Chapter 35: Awaken

105 5 0
                                    

Jia/Winslet P. O. V.

Inihatid na namin si Winoah sa kanila kahapon pagtapos nung nag review kami. Ay hindi pala kami ang nag hatid sina Adrianne pala... Hehehehe

Ngayon nasa kwarto pa din kami ni Kienah nag babakasakaling gumising pa sya. Wala ngayon si Samantha dahil may inasikaso na dapat kay Kienah naka-salalay. Si Ziff wala din pinapatakbo nya ang mga batang bampira upang masanay sa pakikipag laban gayun din si Saisatrone gumagala lang sya.

Sa ngayon ako lamang ang nag babantay sa kanya. Teka nga lang! Nako- comatose ba ang vampire!?

Singit ng isip ko. Kung siguro sa tao coma na itong nangyayari kay Kienah pero sa bampira ay pagod at sakit ng katawan lamang.

Humarap ako kay Kienah at nag cross legs ako. Naka himlay pa din ang katawan nya sa kama nyang malaki. Tulog at ang amo pa ng mukha.
"Kienah" pag tawag ko sa pangalan nya at duo'y may tumulong mainit na luha sa mata ko.

"Alam mo ba? Na malapit na ang exam? Sana naman magising ka na" salita ako ng salita. Di ko naman alam kung pakinig nya ba ako o ano.

"Kienah, may iku-kwento ako sayo, alam mo ba nauna akong nagising sa inyong lahat nung pagtapos ng pag ta-traydor ni Kiah. Sorry nga pala ah? Di kasi ako naka punta ng mabilis sa mansyon. Ayan, nakakuha ka tuloy ng paso saksak at bugbog" sabi ko at tumungo ng bahagya.

Hinawakan ko ang kamay nya pinisil ko ito ng bahagya.
"Sana magising ka na" nag punas ako ng luha at tinitigan ko si Kienah kahit wala syang malay.

"I miss you Kienah Aliah Ozar" sabi ko at ngumiti. Para akong tanga na kinakausap si Kienah eh hindi naman sya sumasagot.

Nakita ko namang gumalaw ang talukap ng mata nya kaya natuon ako sa kanya.

"Kienah?"

Dahan-dahan nyang iminulat ang mata nya at napatingin sakin. Ang mga tingin nyang yun ay nag papahiwatig na 'kamusta ka?' Parang yun ang dating sakin. Umupo si Kienah kaya inalalayan ko sya, parang nasasaktan sya sa pag-kumikilos.

"Jia? Kamusta ka? May masakit ba sayo o ano?" sabi nya. Medyo pa wala na yung boses nya dahil sobrang paos na.

"Ano ka ba? Ako dapat ang mag tatanong nyan sayo eh" sabi ko

"Ang payat ko na.. Teka? Ilang araw na ba akong tulog?" patanong nya pa. Buti naisipan nyang mag tanong baka hindi nya pa malaman.

"Nine days  ka nang tulog" sabi ko, napanganga sya at nanlaki pa ang mata. Ang cute mo Kienah.

"What!? As in nine ganito?" pinakita nya pa talaga ang daliri nya na nine sakin napa tango na lamang ako.

"Anong gusto mo?" tanong ko

"Dugo. Gusto ko ng dugo ng hayop. Ayoko ng sa tao kadiri" sabi nya at napatawa naman ako sa sinabi nya.

"O sige lalabas muna ako at kukuhaan kita" sabi ko at bumaba sa kama. Lumapit ako sa pinto hahawakan ko na sana yung door knob pero may nag bukas nuon eh. Iniluwa ng pinto si Samantha at Adrianne.

"O? San punta mo?" tanong ni Adrianne

"Sa labas kukuha ako ng dugo" sabi ko sa kanila

"Para kanino?" tanong naman ni Samantha

"Uhm, kay Kienah" pagkasabing pagkasabi ko ng Kienah ay tumakbo agad yung dalawa papunta kay Kienah at tuwang tuwa pa.

Iniwan ko muna sila at pumunta sa tribo ng lobo upang humingi ng dugo ng manok.
Sakto naman na nag patay pala sina ate ng manok kaya sinabi ko na hihingi ako.

"Bakit? Anong gagawin mo sa dugo?" patanong pa ni Crimson na ngayon ay iniikot ang letchong manok.

"Oo nga san mo nga gagamitin?" curious na tanong naman ni Kuya Jhon.

"Iinumin po" sabi ko

"Nino?'' dumating si Ate Venus na may dalang baso ng kape.

" Ate Venus gumising na po kasi si Kienah eh kaya humingi sya ng dugo" sabi ko.

Di ko na inintay pa na mag salita pa si Ate dahil umalis agad ako at nag tungo sa kwarto ni Kienah.
Naibigay ko yung dugo sa kanya at ininom nya na iyon.

Nanlaki ang mata ko ng tumayo sya at nawala ang mga sugat na natamo nya.

"What do you feel?" tanong ni Samantha kay Kienah

"Im awaken and Im full of energy'' sabi ni Kienah, agad din syang bumaba ng kama at nakita ko ang  mata nya na mapula at gayun din ang labi nya.

''Lalabas lang kami,Kienah" sabi ni Samantha at inaya nya ako sa labas upang umakyat lang kaming dalawa sa puno. Ang busy na siguro namin kaya di maiwasang di namin ito magawa minsan.

Umupo na ako sa kanang sanga ng puno si Samantha naman sa mas mataas na bahagi ng kaliwang puno. Dito kita namin ang tribo ng mga lobo. Ang cute, para silang guyam.

"Jia? Ikaw nga tapatin mo ako" bakas sa boses nya ang pag-ka-seryoso.

"Ano naman iyon?" patanong ko at napa gawi ang mata sa mga nag lalarong batang lobo sa kubo na malapit dito sa puno.

"Mahal mo ba talaga si Ziff?" napatingala ako kasi nga nasa mataas sya. Napatitig ako sa mga mata nyang kulay tsokolateng itim.

"Uhm.... Ano kasi eh--------" di na nya ako pinatapos pa mag salita dahil pinutol na ako ni Samantha.

"Alam ko, di mo naman kasi kailangang sagutin yan eh. Ang akin lang...." bumaba sya upang pumantay sya sakin at umupo ulit. Nag tama ang aming mata.
"Wag na huwag mong sasaktan si Ziff dahil baka maging bato ang utak nun" sabi niya

"Yun lang ba?" pag tatanong ko. Halata na sa kanya na naa-asar sya sa mga ginagawa ko pero hindi ko iyon sure  kung yun nga...

"Oo, yun lang" sabi nya at ibinaling ang kanyang tingin sa baba.

"Mahal ko nga sya, oo" dere-deretsang sabi ko at walang hinto-hinto
"Bakit mo natanong?"  saad ko

"Masama ba magtanong?" ngumiti sya ng para bang nang aasar. "Yieeee ikaw ha? Bagay talaga!" sabi nya at hinampas pa ang puno. Sa pag hampas nya ng puno nahulog ang mga dahon nito sa ibaba. Ang saya ng mga bata duon.

"Parang may kasal!" sigaw nung batang babae na may bulaklak sa gilid ng tainga nya.

"Oo nga noh!" sabi naman nung lalaking bata.
"Sana ikasal din tayo" pahabol pa nung batang lalaki kaya napatawa kami ni Samntha sa sinabi ng batang lalaki sa batang babae.

Ang saya dito! Sana palaging ganito. Walang gulo at mapayapa lamang ang lahat.

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon