Kaith Gaiman POV
Umiinom ako habang tulog pa rin si Lewis, nakatatlong bote na nga ako kaya gusto ko nang gisingin siya at baka imbes na makauwi kami ay dito na kami makatulog dahil medyo nalalasing na rin ako. Buti na lang at nandito si Danica para kahit papaano may nakakausap ako. Sa tagal magising ni Lewis ay nakuwento ko na rin kay Danica iyong nangyari. Kaya ngayon ay umiinom na lang ako dahil busy din si Danica sa mga costumer na dumadating.
Kinuha ko naman ang cellphone ko para tawagan si kuya Lucky. Hindi ko muna siyabtinawagan dahil kailangan ko ring mahimasmasan sa nangyari kanina. Nang masagit niya na ang tawag ko ay agad niyang tinanong kung magkasama na ba kami at siyempre ang sinagot ko ay oo. Sinabihan niya rin akong samahan ko muna si Lewis hanggang sa medyo okay na siya, hindi ko pa masyadong naiintindihan ang mga nangyayari at gusto ko man siyang tanungin ay wala ako sa posisyon para sa ganoong bagay kaya pumayag na lang ako at pinatay na ang linya.
Hanggang sa maalala ko uli ang sinabi ng security guard kanina tungkol kay Lewis. Si ate Molly inagaw ni kuya Lucky? Parang ang hirap isipin kung sa papaanong paraan at ang hirap paniwalaan.
Kung ako mismo na hindi nasaksihan ang bagay na 'yon paano pa kaya si Lewis, kuya niya 'yon at ang babaeng mahal niya. Napatingin ako sa kaniya habang mahimbing pa rin ang tulog at napabuntong hininga.
Si ate Molly ang highschool crush ni Lewis. Grade 8 pa lang kami at senior high na no'n si ate Molly, graduating. Nagkakilala sila dahil sa akin. Sumali ako sa club at si ate Molly ang pinaka-head doon. Mabilis namang siyang pakisamahan kaya hindi rin ako nahirapan. Ang saya ko pa nga kapag uwian na dahil pupunta na ako sa club at makakasama ko uli siya. Ang gaan sa pakiramdam kapag siya ang nakakasama mo dahil napakabait niya kaya hindi rin ako nagtataka kung bakit nagkagusto si Lewis sa kaniya.
Tuwing uwian ay lagi kaming magkasabay ni Lewis, kahit saan nga ako pumunta ay sinasamahan niya ako. Hanggang sa hindi na ako nakakasabay sa kaniya dahil sa club na sinalihan ko kaya isang araw napagdesisyunan ni Lewis na sumali na rin siya.
Noong una ay kinikilig ako kasi feeling ko may gusto na rin siya sa akin pero nang ipakilala ko si ate Molly kay Lewis ay naglaho rin 'yung kilig na nararamdaman ko. Naging magkaibigan din sila at ilang buwan lang ay nagtapat sa akin si Lewis na gusto niya si ate Molly at tulungan ko raw siya. Hindi na rin ako nagtaka nang sabihin niya 'yon pero bakit siya?
"Kaith?" napalingon ako kay Lewis nangmg magsalita siya.
"Oh, gising ka na pala. Hindi ka ba nahihilo? O kaya masakit ang ulo--"
"Hindi naman masyado. Anong nga palang nangyari? Ang natatandaan ko lang ay may sinusuntok akong lalaki, kumusta siya?" dahil sa sinabi niyang 'yon ay kinuwento ko na sa kaniya, pero hindi ko sinabi ang mga sinabi ng security guard at nang tawagin niya akong Molly.
Habang nagkekuwento ako ay sinabi niyang wala naman daw siyang intensyon na suntukin 'yung lalaki, nakita niya raw kasi ag mukha ni kuya Lucky doon sa lalaki. Natanong ko na rin kung bakit siya pumunta sa bar at kung anong nangyari sa kanila ni kuya Lucky dahil gusto ko na rin talagang malaman. No'ng una ay nagdadalawang isip pa siya ikuwento pero bago siya nagsimula ay dumating na si Danica at naupo.
