PROLOGUE

10K 44 2
                                    

Lewis Montierro POV

8:26 PM

HAHAHA girl:

Tagal mong mag-reply ah?

Busy ka sa iba? HAHAHA

Magagalit bebe mo niyan

Lewis:
Bakit ka naman magagalit?

Nagluluto kasi ako

HAHAHA girl:
Anong niluluto mo?

Hay nako huwag mo akong ginaganyan Lewis at baka seryosohin ko HAHAHA

Sino ba kasi 'yang bebe mo?

Lewis:
Adobo niluluto ko, gusto mo? HAHAH

Tinanong mo pa kung sino bebe ko e, kausap ko naman na ngayon

HAHAHA girl:
Thank you pero kakakain ko lang HAHAHA

Hindi ko iisiping ako tinutukoy mo dahil alam ko namang marami kang kausap ngayon HAHAHA

Anong oras ka matutulog?

Lewis:
Hindi pa nga ako nakakakain tulog agad?

HAHAHA girl:
Oo nga pala sorry na HAHAHA

10:33 PM

HAHAHA girl:
Hoyy

Baka nabulunan ka na niyan HAHAHA

- - - - -

Napadilat ako nang may maramdamang may gumapang sa paa ko, pagkatingin ko dulo lang pala ng kumot. Malakas na hinahangin ang kurtina kaya napatingin ako sa orasan at madaling araw pa lang. Dahil sa lamig na nanggagaling sa labas agad kong kinuha ang dulo ng kumot ko at tinalukbong sa sarili nang biglang mapadaan ang tingin ko sa 'king laptop na ngayon ay umiilaw. Humihikab 'kong nilapitan iyon.

"Aw," saad ko nang tumama ang mataas na brightness sa mata ko galing dito.

Agad kong pinindot ang notification nito at bumungad ang mga reply niya sa akin. Napaayos ako ng upo saka nilapag ang laptop sa aking hita. Agad na nawala ang pagka-antok ko.

Sinimulan 'kong basahin sa simula ang mga chat niya, kumunot ang noo ko nang mapagtantong nagchat din pala ako.

"Gising pa ba ako nito?" agad kong nasampal nang mahina ang pisngi ko pero hindi nito mababago ang naalala  kong natulog na ako ng alas otso.

Pinagpatuloy ko pa rin ang pagbabasa hanggang sa kilabutan na ako. Hindi talaga ako 'to.

"M-multo?" napatakip ako ng bibig at agad na naglibot ng paningin nang bilang hanginin uli ang kurtina. "Ow shit, shit, shit,"

Bumilis ang tibok ng puso ko pero kinalma ko ang sarili ko, malabong maging multo 'yon. Nag-isip pa ako ng ibang dahilan.

"Hacker?" napabangon ako ng kama at agad na sumilip sa bintana na baka may tao ro'n pero malamig na hangin lang ang sumalubong sa akin kaya agad ko na itong sinarado at pumunta sa kuwarto ng kuya ko.

"Kuya!" mabilis na katok ang ginawa ko nang buksan niya na ang pinto.

"Oh, nabangungot ka?" biro niya pero lumapit lang ako sa tabi niya. "Magdasal ka kasi tuwing gabi--"

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon