Chapter 38: Sulat

220 6 0
                                    

Jia/ Winslet's P.O.V.

"Eh! Teka!? Sino ba tong babaeng maganda na toh?" pag-bibiro ni Adrianne..

Walangyah talaga tohng lalaki na toh eh.. Pero joke lang mabait naman kasi si Glerk Adrianne James Fuentez. Ang haba nga ng pangalan...

"Pinana nya ako ng palaso nya na may lason at may sulat pang naka imprinta” sabi ni Kienah samin at ipinakita ang palaso..

" Wow! Archery player kaya sya?" nagtataka pero namamanghang sabi ni Winoah.

"We don't know yet... Basahin mo ang sulat Kienah" sabi naman ni Samantha..

"Wag na muna, itali nyo muna sya gamit itong lubid.. Itali nyo sa upuan.." sabi nya at ipinakita ang tali. Hinila naman ni Winoah ang bangko na kahoy palapit samin. Ang natutulog na babae ay binuhat ni Saisatrone at iniupo nya sa bangko.

Itinali naman nina Adrianne, Ziff at Samantha ang babae. Inalalayan pa nga nila at sinogurado ni Samantha na maayos ang pagkakatali at mahigpit na din.
Nandito kasi kami sa isang kwarto kung saan walang makakadinig sa boses at ingay na ginagawa sa loob.
Mga bangko, lamesa at tali lang ang naririto..

"Ang tagal magising ah?" naiinip na sabi ni Samantha
"Oo nga... Sarap pamulatin" dagdag pa ni Winoah na pabalik-balik na kung maglakad dito sa loob.

"Uyy! Nakaka-hilo ka, Winoah" maktol ko..

"Sorry" sabi nya...

"Nasan ako?" namamaos ang boses ng nagsalita kaya napatingin ang lahat dun, nag timbunan kami sa gitna nya. Nakisama pa nga si Winoah eh.. Hahaha! Bahala na syang makinig samin.

"Padaan!" sigaw ni Kienah..
Nag bigay kami ng espasyo sa kanya.. Ako, si Winoah, Samantha at Adrianne ang nasa kaliwa ng babae samantalang sa kanan ay sina Saisatrone at Ziff lamang...
Si Kienah ay sa gitna..
"Sino nag-utos sayo na patayin ako? At ng may lason pa na may sulat ah?" sarkastikong sabi nya sa babae...

"H-hindi ako iyon!" makaawa nya.

"We? Pano kami maniniwala?" nag-hahamong sabi ni Ziff sa babae..

"Ako, ako lang naman ang kapatid nya... Papatayin nya kayo sa oras na malaman nya na dinakip ako ni Kienah!" sigaw ng babae...

"Maya, don't me... Wag ako... At may sulat pa ah? Sige mabasa nga..." sabi ni Kienah...

"Sino ka ba ah?" tanong ni Samantha pero irap lang ang binigay ni Maya sa kanya..

"Sinabi na ni Kienah ang ngalan ko.. So? Bakit ko pa uulitin?" maangas na sabi nung Maya at tumingin sa dalawang nasa kanan na side nya...

"Bakit?" sabi ni Saisatrone

"Wala"

"Eh, bat mo kami tinitingnan?" naiiritang tanong ni Ziff.

"Tanga ka ba? Syempre may mata ako" pag-pipilosopo ng babae..

"Upakan na kita dyan eh" sabi ni Ziff

"Ziff! No, kaylangan natin sya" sabi pa ni Kienah

"Saan ka ba talaga nanggaling?" maawtoridad kong tanong sa babae...

"Galing ako sa isang tribo ng masasamang bampira" sabi nya sakin, o pagpalagay na sa amin.

"Sino ang nag-utos?" tanong naman ni Winoah... Wow! Pwede na syang maging detective ah?

"Nais ko mang sabihin sa inyo ay hindi maaari, hawak nila ang ina-inahan ko at maaari nila iyong paslangin" sabi pa nya

"Samantha, read this" sabay abot ni Kienah kay Samantha ng papel...

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon