Chapter 26 : Kaaway o Kakampi

135 4 0
                                    

Jia's / Winslet Point of View

Kumpleto na kaming lahat nina Ziff dito sa room, ang section namin ay napaka aga papasukin.. Kasi nga daw may mga transfer..

Ganun ba talaga ka espesyal ang mga iyon!? Nakaka-asar!

"Pssst" si Kienah yun...

"What??" tanong ko

"Mag usap tayo sa papel... At pass this to Ziff and Sai" sabi ni Kienah at sinimulan ng mag sulat sa yellow pad..

Mayamaya lang ay pinasa ni Kienah sakin...

Kienah : Make sure na kikilatisin nyong mabuti ang bagong dating

Jia : Got it

Pinasa ko iyon kay Ziff...
Di ko man nakita ang sulat ay madadaanan naman ako nun mamaya.. Ipinasa naman nya ito kay Saisatrone.. Then pinasa ni Sai ito kay Kienah..
Nung tapos na si Kienah ipinasa nya ito sakin.

Ziff : tapos, pag nahalata tayo umiwas na lang tayo ng tingin...

Saisatrone : ahh okay...

Kienah : be sure that all of you can handle your job... Don't dissapoint Ate Ezekiah. Pero mag tingin-tingin din kayo kahit saan at baka mahuli pa tayo...

Susulat na sana ako kaso nga dumating si Mam Sub...

''Good morning students , nandito ako ngayon para ipakilala yung bago nyong mga kaklase" sabi ni Mam 

"Sino naman kaya yun?"

"Sana gwapo"

"Bobo ka! Sana maganda"

"Yieeee! Excited na ko"

Mga bulong-bulungan nila... Ang saya nung iba. Samantalag kaming apat, eto walang emosyon...

"Guys come in" sabi ni Mam at tumabi sa dadaanan...

Parang kilalang-kilala nya ahh... Talaga ngang dapat kaming mag handa..

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon