Chapter 15

81 12 0
                                    

Kaith Gaiman POV

"May pupuntahan ako bukas, sama ka?" tanong ni Kuya Renzo habang nanonood siya ng TV.

"Saan ba 'yan?"

"Meeting again, as if it's new for you." ngumisi siya. Lagi na kasi akong tinatanong ni kuya kung gusto ko raw ba siyang samahan. Kahit minsan ay alam niya na ang isasagot ko ay nagtatanong pa rin siya. Mahigit isang buwan na ring ganoon.

"May malapit naman na Park doon, kung mabagot ka man ay p'wede kang pumunta roon. Lagi ka na lang nandito sa bahay. Lewis pa more," tinarayan ko siya at binato ng unan dahilan para matawa siya.

Kinuwento ko kasi sa kaniya ang nangyari ng gabing 'yon. Siya rin ang iniyakan ko no'n kaya niya ako inaasar.

Akala ko nga pagkatapos ng gabing 'yon ay okay na pero hindi pa pala. Hindi kami nagkikita at nag-uusap ni Lewis na hindi ko alam kung tama ba para makalimutan ko siya. Kaya naisip ko rin siguro na kailangan unahin ko muna ang sarili ko pero hindi naman ako lumalabas at baka makita ko siya lalo na't ilang lakad lang ay mapupuntahan ko na ang bahay nila.

Nagising na lang ako nang may kumatok sa kuwarto ko.

"Hoy babaita, gumising ka na!" nag-unat ako at kinuha ang cellphone ko para tingnan ang oras.

"Ang haba naman ng tulog ko?" tanong ko sa sarili.

8 PM na kasi at alam ko natulog ako ng 2 PM, baka hindi agad ako makakatulog mamaya. Bumangon na ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba. Naabutan ko naman si kuya na naghahanda ng mga plato.

"Ngayon ka pa lang kakain?" tanong ko nang makita ang dalawang plato roon.

"Obvious ba?" pagtataray niya.

"Inantay mo ako 'no? Yieee--" sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya at inaasar siya.

"Oo alam ko kasing nag-iisa ka pati ba naman sa hapagkainan?" babatuhin ko sana siya ng plato kaso naisip kong sayang at mahal 'yon kaya binaba ko na lang.

"Alam mo minsan sarap mong sipain palabas ng mundo tapos hindi ka na makakabalik,"

"Kung kaya mo," pang-aasar niya pa lalo kaya iniripan ko na lang siya.

Kumain na kami at kaunti lang ang kinain ko, hindi naman kasi ako masyadong gutom. Pagkatapos no'n ay naghugas na ako ng pinagkainan namin at dumiretso uli sa kwarto.

Nag-iiscroll lang ako sa facebook ko ng biglang may tumawag sa akin at nagulat pa ako nang malaman ko kung sino iyon.

"Kuya Lucky?" medyo kinakabahan pa ako dahil matagal na rin na hindi ko siya nakakausap.

"Puwede ka bang pumunta rito sa bahay?" mas kinabahan ako sa sinabi niya.

"B-bakit ho?"

"Kakasagot lang sa akin ni Molly ngayon and I don't know how to comfort Lewis," holy shit, natakpan ko ang bibig ko sa gulat!

- - - - -

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni kuya nang bigla kong hinahanap ang tsinelas ko.

"Pupunta ako kila Lewis,"

"Wow! Tapos na LQ niyo?" sa taranta ko ay nabato ko siya ng tsinelas niya. "Ang hilig mong mambato!" reklamo niya kaya natawa ako.

"I'll be back at 11 PM--"

"Hoy ang tagal naman niyan! Ano gagawin niyo sa tatlong oras, ha?" imbis na mainis ako ay mas natawa ako sa reaksiyon niya. "No! Hindi ka aalis--"

"He needs me, he really needs me." nagmamakaawa kong sabi at nang makita ko na ang tsinelas ko ay umalis na ako at hindi niya naman ako pinigilan.

