Jia/Winslet's P. O. V.
Nakaka panghina na makita mo ang puntod ni Alexina. Napuntahan na naman daw nila ang tatay ni Alexina at ini-hipnotice para pag nag tanong daw kung nasan si Alexina walang maaalala. Gayun din ang mga estudyante na napamahal at naka-away nya.
Isipin mo yun? Nalagasan kami ng miyembro ng barkada. So sad nga eh..
Nakabantay ako ngayon kina Kienah na naka higa pa din at walang malay.Si Ziff gising na nung isang araw lamabg tatlong araw na ang nakakalipas. Siguro mga walong araw na silang tulog si Kienah at Winoah.
Ngayon binabantayan namin ni Samantha, Ziff at Saisatrone sina Kienah at Winoah."Sana magising na kayo" sabi ko sa dalawang naka himlay ang katawan.
Nai-kwento ko na din kung sino ang pumatay sa mga magulang namin nina Ziff."Oo nga, walong araw na oh" pag sang-ayon sakin ni Samantha
"Teka lang nga?" sabat naman ni Ziff kaya napalingon naman ako kay Ziff
"Bakit?" tanong naminng lahat
"Bat kayo nag aalala kay Kienah at Winoah... Diba nga masamang damo matagal mamatay" pag papatawa nya alam ko lamng na gusto nya kaming pangitiin kasi seryoso kami eh. Puro black aura nga kanina pero napaltan nya ng white.
"Luko neto" sabi ni Saisatrone at tumawa pa.
"Makikitawa ka din naman pala!" sabi naman ni Samantha
Nag harapan kaming apat kaya napapalikuran ko yung dalawa na di pa nagigising.
"Alam nyo------" di ko na natuloy pa yung sasabihin ko ng dahil sa pinutol sya ni Samantha
"Ay hindi namin alam kasi wala ka pang sinasabe eh" pilosopong sabi nya at tumawa naman kami
"Huy! Baka mawalan ka ng hininga" saway ko kay Ziff kasi naman halos humiga na sya sa semento at doon mag tatawa.
"Ahh ganun ba? Hahahaha" sabi nya at inayos ang sarili nyang buhok at damit.
"Naku! Oy guys alam nyo. Ma-mi-miss ko si Alexina" sabi ko at tumulo naman yung luha ko sa kaliwa kong mata gayun naman ang sunod sa kaliwang mata.
"Bakit?" tanong nina Samqntha sakin
"Syempre, nung unang salta ko pa lang sa Villariña eh si Alexina na agad ang pumigil sa mga nam-bu-bully sakin dun. At ma-mi-miss ko yung mga chocolates nya at higit sa lahat kabaitan at yung presence nya" sabi ko at humagulhol na lamang sa kalungkutan.
Hinagod naman nung tatlo yung likod ko para pakalmahin ako.
"Shh. Tahan na, kahit kami din naman ni Ziff ay nag luluksa sa kaibigan mong namayapa, kahit ako naman ma-mi-miss ko syang patawanin, kulitin, asarin at higit sa lahat mahalin. " sabi ni Saisatrone di nya din naiwasang malungkot pero wala man lamang luhang tumulo sa kanyang mga mata."Miski ako" sabat ni Ziff
"Uhm, guys nandito ako upang mag joke ng mag joke kahit basag lahat. Handa akong patawanin kayo hanggang sa kaya ko basta ba ay mawala ang sakit na nadarama nyo" sabi ni Samantha
"Okay! Group Hug!" sigaw ko kaya tumayo kaming apat at nag yakapan.
"Pa-paki-pakiusap" kaya lang nabuag kami ng mapalingon kami sa nag salita.
"Gising ka na?" galak sa tono ng boses ko at nina Ziff
"Pengeng tubig!" sigaw nya. Paos pa sya ngayon. Dahil na din siguro sa walong araw syang tulog.
"Kamusta ka? Okay ka lang ba?" sunod sunod kong tanong
Napahawak sya bigla sa ulo nya at umupo. Niyakap nya ang tuhod nya at duo'y umiyak.
BINABASA MO ANG
My Vampire Husband
RandomNaniniwala ka ba sa bampira? Alam ko mahirap paniwalaan, pero paano kung magkaroon nga ng ganung klaseng tao sa mundo natin? May magagawa ka pa ba, upang iligtas lahat ng tao o ang sarili mo? O susuko ka na lamang at mag papa kagat ka sa kanila? ...