Chapter 4
- missing you -Pagpasok na pagpasok ko sa classroom . Kanya-kanyang picturan na ang mga kaklase ko dahil magmo-moving up na kami.
Habang ako na clueless ay umupo sa isang tabi at nagpalumbaba. Gusto ko pa sanang ipikit ang mata ko pero dahil sa kaingayan ng mga kaklase ko i chose na lumabas na lang ng Classroom. Wala pa si Eya kaya ok lang ang buhay ko.
Pagkalabas na pagkalabas ko nakita ulit ‘yong studio na naka-bukas at nagulat ako ng wala ng mga gamit doon . Para bang binagsakan ako ng langit at lupa.“ Uyyy~ hinahanap siya . ” hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si Eya.
“ H—hindi ah! ” depensa ko .
“ Weh? Kung di mo siya hinahanap bakit ang lungkot-lungkot mo? ” tanong niya.
“ Sinong malungkot? ” tanong ko at ngumiti ako ng pilit.
“ Ang saya-saya ko nga e! ” sabi ko na lang at pumasok na sa classroom.----
Pasulyap-sulyap akong tumitingin sa studio at halos wala na akong makita doon dahil simot na ‘yong laman ng studio.
“ Maria bili tayo sa canteen. ” pag-anyaya ng isa kong kaklase . Pumayag ako dahil nagugutom din ako . Nang madaanan na namin ‘yong studio wala talagang tao.
Bumili ako ng sky flakes at nesttea at nakabusangot na pumasok sa classroom.“ O? Bakit ganyan na naman muka mo? ” tanong ni Eya sa akin na alam ko naman na aasarin na naman niya ako pero nag-iba ata ihip ng hangin at hindi siya nang-asar.
“ Wala na kasi siya... ‘yon ba ang dahilan kung bat nakabusangot ka? ” she was not teasing me parang seryoso siya ng tanongin niya ako. I look at her seriously and i nodded napatingin ako kay Eya and she was smirking .
“ Hayop ka! ” sabi ko at pinaghahampas na naman siya but she was laughing so hard. Nabistado niya na tuloy ako and i was shocked too ng tumango ako.
“ Crush nga niya hahahahahaha ” walang tigil na tawa ni Eya.
“ Laugh whatever you want. ” sarcastic kong sabi at iniwan siya mag-isa.
“ Wait lang! ” sabi niya at hinabol ako.---
Naglalakad ako pauwi at umiikot pa rin sa brain cell ko ‘yong pagkawala ni Adrian . Para siyang bula na makikita mo tapos maya-maya wala na.
Nasa harap na ako ng bahay at pagbukas ko nakita ko kaagad si Mama na nasa sala at nanunuod ng Drama.“ Temporary lang ba ako sayo? ” tanong nong mukang bidang babae habang ‘yong lalake ay humarap sa bidang babae. Shemay! Ang gwapo nong lalake it reminds me of adrian—
“ Oo! Panglipas oras lang kita ” sabi nong bidang lalake. ouch! Nasaktan ako doon hah biglang umiyak ‘yong bidang babae.
“ Sabi ko na nga ba e! Hindi mo naman talaga ako minahal pinaasa mo lang ako . ” hugot nong bidang babae. Napaupo na ako sa tabi ni Mama na ikinagulat naman ni Mama muntik na nga niya akong hampasin e.
“ Pinaasa? Bakit ka kasi umasa? ” sabi nong lalake.
“ ABAY! BOBO KA PALA E! ” sa inis ko nasigawan ko tuloy ‘yong Tv.
“ Anong nangyayare sayo anak? ” tanong ni Mama na mukang walang kaalam - alam sa pinagsasabi ko. Tumayo ako at kinuha na ang bag ko.
“ Wala po ‘yon ma . ” palusot ko na lang at pumunta na ako sa kwrto ko.Pinaasa lang niya ba ako?—
BINABASA MO ANG
The Day I Fall
Teen FictionPaano ba makalimot? Kapag ba inuntog mo ang ulo mo sa pader? Kapag sinampal mo ang sarili mo? Kapag nagtatalon ka at pinagsasabunotan ang sarili mo? How can I forgot that day? Paano ba kalimutan 'yong lintik na araw na 'yon? Paano ko ba tanggalin...