Nang makita ko na si Lewis na naka-upo sa labas ng bahay nila ay bigla akong natauhan.

Ang rupok ko...

Bumuntong hininga ako bago umupo sa tabi niya.

"Kaith?"

"Bakit ganiyan ka makatingin? Ayaw mo ba? Aalis na lang--" tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Dito ka lang," tiningnan ko siya at ang paghawak niya sa akin, agad ko rin namang tinanggal iyon.

Nandito ka para kausapin siya pero hindi ang bumalik uli sa kaniya. Kaya mo 'yan Kaith!

"Okay sabi mo e," umupo ulit ako sa tabi niya at tumingin sa malayo. Hindi siya umiimik kaya ako na lang ang nagsalita.

"Ganun talaga siguro 'no? Kahit ilang taon na kayong nagkakasama at kung gaano pa kayo kalapit sa isa't isa ay mawawalang saysay iyon kapag nakakita siya ng iba, kapag may mahal na siya," habang sinasabi ko 'yon ay naiisip ko si ate Molly at Lewis.

"What are you--"

"Kasi kahit hindi kayo magkita ng matagal ay okay lang kasi hindi naman ikaw 'yung mahal niya, syempre uunahin niya 'yon keysa sayo kasi kaibigan ka lang naman niya," ngumisi ako at pinagpatuloy lang ang sinasabi ko.

"Siguro malalaman mo kung importante ba sayo 'yung tao kapag wala siya sayo..." huminto ako at bumuntomg hininga. "Pero parang hindi ata umubra sa akin," I laughed bitterly.

"Parang mas lalong pinamukha sa akin na walang kuwenta ang taon na pinagsamahan namin, na walang kwenta ang mga ginagawa kong pagpaparamdam na mahal ko siya kasi nasa iba ang atensiyon niya." naluluha na ako kaya tinapos ko na ang mga sinasabi ko.

Hindi ko alam kung makakahalata ba siya pero I did it because I want to express my feelings too pero hindi ko alam kung nakinig ba siya, hindi pa rin kasi siya nagsasalita.

"Magkuwento ka na,"

"Ha?"

"Alam kong nasasaktan ka gayong sila na ni kuya Lucky and I'm here to listen." pagkatapos kong sabihin 'yon ay yumuko ako habang yakap ang mga tuhod.

Hindi ko na kasi mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Magkekuwento ako eh parang matutulog ka nga sa pwesto mo ngayon hahaha--" biro niya pero naputol 'yon ng hindi ako tumawa kaya nagsimula na siya.

Habang nagkekuwento siya ay mas lalong nag-uunahan ang mga luha ko, pinipigilan kong marinig niya 'yon.

Alam ko naman na kung ano ang sasabihin niya pero kahit narinig ko na ang iba ay nandoon pa rin ang sakit kapag naririnig ko mula sa kaniya.

Hanggang biglang tumunog ang cellphone ko dahilan para matigil siya. Pinunasan ko muna ang mukha ko bago ko tingnan 'yon at ngayon lang nag-sink-in sa utak ko.

'Yung alarm kooo.

Pero ang pinalabas ko na may tumatawag sa akin para lang makaalis na dito.

"Hello?" nagbibilang pa ako sa utak ko ng ilang seconds bago ulit ako magsalita.

"Ngayon na ba kailangan 'yun? Sorry nakalimutan ko," minsan talaga kailangan magaling ka ring umarte. "Oo sige, tatapusin ko na 'yon ngayon." Binaba ko na ang cellphone ko saka ako lumingon kay Lewis na nakatingin na sa akin.

"Sorry Lewis, I need to go." tumayo na ako at hahakbang na sana nang magsalita siya.

"Kaith, salamat kasi--" those words.

"Ayoko ng marinig ang ganiyang salita mula sayo." may pumatak pang luha ng sabihin ko iyon mabuti na lang at nakatalikod ako sa kaniya. Mabilis akong naglakad paalis mula roon.

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon