Lewis Montierro POV
"Bilisan mo at kakain ka pa!" sigaw ni kuya sa labas habang kumakatok sa pintuan, hindi lang ata katok iyon dahil parang gusto niya ng sirain ang pintuan ng kwarto ko. Kanina pa rin niya iyon ginagawa, wala ba siyang ibang pagtutuunan ng pansin? Tss.
Bago naman siya umalis sa k'warto ko kagabi ay hindi naman siya galit, kaya naiisip kong dahilan ay baka sa nakausap niya. Hindi rin kasi masyadong maganda ang gising ko dahil puyat ako, hindi agad ako nakatulog dahil ang daming tanong na pumapasok sa isip ko. Kahit gusto ng katawan ko magpahinga ayaw naman ng utak ko.
Ngayong araw ay nakakapanibago para sa 'kin. Gigising ng maaga at maghahanda para sa opisina na hindi ko naman nakasanayan kaya binilisan ko na lang ang kilos ko baka pagalitan pa ako ni kuyang malas.
"Good morning anak," bati ni mama pagkababa ko. "Kumain ka na tapos na ang kuya mo."
"Kayo po ni papa?" tanong ko habang kumukuha na ng pagkain.
"Mamaya pa kami saka nga pala kumusta ang unang araw mo roon anak? Hmm? Maaga kasi akong nakatulog kagabi,"
"Ayos naman po pero napagalitan ako ni kuya--"
"Huwag ka na magk'wento at malalate na ako!" sigaw ni kuya dahilan para mapabuntong hininga si mama.
"Pagkagising niya ay ganiyan na siya, may nangyari ba?"
"Hindi ko po alam,"
"Sige na, ubusin mo na 'yang pagkain mo at ito ang baon mo." tumango ako kay mama at ngumiti. Hindi naman na siya nagtagal dahil may gagawin pa raw siya kaya binilisan ko na ring kumain at sumunod na kay kuya.
- - - - -
"Ano ba! Magdahan-dahan ka naman sa pagdrive mo! Kung gusto mo magpakamatay huwag mo na 'kong idamay!" sigaw ko kay kuya dahilan para ihinto niya ang kotse.
Ang bilis niyang magmaneho at kung lumiko ay parang bubunggo kami sa pader in short, parang papatayin niya ako.
"Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis--"
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa sa bahay."
"Naiisip ko pa lang na hindi ko siya makikita ngayong araw, naiinis na ako." paliwanag niya at malungkot na tumingin sakin.
"Huwag ka ngang tumingin ng ganiyan! Nakakadiri ka!"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko!"
"Edi dalawain mo!" inis kong sabi sa kaniya pero bigla lang siyang ngumiti at agad na bumalik sa pagmamaneho.
"Good morning sir!" bati sa kaniya ng babae.
"Good morning! Have a good day!" masaya niyang sabi roon.
Nauuna siyang maglakad kaya nakikita ko na kahit sa paglalakad niya pa lang ay masaya na siya kaya 'yung atensiyon ng mga taong naglalakad lang ay napapalingon sa kaniya.
"Oh my! Kinausap niya ako!"
"Good mood siguro si sir ngayon 'no? Sana lagi--Ay sir good morning po," bati ng isa nang mapadaan ako at tango lang ang naisagot ko dahil iniisip ko si kuya, kung bakit bigla na lang naging ganiyan ang impact ng sinabi ko.
Anong maganda sa sinabi kong 'Edi dalawin mo?'
Pumunta na lang ako sa opisina niya at naabutan ko siyang kumakanta.
"Nakakatakot ka na, umayos ka nga!" asik ko.
"Bakit? Hindi ba pwedeng maging masaya? Hahaha!" shit, ang creepy niya na talaga, hindi ako sanay na ganiyan siya.

BINABASA MO ANG
Kuya Ko (Online Series #1)
Teen FictionOnline Series #1 The guy named Lewis Montierro is affraid to confess his feelings to his chatmate. Hanggang sa isang araw nagalit ang babae sa kaniya at hindi siya pinansin dahil 'daw' sa ginawa ng kuya niya. Is that really his brother's fault? Isis...