sa pagsabi kong iyon kumulot ang muka ni Mama.
“ Anak ok ka lang ba? ” tanong niya . Napahilamos na lang ako ng muka ko ng wala sa oras at sinabi na lang kay mama na maliligo na talaga ako.---
Pagpasok ko pa lang ng gate agad naka-target ang dalawa kong mata sa studio. Hindi ako nagpasulyap kunde tinitigan lang ito ng masama.
Alam kong pinagtitinginan na ako pero dahil Vuvu ako syempre hindi ko ‘yon pinansin . Parang naririnig ko na ‘yong theme pag magsu-sundalo ka na.
Sakto naman na nagpakita sa harapan ko si Eya na may ngiti sa mukha.
“ Hinahanap siya? ” mapanglokong tanong niya habang ako nakatitig pa rin doon sa studiong wala na talagang kalaman-laman.
“ Kahapon ko pa siya hinahanap pero nasaan siya? ” hindi ko alam kung bakit iyon ang tanong na kumawala sa labi ko.
“ Baliw ka na talaga! ” sabi niya at napailing-iling na lang. She suddenly pull me at naglakad siya paalis kasama ako syempre.“ Saan ba tayo pupunta? ” tanong ko kay Eya . “ Libotin natin itong School para mahimasmasan ‘yang kabaliwan mo . ” sabi niya.
Magdamag naming inikot ang school wondering kung makita ko siya .
Well... Walang posibility na makita ko siya alam ko naman na nakalimutan niya na ako e! Sabi niya na babalikan niya ako at ibibigay ‘yong listahan pero nasaan siya?NASAAN NA ‘YONG HINAYUPAK NA ‘YON???
NASAAN NA ‘YONG LISTAHAN KO???
“ Tulala na naman diyan . ” sarcastic na ewan na sabi ni Eya sa’kin habang inabot ‘yong libre niyang ice cream sa’kin.
Kinuha ko iyon at hindi nagdalawang isip na kunin at kainin.
“ Ewan ko Eya~ nagugulohan ako sa sarili ko . ” sabi ko at napabuntong hininga na alam ko naman na mapapansin ni Eya.
“ Gaano kagulo ba ang feelings mo sa kanya? Yung gulong halos magdamag iniisip siya? Yung gulong kinikilig ka kahit matutulog ka na? Yung gulong gusto mo nakikita siya? Yung gulong magdra-drama ka kasi wala siya? Yung gulong i-curse mo na lahat dahil sa embarassing na nagawa mo sakanya?
. ” sunod-sunod na tanong sa’kin ni Eya na halos di na huminga dahil sa sunod-sunod ba naman niyang itanong ‘yon sa’kin.
“ Ano ba Eya! Mas pinapahirapan mo ako e! ” sabi ko .
“ Hayyy naku! Di ko na alam ang gagawin sayo . ” sabi ni Eya habang inuubos na ang ice cream niya. Bumuktong hininga ulit ako at aalis na sana ako ng ....♪ Kung di rin tayo sa huli, aawatin ang sarili na umibig pang muli ♪
Ito ‘yong kantang pinatugtog nong kadadaan lang na studyante syempre tinignan ko ‘yon ng masama . Hanggang sa makaalis na siya ay nakatingin pa rin ako ng masama hanggang mapunta ang mata ko sa gilid ...
* DUG * DUG * DU— patay na ako ....
“ Putakte! ” sigaw na sabi ko at napatayo ng wala sa oras . Nag-freak out si Eya . “ Bakit? Anong nangyare? ” tanong niya na nagugulohan. Nanginginig akong ewan at tinuro ‘yong lalakeng nakaputi . Marahang tumingin si Eya doon at nanglake ang kanyang Mata. We both look at each other.
“ ADRIAN!!!!!!!! ” bulong na sigaw naming dalawa at nanlakehan kami ng mata.
BINABASA MO ANG
The Day I Fall
Teen FictionPaano ba makalimot? Kapag ba inuntog mo ang ulo mo sa pader? Kapag sinampal mo ang sarili mo? Kapag nagtatalon ka at pinagsasabunotan ang sarili mo? How can I forgot that day? Paano ba kalimutan 'yong lintik na araw na 'yon? Paano ko ba tanggalin...