Chapter 6

1.1K 16 0
                                    

Lewis Montierro POV

Bumangon na ako nang marinig ko ang alarm clock. Agad akong bumangon at binuksan ang bintana. Bumungad sa akin ang madilim at halos walang ka-ilaw ilaw na daanan.

Ngumiti ako bilang salubong sa isa sa mga importanteng araw para sa akin. Ito ang araw na papasok ako hindi para mag-aral kung hindi para magtrabaho.

Agad na akon naligo't nag-ayos nang matapos ko na lahay nang gagawin ko ay hindi ko ba alam kung magsisisi ako. Ilang oras na akong palakad-lakad sa kuwarto dahil masyado pang maaga at habang papalapit ang oras ay dumadagdag ang kabang nararamdaman ko.

"Nakakatawa itsura mo, hahaha!"

"Ikaw talaga umagang-umaga," pagsuway ni mama saka bumaling sa akin. "Huwag mong pansinin ang kuya mo, halika na rito."

"Hindi ka naman ata excited niyan anak? Hahaha!"

Mga reaksiyon nila pagbaba ko sa sala. Maayos naman ang damit ko at may bag ako pero sakto lang para sa personal things saka may folder na hawak.

"Nagmukha kang inosente hahaha! Para kang bata na napilitang pumasok pft!" at hanggang sa kotse ay inaasar pa rin ako ni kuya.

Napilitan lang naman talaga ako pero dahil kay Kaith naganahan ako kahit papaano at sa mga sinabi niya kahapon kaya kahit papaano may konting confident ako.

"Kilala ka nila pero iyong mga kasama mo sa mga assistant ko hindi pa, ipapakilala na lang kita maybe sa recess or lunch,"

"Walang meryenda roon?" tanong ko kasi 8 AM to 5 PM iyon.

"Meron pero baka mas busy ako sa time na iyon." tumango na lang ako at hinanda ang sarili.

At dahil binalaan na ako ni kuya kanina na kilala nila ako isang hakbang ko pa lang ay binabati na ako.

"Good morning sir! Have a good day!"

"Kayo rin ho,"

"Good morning po"

"Good morning din."

"Good luck po sa first day niyo sir!"

"Ahh salamat po hehe,"

"Ang gwapo niya!"

Nakakapagod bumati sa lahat hindi tulad ni kuya na tango tango lang, buti pa siya, tss. Madami pang bumabati sa akin at nahinto lang iyon ng kausapin ako ni kuya.

"Tara sa office ko," agad kaming umupo pagkadating doon. "Tatawag ako sa isa sa mga assistant ko dahil hindi na kita mapapasyal dito at busy na ako." tango na lang ang sinagot ko at inantay 'yung tao niya.

Siguro pang-apat na beses pa lang akong pumupunta dito. Panglima pa lang ito at napakatagal na panahon na iyong apat. Kung pumupunta ako dito ay may dahilan kaya siguro marami ng nagbago kaya ipapasyal ako.

"Sir dito po iyong isa sa mga conference room ni Sir Lucky marami po kasi talaga ang meeting na nagyayari sa isang araw. Bale apat po na conference room ang meron siya, iyong dalawa po ay nasa 4th floor at yung dalawa po ay nasa 2nd floor. Hanggang 5th floor lang po itong--"

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon