Jia/ Winslet P. O. V.
Hawak ako ngayon ni Kiah. Nakatali sa kamay ni Ziff, nanlulumo ako sa nakita ko. Di ko kayang sikmurain pa.
"Walangyah ka!" sigaw ko
"Natural" sabi nya at tumawa pa.
Nanlulumo ako dahil, pinatay nya si Alexina. Wala na syang buhay pa naalala ko pa naman kung pano sya kitilan ng buhay pero.....nasasaktan ako. Sarili kong kaibigan di ko nagawang ipag-tanggol.
Ngayon, ipinatapon na si Alexina sa labas ng mansyon na iyon.Ang laki kong tanga dahil nanlaban si Alexina kay Kiah sa ginawa nito sa kanya. Balak kasi ni Kiah na sabunutan si Alexina pero lumaban sya para di iyon mangyari pati na din muntik na syang makatakas...
"Ziff" bulong ko"J-Jia so-sorry f-for being a we-weak hus-husband to you" sabi nya at ngumiti ng pilit.
"Kiah! Bakit sila? Eh ako lang naman kailangan mo diba?" nangangalit na sabi ni Kienah na ngayo'y kayakap ang walang malay na si Winoah.
"Ayaw mo kasing pumayag. So ayun, papatayin ko din naman sila eh kaya sasama ka na" sarkastikong sabi nya. Nakakatakot na sya, parang sa buong buhay ko, sya ang unang tao na nag bago nang dahil sa kung ano man.
"Walangyah Ka! Pagkatapos mong gilitan ng leeg at tikman ang dugo ni Alexina! Hay*p ka! Ikaw ang pinsan ko pero ano!? Ano!? Walang kwenta ka!" sigaw ni Kienah kay Kiah .
Napabuntong hininga si Kiah at saka humarap sa kamay nya at nag-balik ang tingin saakin.
"Sino kayang mauuna? Pinsan ba? Minamahal ko ba? Kaibigan ba ? O karibal ko?" patanong nya sa sarili at humawak sa ulo.She is like a crazy vampire, gusto nya lamang ng kapangyarihan at kagustuhang makuha si.......Ziff
"Ay! Parang mas maganda kung sunod-sunodin ko na" sabi nya at napa-tango pa
"Ay hinde pala... Ipapaliwanag ko lang muna sa kanila""Ki-Kienah? Sino sya?" dinig kong boses ni Winoah na ngayon lang nagising. Pinok-pok ata sya ni Letisha ng dospordos sa likod kaya nakatulog. Yun ang nakita ko.
"Nasan na si Alexina?" umiiyak nyang sabi"Winoah, Im so sorry pero.... Alexina is dead." sabi ni Kienah.
Umiyak lang ng tahimik si Winoah. Kaibigan nya daw kasi si Alexina. Maikling panahon pero sa palagay nya para na silang mag kaibigan nung nasa tiyan pa lang sila ng nanay nila.
"Corebine! Jisviel! Jello! Jhonsell!" tawag nya isa-isa sa mga lalaki nyang alagad.
"Po? Pinuno?" tanong nila
"Ipaghanda nyo ako ng bangko! At... Kumuha na din kayo ng bangko. Tawagin mo si Reya upang dalhan ang mga ito ng pagkaing walang kahit anong kutsara o tinidor."
Tumango sila at lumabas na. Ilang minuto pa ay bumalik sila kasama sina Letisha, Reya, at Jelinne.
At may dala din silang bangko. Inayos nila ang bawat isa at ipinantay ito kay Kiah. Nasa kanang bahagi nya ang lalaki at kaliwa naman ay babae.Tumayo si Reya at naglagay ng lianera na may lamang pagkain. Gayun din naman kina Kienah. Kailangan kong kumain para lumaks pero pano? Eh metal toh eh!
Mamamatay kami pag hinawakan namin ito.
Sabi ko sa isip at ako ay nag pasyang umupo na lamang.
"Gusto nyo na bang mag simula tayo?'' tanong nya saming lahat.
Tumango ako bilang pagsagot ng oo sa kanya at gayun din sina Kienah. Naka titiglang kami sa isat isa ng......
"Ako ang pumatay sa papa mo Jia, ako din ang pumatay sa Tita Kiss at Tito En ko na Tatay mo Kienah.. Pati ako dn ang dahilan upang mawala ang magulang nyo Ziff"
Sabi nya...Nanlulumo ang mga mata namin ng sinabi nya ang mga bagay na iyon.
"Hay*p! Mas masahol ka pa!" sigaw ni Kienah. Nanginging na sya sa galit habang hawak nya ang Winoah na umiiyak.
"Demonyo ka,Kiah!" sigaw ko kahit na naka agapay ako kay Ziff na ayos na ngayon. Pero naka-tali din sya.
"Ows! Talaga! Wala namang tao na turn into a Angel. Mga demonyo din kayo!" bawi samin ni Kiah.
"Bakit!? Bakit mo yun ginawa kina Mama!?" iyamot na tanong ni Kienah, nakita ko din na may luhang tumulo sa pisnge nya.
"Simple lang.... Masyado kasing nainggit ang magulang ko sa magulang mo, kaya ayun...... Napilitan akong patayin namin sya ni Mama at Papa. Happy now?" sarkastiko nyang paliwanag.
Ganito ba talaga? Kailangan may mag hirap at may mawala sa barkada saaming mag ka-kaibigan?
Para syang baliw..."Oh? Yun lang!? Dapat pinatay mo na lang ako!!!!" sigaw ni Kienah
"Uhm, mamaya na.. Sagabal ka kasi eh. Kasalanan mo din at di ka pumayag" sabi ni Kiah at tumawa.
"Tanga ka kasi! Bobo ka! Inuuna mo ang iba kesa sarili mo!" seryosong sigaw ni Kiah kay Kienah, tumayo sya upang lumapit kay Kienah at dinuraan nya ito sa mukha.
"Basura!"Pinahid ni Kienah ang dura ni Kiah sa kanyang mukha. Kadiri! Nagawa nya yun sa pinsan nya!?
"Well, basura ka din" pilit na ngumiti si Kienah at bakas din sa mata nya na nag-aalala sya samin.
"At bakit!?"
"Sa inyo ako lumaki. Di na ako mag tataka, Dhane, kung basura ka din. O baka nga mas balahura ka pa sa baluhara!"
"Too brave Kienah" sabi nya at tumango-tango
Binaling nya naman ang kanyang paningin sa amin ni Ziff.
"Ahh! So sweet nyo! Kaya lang, pansamantala na lang din si Ziff eh" sabi sakin ni Kiah"Bakit!? Anong gagawin mo sa kanya!?" nag mamatapang kong sigaw pero may takot ako sa loob ko.
"Kiah! Wag sya!" sabat ni Ziff
"Uhm. Simple. Kukunin ko lang ang aking pag mamay-ari" sabi ni Kiah
"Pag mamay------What!?" iritable kong tanong
"Kiah! Tama na!"
Singit ulit ni Ziff na ngayon ay umayos na ng upo."I just want you Ziff. Bakit ka nagkaganyan?" sincere na tanong ni Kiah pero napaltan ito ng tawa...
Lumapit sya sakin dala ang kutsilyo at mukhang asak-sakin ako ng bruhang babaeng toh.
Itutusok na nya sana sa leeg ko pero may mga nag kalansingan sa baba..
"Ano yun!? Letisha! Corebine! Reya! Jhonsell! Bantayan tong mga toh! Yung iba sumama sakin" sabi ni Kiah tumayo ito at tumakbo palabas kasama ang iba.
Lumapit sakin si Corebine at itinayo nya ako gayun din si Ziff itinayo sya ni Reya si Winoah inalalayan sya ni Letisha at si Kienah hinawakan sya ni Jhonsell sa kamay nya at ipinalikod nya ito.
Sana nandito na sila........
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
AcakNaniniwala ka ba sa bampira? Alam ko mahirap paniwalaan, pero paano kung magkaroon nga ng ganung klaseng tao sa mundo natin? May magagawa ka pa ba, upang iligtas lahat ng tao o ang sarili mo? O susuko ka na lamang at mag papa kagat ka sa kanila? ...