Chapter 4

1.6K 19 0
                                    

Lewis Montierro POV

Natapos na kaming kumain at nandito pa rin kami, nagbabakasakaling makita namin si kuya rito pero wala, kahit tex o tawag ay wala. Importante ba talaga 'yung kausap niya kanina? Isang oras na 'yung lumipas.

"Kuya tayong tatlo na lang po kaya ang pumunta ng arcade? Mukhang matatagalan po kasi si kuya Lucky," napatingin ako kay Aneth, mukhang gusto niya na talaga pumunta kaya napabuntong hininga na lang ako.

Agad kaming tumayo at pumunta sa arcade buti na lang at nandito si Kaith dahil nawalan ako ng mood dahil kay kuyang malas.

"Ito 'yung tokens. Libre ko na." ngumiti naman si Kaith sa akin saka hinawakan si Aneth. Binigyan niya ako ng 10 tokens, sa kanila 'yung marami pero okay lang at hindi naman ako masyadong maglalaro.

Susunod na sana ako sa kanila nang mapatingin ako sa isang claw machine at ang cute ng mga maliit na stuffed toy doon, napalingon ako kila Kaith na naglalaro na kaya lumapit na lang ako sa claw machine at tiningnan kung ano ang kukunin ko.

"Kuya tara roon sa may basketball," napatingin ako kay Aneth na sumisigaw papunta sa akin. Buti na lang at tapos na ako maglaro nang hilain niya ako papunta roon kay Kaith na nakapwesto na.

"Tara! Paramihan tayo!" hamon niya sa akin habang nakakrus ang mga braso. "Ang manalo hindi manglilibre ng meryenda para mamaya at siyempre ang matalo siyempre siya ang manglilibre." tiningnan ko si Aneth na ngayon ay pinapanood ang ibang naglalaro roon.

"Kakampi ko si Aneth, ha!" bigla niyang hinila 'yung bata kaya nagulat ito pero sinamaan lang ako ng tingin ni Kaith at ngumisi. "Mag-isa ka lang." saka siya tumawa.

"Okay, sabi mo e," ngisi ko kaya biglang nag-iba ang reaksiyon niya at kita sa mga mata niya na kinabahan siya.

Naghulog na kami ng token sabay-sabay at agad na tumira. Sunod-sunod ang mga tira ko at ganon din ang pagka-shoot nito. Nakikita ko sa gilid ko na lumilingon si Kaith sa akin at tinitingnan ang score ko, kaya agad niyang ginaya ang ginagawa ko.

"Aneth galingan mo bawal tayo matalo!" pagkasabi niya ay agad-agad na rin ang pagsho-shoot at hindi man lang bumebwelo kaya 'yung iba ay hindi nahuhulog.

"Ate huwag mong salabungin iyong tira ko."

"Ikaw kaya iyon! Aish!" akala ko tapos na silang magsalita pero nagkamali ako.


"Hala! Bakit ayaw pumunta ng bola!"

"Na-stock?"

"Opo,"

"Hindi puwede 'to! Matatalo tayo! Aaahh! Dinuduga tayo! Madugaaa!"

"Lakasan mo na lang po ate nakaka-ilang shoot ka pa lang."

"Aba! Huwag mo akong minamaliit at mas maliit ka sa akin 'no!" agad na kinuha ni Kaith ang bola at malakas na binato ito. "Yaaa!" buong pwersa niyang sigaw.

"Ate! Nakatama ka!"

"Oh my gosh! Kuyaaa sorry!"

"Ate kunin mo na lang ang bola!" hindi ko alam kung anong ginawa ni Kaith doon sa lalaki kaya nasabi 'yon ni Aneth pero bawal ako matalo kaya hindi ko na lang binigyang pansin.

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon