Chapter 5

1.2K 20 0
                                    

Lewis Montierro POV

"Anak gising na kakausapin ka ng kuya mo," kanina pa sila kumakatok at ayoko lang bumangon, feeling ko kasi ang daming nakapasan sa akin. "Pero mag-aagahan muna tayo. Aantayin ka namin sa baba." naramdaman ko naman na bumaba na si mama dahil sa paghakbang na naririnig ko, saka ko napagdesisyunang bumangon na.


Habang papunta roon ay saka ko lang uli naisip ang mga sinabi ni mama kanina. Bakit naman ako kakausapin ni kuya? Tungkol kaya kagabi?

"Oh anak dito ka na," tinuro ni papa 'yung upuan ko na agad na pinagtaka ko. Iyan lagi ang p'westo ko tuwing kakain kami, pagkaupo ko ay kumilos bigla si mama.

"Anong gusto mong kainin? Eto bacon, 'yung itlog sa pandesal gusto mo ba ng kanin--"

"Ma kaya ko po," natigilan siya sa sinabi ko.

"Gusto ko kasing malakas ka anak." She smiled at me.

"Malakas ho ako huwag kayong mag-alala."

"Iyan!" gulat kaming napatingin kay papa. "Iyan ang anak ko! Siguradong bagay ka talaga roon."

"Just eat your food at mag-usap tayo sa kuwarto ko." napalingon naman ako kay kuya na naglalagay ng kanin sa plato.

Kahit na nalilito ako ay kumain na lang din ako. Naunang natapos si kuya kaya umakyat na siya agad. Naiwan naman kaming tatlo rito kaya pinipilit na ako nila mama na pumunta na sa kwarto ni kuya kahit hindi pa ako tapos kumain.

"Kami na ang bahala rito anak umakyat ka na. Kakausapin ka ng kuya mo." wala akong nagawa kung hindi ang tumayo. Hindi ba nila nakikitang kumakain pa ko? Tss.

Bakit ba sila excited na makausap ko si kuya? Kung sila na lang kaya 'yung mag-usap mas masaya pa sila kaysa sa akin. Umakyat naman na ako dahil wala akong choice.

"Anong meron?" bungad ko saka niya tinuro ang upuan katabi nang sa kaniya.

"Have a sit," lumapit ako doon at umupo ng maayos.

"Ano 'yung pag-uusapan? Kung 'yung nangyari kahapon--"

"Hindi 'yung kahapon ang usapan dito, dederetsuhin na kita," huminto siya sa pagsalita at saka bumuntong hininga. "Magtatrabaho ka na."

"Ano?!" agad akong napatayo. Kaya pala masaya sila mama tss!

"Since tungkol din naman doon ang natapos mo, ipapasok kita. Nangangailangan ako ng tao roon iyon ang pinoproblema ko noong nakaraang araw pa."

"Problema mo e, bakit pinasa mo sa akin?"

"Huwag kang OA okay? Hindi ikaw ang papalit sa akin magiging assistant kita roon," gusto ko mang intindihin ang mga sinasabi niya pero hindi ko magawa! "Wala ka namang ginagawa, pag-isipan mo."

"Ha!" napabuntong hininga ako. Hindi ako makapaniwala. Ako 'yung kailangan tapos ako 'yung tinataboy niya ngayon? Ni hindi man lang pinaliwanag kung anong gagawin ko!

Inis akong pumunta ng kwarto at nahiga sa kama ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!" agad kong sigaw sa kaniya. Saka siya lumapit sa pintuan at kumatok kahit nasa loob na siya!

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon