Chapter 2

2.8K 20 0
                                    

Lewis Montierro POV

Kanina pa tumatama ang sinag ng araw sa mukha ko dahil hindi nakaayos 'yung kurtina at tinatamad pa akong bumangon kaya hinayaan ko na lang. Inaantok pa nga ako dahil sa nangyari kahapon tungkol kay kuya, sa kakaisip ko ng paraan hindi tuloy ako nakatulog ng maayos.

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok doon at napabuntong hininga nang marinig ang boses ni kuya. Kukulitin na naman ako nito.

"Bro bangon na!" hindi ako umimik. "Alam kong gising ka na dahil hindi ka naman gumigising ng tanghali. Bangon na! Baka hindi mo pa rin makalimutan 'yung kahapon? Hahaha! Sorry na--"

"Ang ingay mo!" kinuha ko ang isa ko pang unan at pinangtakip sa tenga ko.

"Nasa baba si Kaith sabi niya may lakad kayo! Tatlong oras nang nag-aantay 'yung tao sa baba! Kawawa naman kung pagaan--"

"Oo na! Ang ingay," wala na akong nagawa kung hindi ang bumangon. Narinig ko naman sa labas ang pagtawa niya. Unti-unti naman iyong nawawala kaya sa tingin ko nasa baba na siya.

Tumayo na ako saka nagsimulang kumilos. Habang nagsisipilyo saka ko lang napagtanto ang sinabi ni kuya kanina tungkol kay Kaith. May lakad kami ni Kaith? Wala naman siyang sinabi sa akin. Ano kayang balak no'ng babaeng 'yon. Umiling na lang ako saka pinagpatuloy ang ginagawa. Bumaba na ako nang matapos na ko't maligo at mag-ayos. Pagkarating ko ron nakita ko siya na masayang nakikipag-kuwentuhan kay manang.

Naka-mint green siya at naka-maong short habang nakalagay sa balikat niya ang nakatali niyang buhok na bumagay naman sa kaniya. Saka niya lang ako napansin nang tawagin din ako ni kuya.

"Finally! Bumangon ka na rin!" yinakap agad ako ni Kaith pero agad niya rin namang tinanggal iyon. "Good morning Lewis!" I nodded.

"Oh, Lewis kumain ka muna." alok ni manang sa akin pero agad akong umiling.

"Sa labas na lang po ako kakain," nilingon ko si Kaith na ngayon ay nakatingin at nakikinig sa amin. "Saan ba tayo pupunta?"

"Secret!" agad siyang lumingon kila kuya. "Kuya Lucky alis na po kami! Salamat sa pagkain at sa konting kuwentuhan natin manang ba-bye po!"

"Mag-ingat kayo ha,"

"Opo manang." yumuko muna siya kay manang saka ako hinila palabas.

"Teka baka madapa ako,"

"Ikaw lang talaga? Puwedeng isama mo na rin ako tapos madadaganan mo ako tapos magkakatinginan tayo at mahaha--"

"Sumosobra na ata 'yang imahinasyon mo,"

"Hayaan mo na of the word na ngang imagination e, halika na!" hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko pero bumagal naman ng kaunti ang paglakad niya kaya hindi na ako nagreklamo.

- - - - -

From: Kuyang malas

Asan ka? Wala ka pa sa bahay sabi ni manang. Ang tagal naman ng date niyo? Wala raw gusto, edi wow.

Dinedma ko lang ang text niya at tumingin na lang kay Kaith na tumitingin ng mga gamit para sa school niya. Nagpapatayo kasi ng school ang papa niya para sa kaniya at malapit na rin iyon magbukas kaya naghahanda na siya, by the way she was graduated and now is a licensed teacher.

Kuya Ko (Online Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon