Lewis Montierro POV
Nakangiti kong tinitingnan ang bigay ni Kaith na keychain nang mapagdesisyunan kong tawagan siya dahil miss ko na rin siya. Minsan ay hindi na kami nakakalabas dahil busy kami kahit araw-araw naman kaming nagkikita dahil susunduin ko siya.
"I will pick you up later, okay?"
[Para namang may nagbago roon?]
"Wow, confident." napangisi ako.
[Syempre naman. Sige na ba-bye na, see you later!] ngumiti ako at binaba na rin ang cellphone. Umupo na ako at tumingin sa laptop ko nang biglang may pumasok si kuya.
"Do you know how to knock?"
"Alam ko pero hindi ko ginagawa. We have an urgent meeting later, be ready."
"What?" agad akong napalingon kay kuya at napatigil sa ginagawa ko.
"Don't worry, office directors lang ang naroon. I know you can do it," iyon lang ang sinabi niya at saka umalis.
Nahawakan ko ang sentido ko. Akala ko wala ng meeting dahil kakatapos lang.
"Tapos, ito na naman? Hell," napabuntong hininga ako at kinuha ang cellphone.
To: Kaith <3
Baka hindi kita masusundo ngayon, may biglaang meeting kasi kami pero gagawa ako ng paraan, okay? Stay safe, don't stress yourself ^.^
Wala pang ilang minuto ay nakareply agad siya, hindi ba siya busy?
From: Kaith <3
It's okay, don't worry.
Teka, galit ba siya?
"Hey, hindi ka pa ba susunod?" napalingon ako kuya.
"Akala ko ba mamaya pa?" pero nasapo niya lang ang noo. "Okay, okay. I get it." hindi na ako nakapag-reply at kinuha na lang ang folder at sumunod sa kaniya.
Mabilisang meeting lang iyon pero nagmadali pa rin ako dahil ang saglit na meeting dito ay matagal pa rin. Kinuha ko na ang cellphone ko at susi ng kotse saka umalis.
Hindi ako nahirapan dahil walang masyadong traffic. Naabutan ko pa siyang papara sana ng jeep pero bumisina ako kaya napalingon siya at nakita ako. Akala ko ay nakaalis na siya.
"'Di ba sabi ko gagawa ako ng paraan?" ngumiti ako sa kaniya, ganoon rin siya.
Habang nasa byahe kami ay nagkekuwento lang siya ng mga nangyari sa kaniya ngayong araw, nakasanayan ko na rin iyon.
"Mali pala ang text ko sa iyo mukhang hindi ka na-iistress doon," natawa naman siya sa sinabi ko.
"Kapag nagkaroon ka ng free time punta ka roon, okay?"
"Of course,"
Nang nakapunta na kami sa bahay nila ay bumaba na rin siya agad, aalis na sana ako kaso bigla niyang nasabi na naroon sila tito. Kahit may gagawin pa ako sa bahay ay pumayag na lang ako since minsan lang naman silang nandito sa Pilipinas.
"Good evening tita, tito," bati ko. Tinanguan lang ako ni tita at walang reaksyon ng makita ako habang si tito naman ay ngumiti sa akin.
"Have a sit," aya niya kaya tumango ako't ngumiti pero bago ako umupo binati ko rin si kuya Renzo na kabababa lang ng hadgan.
BINABASA MO ANG
Kuya Ko (Online Series #1)
Fiksi RemajaOnline Series #1 The guy named Lewis Montierro is affraid to confess his feelings to his chatmate. Hanggang sa isang araw nagalit ang babae sa kaniya at hindi siya pinansin dahil 'daw' sa ginawa ng kuya niya. Is that really his brother's fault? Isis...