Chapter 19

79 11 0
                                    

Kaith Gaiman POV

It's been a months since pumunta kami sa Tagaytay, sabihin na nating iyon ang pinaka-memorable na pinuntahan naming dalawa.

Dati ay ako ang nagyayaya na mamasyal kami, ngayon siya na. Hinihiling ko dati na magkaroon siya sa akin ng pagtingin at ngayong meron na, naninibago naman ako. Minsan ay natatakot ako kasi baka rebound niya lang ako pero naaalala ko ang sinabi ni ate Molly sa akin.

"Ngayon lang siya umamin pero matagal niya ng nararamdaman 'yun, trust me."

Kaya sinusunod ko na lang ang gusto ng puso ko.

[I will pick you up later, okay?]

"Para namang may nagbago roon?" hindi ko mapigilan na ngumiti.

[Wow, confident.]

"Syempre naman. Sige na ba-bye na, see you later!" binaba ko na ang linya dahil alam ko ring busy siya sa opisina, lalo na't promoted na siya.

"Blooming ah, sana all," napatingin ako kay Ate Joy na ngayon ay inaasar na ako.

"Kay Lewis lang lalandi," dugtong naman ni Danica.

Silang dalawa ang lagi kong nakakasama kaya alam din nila. Inaya ko si Danica dahil ito naman talaga ang tinapos niya, sideline lang iyong bar. Ilang buwan na rin simula nang magbukas itong school.

"Teacher, see my work," napatingin ako roon sa estudyante ko na lumapit at pinakita sa akin ang tapos niya nang drawing.

"Where is your mommy?" tanong ko sa kaniya ng tatlo lamang ang tao doon. papa, ate at siya lang ang naroon.

"She died when she's giving birth to me," nakangiti niyang aniya pero gumuhit naman ang lungkot sa aking mukha. Dapat pala ay hindi ko na tinanong. "She's in Heaven, Teacher Kaith." ngumiti ako't tumango.

"Of course! She's a good mother," nag-iisip ako ng puwedeng pampagaan ng loob niya. "Do you want ice cream? Candy?" tumango siya kaya nagpabili ako kay Danica, pinadamihan ko na.

"Can I see your work, Drei?" lumapit siya sa akin at pinakita iyon.

"Did I do great, teacher?" nahihiya niyang tanong. Tiningnan ko ang drawing niya, maliit na bahay lang iyon pero sa itaas nakalagay ay 'My Mansion'.

"All of you, Drei, but this one is the best!" nagulat pa siya sa sinabi ko kaya natawa ako.

"I want to draw my dream mansion, teacher! I also want to design others house!"

"Oh, Architect?"

"I don't know that teacher e, ano po 'yun?" natawa ako kaya umiling na lang ako at binigyan siya ng star sa kamay niya. "Teacher, kapag po ba nalagyan lahat ng star ang braso ko, magiging succesful na ako?"

"Not yet, Drei, pero alam kong magiging succesful ka someday," ngumiti siya sa akin at umupo na ulit sa upuan niya.

Nagturo pa ako sa kanila pagkatapos no'n at dumating na ang recess kaya pinapila ko na sila.

"Fall in line, oh, fall in line," kanta nila habang pumipila.

Noong unang mga linggo ay hindi talaga sila pumipila ng maayos kaya minsan nagkagulo, hanggang sa pinarinig ko sa kanila 'yun at hindi sila makakatanggap ng prizes kung hindi nila susundin. Minsan kahit magastos ay okay lang.

"Teacher Kaith, aalis kayo sa Pasko?" napalingon ako kay Ate Joy nang nagtanong siya.

"Wala pa akong plano, bakit?" tanong ko.

"Alis tayong tatlo, December 23? Okay lang?" suggest ni Danica.

"Hindi ko alam kung aalis kami ni Lewis e,"

"Ayun naman pala, boyfriend muna bago bestfriend,"

"Pero pwede din naman, sa 24 na lang kami tapos sa pamilya na pagkatapos no'n." nag-thumbs up sila kaya ngumiti na lang ako.

Saan kaya magandang puntahan? Wala pa rin namang sinasabi si Lewis kung may lakad kami kaya hindi rin ako sigurado. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.


From: Lewis =)

Baka hindi kita masusundo ngayon, may biglaang meeting kasi kami pero gagawa ako ng paraan, okay? Stay safe, don't stress yourself ^.^

Napangiti ako na nalungkot, minsan ay hindi niya ako nasusundo dahil sa work niya pero naiintindihan ko naman, ni hindi ko pa nga siya nasasagot pero kung makaasam ako ay wagas.

"Lakas ng buntong hininga natin teacher ah?"

"Baka hindi masusundo," tinawanan nila ako kaya napairap na lang ako.

To: Lewis =)

It's okay, don't worry.

May isang oras pa naman bago ang uwian namin kaya baka pwede pa. Tinuon ko na lang ang sarili ko sa pagtuturo pero uwian na namin ay wala pa rin siya. Hinihintay ko siya sa tagpuan namin kapag sinusundo niya ako, baka ma-late lang siya ng ilang minuto.

Wala siyang text o tawag, wala ring reply. Ang hirap naman kapag nasasanay ka. Napatingin agad ako sa cellphone ko nang tumunog ito akala ko si Lewis na pero si kuya pala kaya napabuntong hininga na lang ako.


From: Kuya

Umuwi ka ng maaga, may sasabihin sa 'yo sila mama. Ingat sa pag-uwi teacher.

Magco-commute na lang sana ako pero may biglang bumisina kaya napatingin ako roon.

"'Di ba sabi ko gagawa ako ng paraan?" ngumiti ako sa kaniya.

Habang nasa byahe kami ay nagkekuwento lang ako ng mga nangyari ngayong araw, nakasanayan niya na rin 'yon.

"Mali pala ang text ko sa iyo mukhang hindi ka na-iistress doon," natawa naman ako.

"Kapag nagkaroon ka ng free time punta ka roon, okay?"

"Of course," ngumiti naman siya kaya tumingin na lang ako sa bintana.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay, inaayaya ko siyang pumasok sa loob since naroon sila Mama kaya pumayag siya. Akala ko nga aalis na siya agad dahil nabanggir niyang marami siyang ginagawa pero nagkamali ako. Minsanan lang kasi pumunta sila Mama rito sa bahay dahil nasa States sila.

"Good evening tita, tito," bati ni Lewis.

"Have a sit," sabi ni papa pero binati muna ni Lewis si kuya bago tuluyang umupo. Naghain si mama ng pagkain kaya kumain muna kami.


"Ano po 'yung sasabihin niyo sa akin?" tanong ko ng matapos kaming kumain kaya napatingin sa akin si mama.

"Oh right, I forgot. You--I mean, we will go in States. Titira na tayo roon habang ikaw ay mag-aaral ulit."

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon