Chapter 37: Sino ka?

123 5 0
                                    

Third Person's P. O. V.

"Ano pong gagawin natin? King?  Ngayong wala na ang pinuno?" tanong ng isang lalaki sa kanyang nakakataas na King.
King ang tawag nila sa lalaking iyon.

"Kailangan mag bayad sila sa pag paslang nila kay Kiah!" sabi ni King at inihagis  ang baso ng dugo. Tumilapon ito sa gilid ng kanilang Mansyon na tinutuluyan sa Lungsod.

"King? Alam nyo po ba kung sinong pumaslang sa kanya?" sabi pa ng kanyang isang alagad na babae.

"Oo... Hulihin nyo sya sa lalong madaling panahon! Sya si Glerk  Adrianne James Fuentez. Kailangan nyang mamatay gamit lang ang mga metal na dapat ipukpok sa kanya" sabi ni King at tumawa ng napaka lakas.

Jia/Winslet P. O. V.

Nasa school kami ngayon, medyo matamlay ang pasok namin nina Ziff lalo na si Kienah. Di sya umiinom ng dugo o kahit ano siguro nalungkot talaga sya? Hindi ko naman maiwasang tingnan si Kienah. Ang mga mata nya pula na talaga na aakalain mong may lense sya sa mata.

"Uy! May bagong lipat"

"Gwapo ba?"

"Sira! Oo gwapo naman"

Mga usap-usapan ng mga estudyante. Nakapasok na kami sa room at naupo sa mga bangko namin.

"Ano kayang meron?" narinig kong tanong ni Saisatrone.

"May bago daw eh" sabi naman ni Ziff
"Ahh" napatango na lamang ako sa sinabi nya. Nakatingin lang ako kay Kienah.
"Kienah" pagtawag ko sa ngalan nya.

"Bakit?" tipid niyang sagot sakin at itinuon ulit ang tingin sa kuko nyang kinukuting-ting nya.

"Are you okay?" pagtatanong ko sa kanya.

"Oo siguro?"

"Means, you are not sure" napaliko kami sa pinto ng room at pumasok duon.

Umupo na kami sa sarili naming upuan. Napatingin ako sa mga kaklase ko na puro lalaki ang natira at ang mga babae ay nasa labas.

Huh? Bakit kaya?

Puro tili at irit ang nadidinig ko sa labas ng room,para bang may artista o sikat ang dumating? Kala mo naman ay mala Jeon Jungkook, James Reid, Daniel Padilia, Alden Richard ang dumating.... Ang ingay nila...

"Ang ingay ng mga babae!"

"Oo nga eh"

"Mas gwapo pa naman tayo dun sa dumating na lalaki kanina diba?"

"Oo nga, maputi lang at may dimples eh"

Mga nadidinig namin sa mga kaklase naming lalaki na naiwan sa room.. Ilang saglit pa ay pumasok na nag mga kaklase ko sa room namin na naka ngiti at ang daldal pa..

Biglang dumating si prof namin...
"Good morning everyone!" masigla nyang bati samin.
"Class you have a new classmate, from Luenete Academy." pagkasabi ni Sir ay pumasok ang isang lalaki na maputi, matangkad na para bang......amoy... Amony bampira?
Naamoy ko sa kanya iyon syempre dahil lobo ako, kaya kong maamoy kung bampira ba o lobo.

"Hi! My name is Jin Lovatto I'm 19 and I hope that you would be good to me" sabi nya at ngumiti. May dimples sya, panigurado ako lang nakakaalam na bampira ang isang ito.

"Okay Mr. Lovatto umupo ka dun sa bakanteng upuan na katabi ni Ms. Ozar" lumapit sya kay Kienah at duon ay naupo, bale nasa gitna namin syang dalawa... Lumipat kasi si Saisatrone ng upuan eh kaya nandun sya ngayon sa dulo ng linya namin.

"Hi" napatingin ako sa nag salita, nginitian nya ako at kumindat pa...

"Hello" tanging sinabi ko at nag wave pa sa kanya, di ko sya pinansin habang nag dadaldal sya ng katabi nyang si Kienah.. Sa palagay ko nga naiinis na eh kasi umirap ng umirap nung nakatingin sakin si Jin.

Ziff's P.O.V.

Break na ngayon kaya nasa cafeteria kami. Naninibago lang at walang Alexina na nag bibigay nung matatamis na inumin.
"Ziff"
Napatingin ako kay Jia na tumawag sa ngalan ko. Katabi nya yung dalawa at katabi ko naman ito'ng si Saisatrone na kumakain ng fries.

"What?"

"May naamoy ako kanina" napatigil kaming mag babarkada dahil sa sinabi ni Jia sakin.

"Anong amoy?" tanong ni Kienah

"Bakit?" natanong ni Winoah

"Baka guniguni lang ng ilong mo'' sa sinabi ni Saisatrone ay naatwa si Winoah ng kaunti.

"Seryoso ako, naamoy ko kanina na may bampira.. Sa paligid may bampira, ang lakas ng amoy. Pero masa mabango kayo no" mayabang na sabi nya samin.

"Baka di naliligo?" joke na naman ni Winoah. Sige,Winoah! Kaya mong patawanin ang mapanglaw dyan sa tabi-tabi

"No" sabi ko at uminom muli ng tubig.

"Eh ano?" tanong ni Winoah...
"Ahah!" napatingin kami sa kanya kasi naman itinaas pa ang hintuturo at tumingin sa bubong. Bakit? Nandun ba ang sagot? Na pabalik sya ng tingin samin at ibinaba ang daliri..
"Anong naamoy mo?" tanong nya kay Jia.

"Amoy... Matapang, amoy dugo ng masasamang bampira" sabi ni Jia at tinitigan ang pagkain.

"Explain nga kung ano amoy ng mabait na bampira" hirit pa ulit ni Winoah.

"Mabango, amoy malinis na dugo at mahahalimuyak ang kanilang mga buhok" sabi nya at natungo.

"Bakit? Naamoy mo na ba ang kay..." napangiti sya sakin at kumindat "Ziff?"

"H-ha? H-hindi p-pa.. A-ata? S-siguro... Ay! E-ewan" utal utal na sabi nya. So inaamoy nya pala buhok ko tuwing katabi ko sya matulog?
Wahhh! Ang gwapo ko talaga...

"Anong masama? Mag-asawa na kayo eh matagal na" sabi pa ni Saisatrone samin.

"Mukha ngang hindi eh" bulong nya pa na kahit dinig namin.. Si Jia talaga! Hahaha ganda talaga ng asawa ko.

Pagkatapos ng mga sub namin ay umalis na kaming lahat, si Winoah naman gudtong-gusto sumama kaya sinama namin sya dadalawin daw kasi namin si Alexina eh.

Kienah's P.O.V.

Nakatambay ako ngayon sa puno ng Narra malapit sa tahanan ng mga lobo. Tinitingnan ko ang view dito ng bundok na maganda. Tumayo ako dito at nag-unat ng kamay. Nawindang ako ng muntik na akong tamaan ng palaso na may papel, hindi muna ako nakagalaw ng maayos dahil sa nagulat ako.
Napatingin ako sa buong paligid. Marahas kong kinuha ang palaso tapos,tumalon ako pababa. Ng may makita akong babae na tumatakbo palayo ay agad ko syang sinundan ko agad sya. Nahablot ko ang buhok nya at dun ko napagtanto na isa pala syang Bampira ng dahil sa mata nya at pangil nya na matilos.

"Sino ka?” mahinahon kong sabi.

“Ako si Maya... Ang papatay sa inyo" sabay tawa na parang baliw.

Siniko ko ang batok nya upang nakatulog sya at nakatulog nga sya. Binuhat ko sya patungo sa kuta namin....

My Vampire HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon