Kienah Aliah's P. O. V.
Pag tapos lahat ng kaganapan sa buhay namin, nandito ako kung nasan ang puntod ni Alexina.
"Alexina, kamusta ka dyan? Alam mo ba ang daming pinagbago dun sa paaralan nyo. Sorry nga pala kasi hindi ko nagawang protektahan ka'' sabi ko at tumulo ang luha ko kasabay ang pagbuhos ng ulan. Napaluhod ako sa puntod nya upang duon humiga.
"I want to spend my time with you Alexina but, pano na ngayon kung wala ka na, ano pang paraan kaya ang magagawa? Pakiusap makinig ka naman o kaya dalawin mo ako sa bawat panaginip ko. Alam ko na nandyan ka lamang sa paligid" sabi ko at humagulgol kasabay ng aking hagulgol ay kumulog at kumidlat.Masakit sa pakiramdam na nawalan ka ng kaibigan ng dahil sayo.
Siguro parusa na ito sakin dahil sa di ko pag sunod kay Ate Kiah.Ilang minuto ang lumipas nakakaramdam ako ng bigat ng talukap saking mata. Habang nakapikit ramdam ko ang patak ng ulan sa mata ko at sa katawan...
Sana, magkita na tayo dyan Alexina kung nasan ka man. Sunduin mo na ako pakiusap......
Jia/Winslet P. O. V.
"Umuulan, grabe ang lakas" sabi ni Winoah
Nandito si Winoah ngayon dahil si Tito Winard ay nasa ibang bansa at walang mag babantay sa makulit na si Winoah. Kasama namin dito sa kwarto ko sina Samantha, Saisatrone at Ziff. Habang naka hilata kami sa kama ko napaharap ako sa kanila at umayos ng upo.
"Oo nga, nakaka miss din si Alexina diba?" nalungkot si Winoah sa sinabi ko. Sa totoo lang si Alexina ang nag tatanggol sakin pag inaaway ako ng iba.
"Oo nga eh nakaka-miss sya" sabi naman ni Ziff
"Alam nyo, mabuti pang maging masaya tayo, alam nyo kasi sabi sakin ni Alexina kung mamamatay daw sya gusto nya masaya ang lahat, dahil ayaw nya na maging malungkot tayo" sabi ni Saisatrone..
Tama si Saisatrone... Kung nasan ka man Alexina sana maging masaya ka na at ikamusta mo na kami kay Lord na gumawa saming mga bampira at lobo.
"Tama... Kailangan nyo ng bagong simula. Yun ang gusto ni Alexina so, dapat kahit wala na sya, maging matatag kayo sa buhay nyo" makat-wirang sabi ni Samantha.
Napabuntong hininga ako at napalingon sa pintuan."Nakita nyo ba kung pano umiyak si Kienah?" pag-tatanong ko sa kanila
"Oo, masakit pa din ata sa kanya eh" sabi naman ni Samantha
"Uhm, bakit ganun na lang kung umiyak si Kienah?" pag tatanong ko kay Winoah dahil alam nya ang lahat sa kanya.
"Bago pa man ang lahat, tao si Kienah dati. Kaya lang napag ensayohan sya ng kaibigan ng magulang ni Kienah. Alam nyo mabaityan dati pero nung napad-pad sya samin.....bigla na lamang syang naging cold" sabi ni Samantha.
"Ibig-sabihin tao sya dati!?" gulat kong tanong.
"Oo, nung bata pa sya pinag ka luno sya ng kanyang tiyahin." sabi ni Samantha
"Ang dami mong alam ukol kay Kienah" sabi ni ko at kumamot sa noo.
"Syempered ako pa! Kinu-kwento sya eh. Teka! Maiba ng usapan nakita nyo si Kienah?" pagtatanong ni Samantha samin.
"Hindi bakit?" tanong ni Saisatrone
"Oo nga kanina pa sya wala dito" sabi naman ni Ziff
"Hala! Pakiramdam ko nasa panganib sya" sabi naman ni Samantha
"Tara hanapin natin!" sigaw ko at kumaripas kami ng takbo palabas.
Nung maka rating na kami sa labas. Nakita ko yung dalwang bata sa baba ng puno nung isang arw. Nag lalaro sila ngayon sa ulan. Pero di ko pa talaga alam ang pangalan nila eh.
"Bata" tawag ko
"Uy lumapit ka nga dun!" galit na sigaw ng babae at hinila pa ang tenga ng lalaki. "Bakit po mahal na prinsesa?" masayang bati nya sakin
"Anong pangalan nyong dalawa?" tanong naman ni Samantha
"Ate ang ngalan ko po ay Amaya" sabi nung babae na hawak pa din ang tenga ng lalaking bata.
"Eh ikaw?" tanong ni Saisatrone
"Ahhhhh! Aray ko Amaya! Sorry na!" sigaw nung batang lalaki kay Amaya kaya binitawan ni Amaya ang tenga ni batang lalaki.
"Ako po si Akiro " sabi ni Akiro"Nice names. May kakilala baq kayong nag ngangalang Kienah?" tanong ni Winoah
"Uhm, kundi po kami nag kakamali, nakita ko po sya dun sa puntod ng isang babae dun sa may maraming bulaklak*" sabi ni Amaya
"Ah, salamat bata!" sabi ko at umalis na sila ni Akiro
"Sh*t! Kelangan na nating mag madali" mura ni Winoah
"TARA!" sigaw ni Samantha.
Nang madali kaming puntahan ang puntod ni Alexina kaya lang nakita namin si Kienah na walang malay at nakahiga pa sa lupa.
"Dali! Kunin nyo!" sigaw ko
Wala na kaming pakialam kung mag kasakit si Winoah dahil gusto nyading makita si Kienah na malakas eh. Kahit kami basa wala na kaming pake dun.
Pag ka dating namin sa kwarto ni Kienah pinalabas ni Samantha ang dalawang lalaki upang paltan si Kienah.
Pinaltan namin sya ng damit na itim na pantulog. Nung maka alis na kami sa kwarto nya bilis-bilis kong iniabot kay Winoah ang kanyang damit dahil over night sya eh. Pag labas nya sa banyo ako na agad ang sumunod. Nag palit ako ng pajamas ko.
Pag labas pumunta kami sa kwarto ni Kienah kung saan nanduon si Ziff,Samantha at Saisatrone.
"Oh? Kamusta sya?" tanong ko habang sinasara ang pinto.
"Ayun, nabaliw ata yang babae na yan eh" sabi ni Samantha
"Huh? Bakit?" tanong ko
"Halos kanina pa palang 9:30 yan nanduon eh ano na ata ngayon?" pinatingin sakin ni Winoah ang cell phone nya.
"It's 1:00 pero ang lamig pa din diba? Siguro nag luluksa ang langit" sabi ko at naupo sa kama ni Kienah.
"Hays! Sana lang umayos na si Kienah" sabi ni Samantha
Sana talaga umayos na ang lahat. Upang maging maganda at masaya na kami sa buhay na meron kami.
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
RandomNaniniwala ka ba sa bampira? Alam ko mahirap paniwalaan, pero paano kung magkaroon nga ng ganung klaseng tao sa mundo natin? May magagawa ka pa ba, upang iligtas lahat ng tao o ang sarili mo? O susuko ka na lamang at mag papa kagat ka sa kanila? ...