- 9 -

9 1 0
                                    


Chapter 9
- hanggang dito na lang -

“ Habolin mo siya Eya! ” sigaw ko kay Eya habang nagtatakbo din para mahabol si Adrian.
“ Ginagawa ko na ang lahat! ” hingal na hingal na sabi ni Eya habang nagtatakbo . Halos maging Finalist Runner kami dahil sa bilis naming tumakbo para lang maabotan si Adrian na naglalakad papuntang senior high building.
“ Eya! Tawagin mo siya! ” sigaw ko kay Eya na nangunguna sa’kin . Mabagal talaga akong tumakbo kaya di ko na maabotan si Adrian.
KUYA!! ” sigaw ni Eya pero hindi pa rin tumitingin si Adrian. Nang makapasok na siya ng gate ng Senior high feeling ko ginanahan akong tumakbo.
Tumatakbo sa isipin ko lahat ng maisip kong mangyayare in future kapag kinuha ko na sakanya ‘yong listahan.
“ Putek! Naka-headset siya . ” nagagalit na sabi ni Eya .
Ka—kaylangan ko syang maabotan .
Hindi ko alam ang ginagawa ko at mas naunahan ko pa sa takbo si Eya at ng papasok na sana siya sa building hindi ako nagdalawang isip na tawagin siya.
KUYA!!! ” sigaw ko na ikinalingon niya . Nagtagpo na naman ang mga mata namin .
“ Ano ‘yon? ” parehas na ngiti ang ibinigay niya sa’kin. Hindi ako makagalaw at halos manginig na ako. Bigla akong kinalabit ni Eya na nagpagising sa’kin.
“ Yu—yung listahan po . ” nanginginig na sabi ko pero biglang kumulot ang noo niya.
“ Listahan? ” nagta-taka niyang tanong . Parang nahigop ng ghost hunter ang energy ko ng ‘yon ang itanong niya. Di man lang niya naalala ‘yong araw na ‘yon? Who am i kidding with!? Temporary lang ako nong araw na ‘yon. I took a deep breath at tinitigan talaga siya sa mata niya.
“ Yung isang araw po na binigay ko sainyong listahan . ” alam kong may galit ‘yong tunong iyon ng sabihin ko sa kanya . Ewan! Nagagalit ako bigla.
“ Ahhhh~ Nasa akin . ” nakangiting sabi niya pa rin.
Ganto ba siya talaga makipag-usap. Limitado lang?
“ Kuya pwede ko na po bang kunin? ” tanong ko. Sa tanong na iyon para bang umalingawngaw ang word na hanggang dito na lang .
“ Di ko pa nasusulat . Wait ilagay ko muna sa notebook ko sundan niyo ako . ” sabi niya at naglakad paalis. Su—sundan siya? Pwede ba hanggang dito na lang?
“ Hoy! Sundan daw siya . ” sabi ni Eya at tinulak ako. Hindi ko alam ang gagawin ko . Kanina lang siya ang iniisip ko na nami-miss ko siya na ewan tapos ngayon na nandito na sya . Hayyyyyyy...

Sinundan namin si Adrian sa Second floor ng senior high at hanggang ngayon tumitibog ng baliw itong puso ko . Huminto sya sa isang pinto na mukang mini studio para sa senior high building . Binuksan niya ‘yon at di talaga niya mabuksan kaya naghintay kami ng ilang minuto para mabuksan niya .
Nang bigla na lamang dumating ang apat na babae na senior high at nakipag-usap kay Adrian.
“ Ganyan talaga ‘yang pinto na ‘yan! ” sabi nong isa habang tinitignan niya sa mata si Adrian but Adrian still struggling on the knob door.
“ Kanina pa ganto ‘tong pinto . ” natatawang sabi ni Adrian . Nagtago ako sa likod ni Eya . For some reason biglang nag-skip ang puso ko dahil doon . J—je—jelousy ba ang tawag dito?
“ Tagal naman . ” reklamo ni Eya . Kinurot ko sya kasi mamaya marinig ‘yon ni Adrian.
“ Kinakabahan ako. ” sabi ko kay Eya at napatingin kay Adrian .
Aalisin ko na sana ‘yong tingin ko ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko at tumingin na lang sa ibang direksyon . Ilang minuto pa ang lumipas at nabuksan niya na ang pinto .
“ Dito na lang tayo . ” sabi ko kay Eya dahil ayaw ko na talaga siyang makita.
“ Pasok kayo! ” rinig kong sabi ni Adrian kaya naman hinila na ako ni Eya papasok at nakita ko na naman siya.
Hinalungkat niya ang bag niya at inilabas ang listahan ko . Nilabas niya din ‘yong notebook niya at binigay sa’kin . Para siyang may hinahanap at bigla na lang siyang tumingin sa’kin.
“ Anong grade ? ” tanong niya and once again nagtagpo ang tingin namin.
“ Te—ten po . ” nau-utal kong sabi at Bumaling siya muli ng tingin sa notebook .
“ Section? ” tanong niya.
“ Ga—garnet po ” sabi ko . Nang  mahanap niya ‘yong name namin ay naglabas siya ng ballpen .
“ Pwedeng pakisulat . ” friendly na sabi niya sa’kin . I nodded at mabilis na kinuha ‘yong ballpen na nasa kamay niya.
Habang nagsusulat ako hindi pa rin tumitigil itong tibok ng puso ko . Binibilisan ko na talaga ‘yong sulat ko . Pero bigla akong napaisip .
Pag natapos ko na itong pagsusulat na ito ano ng mangyayare?
Inner brain : syempre! Wala na kayong attachment sa isa’t isa. In short wala ng dahilan para kausapin mo pa siya!!!!
Bakit ang sakit-sakit mo inner brain!?
“ Uy! ” kalabit sa’kin ni Eya .
“ Ba—bakit? ” tanong ko.
“ Tapos ka na ba? ” tanong niya . I nodded at inayos na ‘yong notebook ni Adrian .
Tumingin ako kay Adrian at naga-ayos siya ng camera niya .
Gusto kong sabihin na kuya~ aalis na po kami pero dahil Vuvu ang heart ko syempre di ko ‘yon ginawa.
“ Eya! Magpaalam ka na . ” sabi ko kay Eya. “ Luh? Bat ako ? ” tanong nya na tinignan ko naman ng masama kaya wala siyang nagawa kunde tawagin si Adrian.
“ Kuya alis na po kami . ” sabi ni Eya.

Kuya alis na po kami

Pwede bang hindi ko na lang iyon narinig? Biglang lumingon si Adrian samin at ngumiti na naman and one last time nagtagpo na naman ang mata namin.

“ Alis na po kami . ” pagu-ulit ko . He smile again .
“ Sige ^_^. ” sabi niya sa’kin.
“ Salamat po . ” sabi ko na lang.
Aalis na talaga ako pero isinara ni ate ‘yong pinto ng makita niya kami ni Eya.
“ May aalis na pala. Sige alis na kayo ! ” mataray na sabi niya .
Naka hakbang na kami ni Eya paalis ng marinig ko ang last na sinabi ni Adrian.
Magpalabas kasi kayo!
Para akong narindi sa sinabi niyang ‘yon . Ewan! Para akong nasasaktan na ewan! Basta EWANNNNNNNN!!!!!!!!!!!!!!

--

“ Hoy!!!! ” sigaw sa’kin ni Eya pero hindi ko ‘yon pinansin.
Nag-pop-out na naman sa isipan ko ‘yong titigan namin . Yung ateng tinarayan kami at yung time na hanggang dito na lang . I took a deep deep breath .

The Day I Fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon