Winslet P. O. V.
Habang nag lalakad ako sa daan wala akong kasama dahil si Winoah tulog na.. Napatingin naman ako sa relo ko at nakitang 9:30 na ng gabi...
"Naku naman ang bilis ng time" sabi ko at nag lakad na lang
Habang papasok na ako ng kanto, humangin ng malakas animoy nag babadyang uulan ng malakas..
"Psst!"
Natakot ako sa kung sino mang nag sitsit na yun..
Kaya nang makadating na ako sa gate ng bahay ng biglang may nakita akong lalaki na nasa tabi ko na..."Ikaw ba si Winslet Aie Santotomas??"
Tanong nung lalakiAng lalaking yun ay naka all black.. At mabilis ang pagkilos nya.. Maputi din ito...
"Oo bakit po??? May kailangan po ba kayo? Kung ganon po sino pong kailangan nila??" sunod-sunod kong tanong...
"Halika, sumama ka sa akin.." sabi nito at hinawakan ako sa braso
Hinatak nya ako sa isang madilim na parte ng kanto...
"Ano ba!?" iyamot kong sabi
"Winslet... Tatapusin ko na lang ang buhay mo nang sa ganun ay mawala na din ang susunod pa sa mga pinuno ng lobo... Hahahah!!!" halakhak nito at.....
"Lobo???" inosenteng tanong ko
"Mamamatay kana.... Buwahahahah!!"
Ay langyah! Para atang kalabas lang ng mental toh...
Pinapag sasabi ba naman lobo daw...Bigla nitong inilabas ang pangil na dalawa. At namula din ang mga mata nito na parang may sore-eyes..
"Tulong!!!!" sigaw ko.. Ngunit wala man lang tumulong saakin...
Ng biglang may taong dumamba sa likudang bahagi nung lalaking naka all black...
"Talaga bang ganyan kakitid ang ugali ng ate mo!!?" pasigaw na sabi nung babaeng nakita ko kanina lang nung nasa school ako...
"Hays! Ano ba naman yan Venus.. Im so dissapoint at you... Did you know why???" tanong nung lalaki
"Why ba naman Ezikiel???" balik na tanong ni Venus kay Ezikiel
Habang ako nakalayo sa kanila nasa puno ako.. Takot na takot na nga ako ngayon.. Na totoo pala ang mga bampira at lobo... Na di pala nag sisinungaling si Winoah..
"Dahil, prinoprotektahan mo ang taong iyan" sabay turo sa akin..
"Ohh dapat naman talaga..." tanggol na sabi ni Venus
"Eh diba nga ayaw ng mga tao sa katulad nating mga bampira at lobo.." sabi ni Ezikiel
"So, anong ginagawa mo dito at bakit mo pa ginugulo ang mga tao??" tanong ni Venus
"May binabantayan lang ako.. At pati na din ang buong angkan.." sabi nito
"So sino??" takang tanong ni Venus
"Venus.... Talagang wala ka pang alam sa mga pasts mo.. Kung ganun, bahala ka na dyan"
Agad na nag laho ang lalaking nag ngangalang Ezikiel..
Lumapit sakin yung Venus..
"Ijha ayos ka lang ba?" ngiting tanong nito
"O-opo.. A-ay-yus lang naman po ako.. Kayo po ba" may pagka utal kong sabi
"Gusto mo bang sumama muna sa akin?" yakag sakin nito
"Ahh.. Nakakahiya naman po." sabi ko
Pero ang utak ko sinasabi na pumayag daw ako..
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
RandomNaniniwala ka ba sa bampira? Alam ko mahirap paniwalaan, pero paano kung magkaroon nga ng ganung klaseng tao sa mundo natin? May magagawa ka pa ba, upang iligtas lahat ng tao o ang sarili mo? O susuko ka na lamang at mag papa kagat ka sa kanila? ...