Chapter 25

128 5 0
                                    

Ziff's Point of View

"Kaya mag ingat kayo" sabi ni Ate Ezekiah..

"Opo" sabi ko

Umalis na yung iba kaya apat na lang uli kami dito..

"Ano? Tara?" tanong ni Kienah

"Saan?" tanong namin

"Stalk"

Babaeng toh di talaga naga isip...

"Kanino?" tanong ni Jia

"Ms. Arkanghel .. Yung madaming alam sa bampira" paliwanag ni Kienah

"Kaw di ka talaga naga isip" sabi ni Saisatrone

"Tss! Stupid.. Kung wala akong isip edi dapat wala akong ma i- suggest" iyamot na sabi ni Kienah...

"Guys! Ang kailangan na lang nating gawin ay wag basta-basta mag titiwala... Kasi sabi nga ni Ate Ezekiah ay marami-rami na din daw ang mga nag eespiya satin.. And may mga vampire slayers din." paliwanag ko

"See" sabi ni Kienah kaya napakamot sa batok nya si Saisatrone

"Eh pano natin malalaman kung sino talaga ang mga slayer" sabi ni Saisatrone at Jia

"Very easy" nasabi na lang ni Kienah at kinuha ang libro na kanina ay binigay sa kanya ni Ate Ezekiah

"Sige nga pano?" tanong naming tatlo kay Kienah

"Just look at their eyes, basahin ang isip or di kaya stalk them... Or mag envistigate tayo, kasi naman noon madami kang pwedeng pag katiwalaan but now" pailing-iling na sabi ni Kienah at inilipat ang pahina ng libro...

"Well, tama ka" sabi ko at napahawak sa baba ko "Pwede din nating kaibiganin ang mga iyon tapos patayin na natin pag malapit na tayong patayin" sabi ko at tiningnan sila

"Good idea" isang boses na nanggaling sa likuran ko kaya napatingin kaming apat...

Venus? Ano naman kaya ang ginagawa nya dito? Well di yun mahalaga kasi di naman sya importante sakin...

"Ate!" tawag ni Jia kay Ate Venus nya

"Jia"

Lumapit si Venus kay Jia at umupo sa tabi nya, nagharapan naman ang dalawa.

Ano kaya ang ginagawa nya dito?

Isang tanong na di ko alam kung masasagot ba ng isa ko pang bahagi ng utak...
Natahimik kami nung nag uusap na ang mag kapatid..

"Well ate ano ginagawa mo dito?" tanong ni Jia

"Jia, sinugod ang lungga natin kahapon at sinira nila ang mga pananim at ari-arian ng iba.. Namatay naman ang tatay ni Crimson kaya ayun nagalit" malungkot ang tono ng boses nya

"Ho!?" gulat na tanong ni Jia
"Lumaban ba kayo ate? Nakilala nyo ba kung sino? At saan nanggaling?" sunod-sunod na tanong ni Jia kay ate nya

"Lumaban kami,oo.. Di namin nakilala pero sure ako na taga lungsod ang mga iyon dahil sa suot nila na may mga tatak at di kagaya ng atin na saya at simpleng damit" sabi ni Ate

"Eh pano yan san kayo titira nyan?" tanong ko naman

"Ziff dito daw muna kami sabi ni Ezekiah, pwede naman daw kaming mag tanim dito.. At gumawa ng bahay kalapit ng kweba" sabi ni ate Venus

"Ate Michaela nasan po mga kasama nyo?" singit ni Saisatrone

"Sina Michael nandun sa labas.. Kasama nila si Crimson na pugto ang mata" sabi ni Ate

"Eh yung mga bata po?" tanong ni Jia

"Jia... Patay na sila... Pinatay sila nung mga tao... Yung anak nung nag tuturo sa mga batang lobo pinatay din" sabi ni Ate Venus

Grabe! Kung ganun pa ay dapat na mahuli siguro ang gumawa ng ganoon sa mga bata... Kung bata pala ako ay paniguradong patay na ako...

"Kienah, Saisatrone, Jia kailangan na nating kumilos sa lalong madaling panahon upang sa gayon ay mahuli ang mga nagkasala" paliwanag ko na totoo naman...

"Got it!" sabi ni Kienah

"Bakit??" tanong naming tatlo

"May bago daw transfers sa ating School" matalinong sabi ni Kienah

"Mga sino daw?" tanong ko

"Just wait them... Bukas na ang pasok nila sabi sakin ni Alexina.. Kaya dapat mag handa tayo" sabi ni Kienah

"Good" singit naman ng boses ni ate Ezekiah na di namin namalayan katabi na pala ni ate Venus
"Matalino ka talaga Messenger" dugtong ni ate Ezekiah

"Thats my job, so I  can handle that easy" sabi ni Kienah at umalis na...

Wiered nya ah!

"San punta nun?" tanong ni Saisatrone sa kanyang sarili.. Dinig ko iyon kasi katabi ko sya..

"Saisatrone, tapatin mo nga ako! Ikaw ba may gusto kay Kienah?" masuring tanong ni Ate Venus at Ate Ezekiah

"Pag po ba sinabi kong oo anong reaksyon nyo?" tanong ni Saisatrone

"Masaya" sabi ni ate Ezekiah

"Bakit po?"

"Sana kasi mag bago na sya,dahil dati isa syang batang masayahin at palatawa ngayon hindi na" sabi ni Ate Ezekiah

"Kaso nga lang po di ko po alam kung sasagutin nya ako pag naligawan kona sya" sabi ni Saisatrone

"Hala! Eh bakit naman sa gwapo at bait mong yan?" tanong ni ate Venus

"Pano kasi may nag poporama kay Kienah" singit naming dalawa ni Jia..

"Bat ba di mo unahan?" tanong ni Ate Venus

"Torpe po" naka tungong sabi ni Saisatrone

"Hay nako! Torpe ka kasi!" yabang na sabi ko

"Nag salita ang hindi torpe" sabi ni Jia dahilan upang mabaling ang atensyon naming lahat sa kanya..

"Nag salita ang maarte" asar ko sa kanya.

"Aray...aray...aray" daing nung tatlo

"Bakit?" sabay naming sabi ni Jia in chourus

"Madaming langgam matamis eh" sabi ni Saisatrone

Dahilan upang matawa sila...

Sana ganito na lang kami palagi ni Jia.. Kasi kahit kasal na kami di padin nya ako mapansin- pansin eh...

"Ano ba kayo? Di ba ksyo nag iisip?" tanong ni Ate Venus

"Bakit po?"

"Dun kayo sa kwarto nakaka-inggit eh" sabi nila

Ksys naman nauna na ako sa kwarto ko at sumalampak na lang bigla...

Ang daming pagsubok pero malalampasan din namin toh kung mag tutulong-tulong kami... Sana makilala ko ng maayos bukas ang mga vampire slayers....

At aking pinikit ang mata ko at inisip na maging positibo ang lahat..

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon