Chapter 3

2K 24 0
                                    

Lewis Montierro POV

Alam kong matagal ang biyahe namin kaya nang inantok ako pinili ko na lang matulog since puyat din naman ako kagabi at dahil sa ginagawa ni kuyang pang-aasar ay punilit ko ring makatulog ng mahaba kaya nakaligtas ako sa pang-aasar niya. Sabihin na nating isa rin iyon sa dahilan kung bakit ako natulog kaya naging madali sa akin ang biyahe kahit inabot kami ng ilang oras.

Nagising na lang ako nang may maramdamang kamay na humahawak sa balikat ko at doon ko nakita si mama. Wala pa naman daw talaga kami roon pero ginising na ako dahil malapit na raw. Hindi na ako natulog at tumingin na lang sa bintana, baka kapag kinausap ko si kuya kung saan mapunta ang usapan. Nang makarating na kami ay agad-agad akong bumaba pero inantay ko muna silang makababa ng sasakyan bago ako tuluyang pumunta sa gate.

"Lola nandito na po kami!" pagtawag namin sa labas ng bahay saka namin nakita na sumilip si lola sa bintana at napangiti nang nakita kami.

"Mga apo ako! Halika pasok kayo. Buti naman at napadalaw kayo at kumpleto pa kayo!" nagmano muna kami saka pumasok na sa loob.

"Opo, nagkaroon kasi kami ng free time sa opisina kaya dito namin nagawang pumunta," paliwanag naman ni mama habang kami naman ay umupo na dahil mahaba-habang kuwentuhan ang magaganap sa kanila.

"Kuya Lewis!" napalingon naman ako sa tumawag sa akin. "Namiss ko po kayo kuya! Buti naman po at napadalaw kayo rito."

"Ako hindi mo miss?" malungkot na tanong ni kuyang malas.

"Syempre namiss ko po kayo! Namiss ko po ang dalawang gwapong kuya ko!" she smiled sweetly. "Bonding naman po tayo!"

"Aneth pagpahingahin mo muna ang mga kuya mo at galing sa biyahe." sabi naman ni lola dahilan para mawala ang ngiti niya.

"Later," bawi naman ni kuya.

"Talaga po? Gusto ko po 'yan! Sige po. Wait lang po at kukuhaan ko kayo ng makakakain," paalam naman niya saka pumunta sa kusina.

"Makulit pa rin pala si Aneth hanggang ngayon," kumento ni papa.

"Ay oo naman kasama 'yan pati ang pagtigas ng ulo," paliwanag ni lola dahilan para magsitawanan kami. "Kamusta naman kayo roon sa bahay niyo?"

"Okay naman po kami, kayo po kumusta naman kayo rito?" tanong ni mama habang nililibot ang mga paningin. Matagal na rin kasi noong nakabisita kami rito.

"Okay naman at buti nga nandito si Aneth, kahit papaano may kausap ako,"

"Umalis na po ba sila ate?"

Dalawa silang magkapatid ni mama at nanay ni Aneth iyong tinutukoy niya. Sa ibang bansa kasi nagtatrabaho ang nanay ni Aneth at balita ko dumalaw lang siya rito saka uli lumuluwas kaya dalawa na lang uli sila ni lola ang nandito.

"Noong nakaraang buwan pa,"

"Bakit hindi niyo po sinabi? Dapat po pala dinala ko rito sila Lucky."

"Okay lang naman at may pasok ang mga bata." tumingin bigla sa akin si lola. "Oo nga pala Lewis kamusta ang business mo?"

"Po? Si kuya Lucky po ang may business,"

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon