Lewis Montierro POV
Agad akong pumunta sa office ni kuya at agad na binuksan ang pinto. Kahit hindi ko alam kung totoo ba iyong sinabi niya sa akin basta kung totoo, kailangan mauna ako sa kaniya--
"Lewis! Saan ka galing?" agad kong nabitawan ang door knob ng magsalita siya.
"The hell! Ginulat mo ko!" singhal ko pero tinawanan niya lang ako. "A-ang bilis mo naman?" tanong ko.
"Syempre ako pa ba! Teka, bakit parang nagmadali ka? Pero sorry ka na lang kasi mas nauna pa ako sayo." sabi niya sabay kindat, halatang nangaasar.
"May nakalimutan kasi ako," pagdadahilan ko.
"Okay, akala ko nagmamadali kang makita ako." bakit nga ba ako nagmadali? E, ano naman kung pumunta siya rito, tss.
"Why are you here?" pag-iiba ko ng usapan.
"Si kuya, ka-meeting niya kuya mo ngayon. Hindi mo alam?" So kuya niya nga talaga 'yung kanina, akala ko ka-apelyido lang.
"Nothing, akala ko namiss mo ako kaya nandito ka ngayon." I winked at her.
"Wala kang originality?" Umirap siya kaya natawa naman ako. "Kumain ka na ba ng lunch? Hawak mo kasi baunan mo," turo niya sa lunch box na hawak ko kaya napatingin na rin ako roon.
"Pakain pa lang ako, bakit?"
"Sa labas sana ako kakain at yayayain ka, akala ko kasi--"
"Let's go," nagulat naman siya sa sinabi ko pero agad din namang napalitan ng ngiti. Hindi pa siya nagsasalita ay hinila niya na ako palabas. Ugaling-ugali niyang manghila na lang bigla.
Nasa kotse na kami ngayon, since kaninang umaga ay kotse ni kuya ang dinala kaya no choice, kotse na lang ni Kaith ang ginagamit namin ngayon kaya siya ang nagmamaneho.
"Bakit parang ang good mood mo ata ngayon Lewis?" nakangiti niyang tanong sa akin kahit nakatingin siya sa kalsada.
"Ikaw nga ang kanina pa ngumingiti diyan, edi ikaw 'yung mas good mood,"
"Siyempre 'no! Minsan ka lang kaya ganiyan. Dati pinipilit pa kita at dahil naiinis ka na sa pangungulit ko doon ka lang pumapayag para tumahimik na ako pero ngayon, wow! Just wow!"
Habang bumabyahe kami ay k'wento siya ng k'wento kaya kahit papaano hindi boring.
"Where would you like to eat?" tanong niya.
"Ikaw bahala," tumango siya bilang sagot. "Akala ko nagbibiro ka lang kanina na nandito ka."
"Hindi ah! Kailan ba ko nagbiro tapos sayo pa?"
"So pagdating sa akin seryoso ka ganoon?" tumawa lang siya sa tanong ko at hindi sinagot, para siyang baliw.
Hindi ko nga alam kung lalaki ako pagkasama ko siya, para siyang lalaki kung makabanat.
"We're here!" sabi niya kaya bumaba na rin kami. "Tara na!" hindi pa ako nagsasalita ay hinila niya na naman ako.
"I have a reservation," pagkasabi niya ay agad kumunot ang noo ko.
"Name ma'am?"
"Mrs. Montierro," taka ko na naman siyang tiningnan.
"This way ma'am,"
"Nandito ba si mama?" tanong ko sa kaniya pero hindi niya ata ako narinig, busy doon sa babaeng pinagtanungan niya.
"Have a sit ma'am and sir! Just please kindly wait na lang po para sa food." paalam 'nung babae saka kami umupo.
BINABASA MO ANG
Kuya Ko (Online Series #1)
Novela JuvenilOnline Series #1 The guy named Lewis Montierro is affraid to confess his feelings to his chatmate. Hanggang sa isang araw nagalit ang babae sa kaniya at hindi siya pinansin dahil 'daw' sa ginawa ng kuya niya. Is that really his brother's fault? Isis...