Kaith Gamian POV
"Naninibago ako kuya,"
"It's okay, masasanay ka rin. Besides nasabi mo sa akin na gusto mo mag-aral sa ibang bansa."
"Yeah, pero hindi titira," bumuntong hininga ako pero tumawa lang siya.
Nag-aayos kami ng damit namin para ilagay sa kanya-kanyang cabinet, nandito na rin kami sa States. Hindi ko nga alam kung tama ba ang desisyon ko, or sabihin na nating desisyon ni mama.
'Yung pasko na dapat ay kasama ko sila ate Joy at Danica pati na rin si Lewis ay hindi matutuloy kaya nalulungkot ako.
"Be ready kids, we will have a dinner and don't be late," sabi ni mama sa amin saka umalis.
"Pati sa hapagkainan may late pa rin?" tanong ko kay kuya.
"Baka may kasama tayo," he shrugged.
Sabi ni kuya baka raw pormal ang dinner namin kaya magdress daw ako, kahit ayoko hinanap ko pa rin 'yung favorite dress ko.
"Oh, they are already here," inalalayan ako ni kuya papunta kay mama. "This is my son, Renzo and this is my daughter, Kaith."
"What a beautiful names," napatingin ako sa babaeng ka-edad lang siguro nila mama.
"Have a sit," umupo naman kami ni kuya at saka kumain. Konti lang ang kinain ko dahil hindi ako komportable sa mga kasama ko, idagdag pa ang kakaibang nararamdaman ko.
"This is Sarrol Family, kids," napatingin ako kay mama na tinuro pa ang mga kasama naming kumain. Akala ko ay kung ano na dahil sa narinig kong apelyido pero buti na lang at wala siya.
"Sorry, I'm late." napalingon kami sa nagsalita at agad na nanlaki ang mga mata ko, idagdag mo pa na nagtama ang mga paningin namin.
"What are you doing here?" sabay naming tanong.
"I guess, you already know each other, huh?" nakangising tanong ni mama.
"What is the meaning of this papa?" kahit si mama ang nagsasalita, si papa ang tinanong ko.
"I'm sorry, Kaith." yumuko lang siya at hindi na nagsalita.
"After your graduation," tumingin sa akin si mama. "The both of you will be married,"
Ano bang meron sa kinain nila? Nababaliw na ba sila? Kilala nila si Lewis!
- - - - -
"Hoy, Lennon!" binatukan ko siya.
"Aray ko, pucha!"
"Plinano mo 'to 'no?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na ayoko rin?"
"Hindi ko matanggap," bumuntong hininga ako. "Gumawa tayo ng paraan para hindi matuloy 'yon!"
"Scam ang salitang 'yan Kaith, baka mamaya magkagusto ka rin sa akin,"
"The hell? May nag-aantay sakin sa Pilipinas!"
"That guy?" I nodded. "Well, may nag-aantay din sa akin pero wala sa Pilipinas,"
"Basta! Ayoko! A-yo-ko!" sabi ko habang umiiling pa kaya tumawa siya.
"Ano na bang meron sa inyo?"
BINABASA MO ANG
Kuya Ko (Online Series #1)
Fiksi RemajaOnline Series #1 The guy named Lewis Montierro is affraid to confess his feelings to his chatmate. Hanggang sa isang araw nagalit ang babae sa kaniya at hindi siya pinansin dahil 'daw' sa ginawa ng kuya niya. Is that really his brother's fault? Isis...