Chapter 19Stare———
Ilang oras ko ding tinitigan si Adrian na todo ang picture sa taas ng stage. Bakit di niya ako pinicturan? Oo! Di ako maka-move on nakaka-down kaya. Malaman mo na wala man lang interest sayo 'yong crush mo.
“ Jose! Aakyat na naman tayo sa stage baka naman! Matulog ka na naman. ” hirit ni Eya ng makaupo siya sa tabi ko. “ Heh! Di na ako makakatulog lalo na at naiinis ako. ” sabi ko at tinignan ng masama si Adrian. “ Aroy! Akala ko ba wala ng feelings. ” sabi ni Eya. Marahan ko siyang tinignan. “ Joke lang! ” natatawa niyang sabi at bumaling na sa program habang ako bumaling na kay Adrian.
Nabigla ako ng mapaharap siya sa direksyon ko pero di man lang siya tumingin sa'kin. Bakit di siya tumitingin dito? Tch. Ano bang iniisip ko!? Na dapat magkagusto din siya sa'kin? Ang greedy ko naman!
Nakakainis naman kasi itong feelings na ito. Mamaya mai-inlove tapos mamaya mamatay tapos mamaya mai-inlove na naman. Wala ng kataposang kagulohan ang puso ko ah!“ Uy! Conduct awards na. ” excited na sabi sa'kin ni Eya. Ako? Excited na din pero napawi lahat ng makita kong nakikipag-usap si Adrian sa katabi niya na babae.
Tae naman e! Bakit ba ako nagseselos? Diba kinalimutan ko na siya bakit pa ako magseselos? Crush ko lang naman siya e! Hindi naman totoong LOVE ng mag-asawa ang nararamdaman ko.
Ano ba Maria!!!! Nakakainis ka na!!! Tigil-tigilan mo nga si ADRIAN!!! Napaka-umak mo. Porket first time mo lang magkagusto ganyan ka na.—
Napilit ko ang sarili kong hindi titigan ng toda max si Adrian dahil magmumukha akong Baliw na nagkakagusto sa kanya.
Natapos ng tawagin ang kasunod ko and it's my time to go to the stage with my Mudra.
Kakapunta lang namin sa stage at dahil Vuvu ako ay agad kong hinanap si Adrian. Pero ewan ba parang biglang nag-blurred ang mata ko at halos mga spotlight lang ang makita ko.“ Say Cheese! ” sabi na naman nong bakla kong kaklase kaya nag-post na ako.
Wala na talaga! Gusto ko pa naman sana na siya ang mag-picture samin.Pagkababa namin ni Mama ay wala na talaga ako sa mood para makinig pa sa next na gagawin sa program. Gusto ko ng umuwi pero dahil mahal ko Adviser namin ay umupo ako sa upuan ko.
Nagpi-picturan na kami at naging effective ito para hindi pansinin si Adrian. Alam mo naman! Isa akong dalagang umasa kahit di pinaasa ngunit
feniling na pinaasa. +__+Ilang oras pa ang lumipas at nag-closing remark na . May nag-speech na highest section . Halos english kaya di ako maka-relate kung tagalog sana 'yan iiyak pa ako.
Pero English e. Wala talo na! Napatingin ako sa likod at halos malagas na ang buong section namin. Bungi-bungi na 'yong mga kaklase ko kasi 'yong iba umuwi na.“ Once again Thank You to all the Completers . ” sabi nong nagspe-speech at nag-bow . Pumalakpak kaming lahat at uuwi na sana pero pinatigil kami nong principal at may papanoudin daw na video.
Nanunuod kami hanggang mapunta ang atensyon ko sa upuan ni Adrian. W.A.L.A na siya. Nilakihan ko ang mata ko to make sure kung namamalik mata lang ako. Pero wala na talaga siya. Is this the end?
Ano naman kung nandito pa sya Maria! Gf ka ba niya para antayin ka niya? Napa-iling na lang ako . Pero halos buong pagpla-play ng video ay nakatunganga lang ako.Ito na ba 'yon? Matapos ang moving-up wala na si Adrian. Hindi ko na siya makikita tapos magse-senior high ako ng di na nagkakagusto. Tapos makakalimutan ko na siya . Tatanda ako ng dalaga at maninirahan sa bukid na pinapangarap ko.
“ Thank you everyone. ” nakangiting sabi ng isang babaeng studyante sa video at biglang namatay na ng tuloyan ang video and once again pumalakpak lahat. Nagsitayuan sila at ng sari-sariling good-bye hug.
“ Mami-miss ko kayo! ” sabi ng isa kong kaklase.
“ Huhuuhuhuhu . ” iyak ng karamihan
“ Uy outing hah! ” nangingiyak na excited na sabi ng kaklase ko. Di mo alam kung nalulungkot ba siya o outing lang talaga ang habol.“ Jose!!! Wag mo ko kakalimutan hah!” sabi ni Eya at yinakap ako. “ Ano ba Eya! Parang di tayo magkapitbahay ah! ” sabi ko at tinulak nga. Parang sira e.
“ Ehhhh! Kahit na mahal na mahal kita . ” sabi pa niya at di ko na siya pinigilan na yakapin ako.Nasan siya?—
Ang tanong na di masasagot ng puso ko. Gu—gusto ko sanang umamin pero bakit di man lang siya naghintay. Bakit ba kasi nagkagusto ako kung saan patapos na ang school year .
Bakit kasi nakakainis ang feelings!???“ Halah! Umiiyak ka Jose.” gulat na sabi ni Eya at kumawala sa yakap niya. “ Wala! Malungkot lang ako.” sabi ko at siya naman ang yinakap ko.
“ Ok lang 'yan! ” natatawang sabi niya at napayakap na din.
“ Kahit na masakit ok lang yan! ” dugtong pa niya na ikinaiyak ko na talaga ng sobra.
BINABASA MO ANG
The Day I Fall
Teen FictionPaano ba makalimot? Kapag ba inuntog mo ang ulo mo sa pader? Kapag sinampal mo ang sarili mo? Kapag nagtatalon ka at pinagsasabunotan ang sarili mo? How can I forgot that day? Paano ba kalimutan 'yong lintik na araw na 'yon? Paano ko ba tanggalin...