Kinuwento niya 'yung mga chat nila, hindi ko alam kung masasaktan ba ako sa mga sinasabi niya dahil wala naman akong karapatan. Bawat k'wento niya ay parang ayaw tanggapin ng puso ko pero ang tenga ko gustong gusto malaman 'yung dahilan kung bakit hanggang ngayon si ate Molly pa rin.
"Hanggang sa umamin ako, nagulat siya at nasaktan ng malamang hindi si kuya ang mga nagsasabi no'n. Nakikita ko 'yun sa mga mata niya hanggang sa umalis siya. Akala ko hanggang doon na lang 'yon pero narinig ko ang boses ni kuya at narinig niya lahat nang napag-usapan namin ni Molly at mas lalong gumuho ang mundo ko nang sabihin niyang mahal niya rin si Molly, paano kung magkatuluyan sila? Paano na ako?"
Paano na rin kaya ako kung nagkataong nahulog siya sa 'yo?
"Oh shit! Biruin mo pinalayo mo 'yung taong mahal mo sa sarili mong kagagawan ng hindi mo namamalayan hahaha--"
"Iinom na lang natin 'yan," agad akong tumungga nang bigla akong pigilan ni Lewis pero hindi ko siya pinansin at tumungga ulit. "Kanina pa ko umiinom," tinanguan niya na lang ako.
"Sige, iinom niyo lang 'yan at magtatrabaho na ulit ako. Mamaya ko na kayo kausapin ng masinsinan, parehas kayong nagpapatanga," napabuntong hininga pa si Danica bago tuluyang umalis.
"Anong ibig niyang sabihin doon?" tanong ni Lewis na lumingon pa sa 'kin pero imbis na sagutin ko ay binigyan ko na lang siya ng isang beer, kahit nagtataka siya sa inaasta ko ay agad niya rin naman iyong tinungga.
"Knock out!" sigaw na sabi ni Danica habang pagewang-gewang na rin siya. Sinamahan niya kami uminom pagkatapos ng oras ng trabaho niya at ang sinasabihan niyang knock out ay si Lewis na nakahiga at mahimbing uling natutulog.
Maya-maya ay nagpaalam siya na pupunta lang siya sa restroom kaya mas lalo kong natitigan si Lewis.
"Alam mo ang bobo mo! Nandito lang naman ako pero nakatuon naman sa iba ang atensiyon mo!" reklamo ko habang tinuturo-turo pa siya. "Ang unfair mo! Saan ba ako nagkulang sa pagpaparamdam na may gusto ako sayo?! Ano bang meron siya na wala ako? 'yung pagmamahal mo? Pero meron naman akong pagmamahal sa 'yo! Ang duga-duga mo!" hindi ko napigilan ang luha ko at tuluyan na itong tumulo.
"Kaith," napatingin ako kay Danica na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin. "Tama na,"
Dalawang salita lang naman ang sinabi niya pero feeling ko tama na ang mga salitang 'yon para sa nararamdaman ko.
Tumayo ako para pumunta rin sa restroom pero may humawak sa braso ko at napatingin ako kay Lewis na hawak iyon.
"Kaith, thank you,"
Iyon lang ang sinabi mo pero nasasaktan mo na ako. Kahit hindi 'yun ang gusto kong marinig mula sa 'yo siguro sapat na 'yon para sa isang kaibigan na tulad ko.
BINABASA MO ANG
Kuya Ko (Online Series #1)
Teen FictionOnline Series #1 The guy named Lewis Montierro is affraid to confess his feelings to his chatmate. Hanggang sa isang araw nagalit ang babae sa kaniya at hindi siya pinansin dahil 'daw' sa ginawa ng kuya niya. Is that really his brother's fault? Isis...