Lewis Montierro POV
Habang kumakain kami ay hindi ako makasabay sa mga kwentuhan nila dahil ang topic ay tungkol sa kanila. Siguro dapat lang kasi sila rin naman ang dahilan kung bakit kami may ganitong pagsasalo-salo.
"Sa makalawa ay may free time kami ng tito mo, bibisita kami sa inyo, hmm?" sabi ni mama habang nilalagyan kami ng mga dessert sa plato.
"Sure tita, matutuwa rin po sila kasi simula po ng mamanhikan ay lagi na po akong tinatanong kung kailan uli kayo bibisita,"
"Masaya 'yan at mag-iinuman kami roon." sabi naman ni papa na tinaas pa ang tubig niya dahilan para matawa kami.
Hindi naman nagtagal ay natapos din kaming kumain at nasa kusina na naman uli sila kuya kaya pumunta muna ako sa labas ng bahay namin para magpahangin.
Maya-maya ay biglang sumunod si Molly kaya agad akong napaatras. Akala ko ay dadaan siya pero umupo siya sa tabi ko at nagsalita kaya nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kung para saan 'yon. Pinayagan kong manligaw si kuya sa kaniya dahil wala na akong pag-asa hindi dahil sa nakalimutan ko na siya.
"Lewis," lumingon ako sa kaniya. "Hindi ko alam kung anong magagawa ko para lang matulungan kitang makalimutan mo ako pero sorry talaga--"
"You don't have to say sorry, ako ang nagmahal sayo at choice ko 'yun, ngayon kung nasaktan ako dahil sayo siguro kasalanan ko, kasi mali ang naging paraan ko," sa sinabi kong 'yun ay bigla siyang natawa dahilan para magtaka ako.
"Ang mature mo na ngayon magsalita, ganiyan ba talaga kapag nasasaktan? Hahaha," natawa na lang din ako sa sinabi niya. "Kamusta kayo ni Kaith?"
Kaith...
"Okay naman kami," siguro...
"This weeks? Alam kong hindi kayo nagkikita kasi nakekuwento ni Lucky sa akin, and I'm here to confess a thing and I'm sure na hindi pa 'to nasasabi ni Kaith," hindi ako nagsalita at inaantay lang ang susunod niyang sasabihin.
"She like--no, I mean she loves you. Alam kong hindi nasasabi ni Kaith 'yun sa 'yo pero alam kong pinaparamdam niya, pero nararamdaman mo ba?" nagkibit balikat lang ako dahilan para matawa siya.
"Hindi ko alam kung manhid ka ba or hindi mo lang pinapansin kasi magkaibigan kayo o ayaw mo talaga sa kaniya pero wala diyan ang sagot," nagtaka ako sa sinabi niyang iyon.
"Nakatuon kasi ang atensiyon mo sa akin kaya hindi mo nakikita 'yon, pero ito lang ang masasabi ko sa 'yo, she really loves you and I know na ikaw rin pero hindi mo maramdaman kasi nandito ako, dahilan para maisip mo na ako pa rin but no," tinuro niya ang puso ko. "Kung paano mo ko tingnan ngayon sa noon alam kong may nagbago diyan at 'yun ang siya na ang laman niyan at hindi na ako." she smiled at me, at malalaman mong sigurado siya sa sinasabi niya.
Hindi ko alam kung para saan ang mga sinasabi niya at ano ang mararamdaman ko, kaya pagkatapos nang usapan naming 'yon ay tumahimik na ulit hanggang sa tawagin ulit siya ni kuya.
Ilang minuto na ang lumipas at hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yung sinabi niya kanina. Umuwi na rin siya kanina na hinatid naman ni kuya pero wala pa rin akong balak na pumasok sa loob.
Hanggang sa biglang may tumabi sa akin, nagulat pa ako no'ng una pero agad din naman iyong nawala dahil nakita ko ang mukha niya. Taka ko siyang tiningnan pero ngiti lang ang sinukli niya.
"Kaith?"
"Bakit ganiyan ka makatingin? Ayaw mo ba? Aalis na lang--" tatayo na sana siya pero agad ko namang napigilan.
"Dito ka lang," pagpigil ko pero tiningnan niya lang ako. Mabilis niya ring tinanggal ang pagkahawak ng kamay ko at umupo na ulit siya sa tabi ko.
"Okay sabi mo e," tumingin na siya sa malayo habang ako ay hindi pa rin makapaniwala na nandito siya sa tabi ko.
Ilang buwan ko rin siyang hindi nakasama, siguro ay namiss ko lang siya. Kahit gusto ko siyang tanungin at kausapin ay hindi ko magawa na hindi ko rin maintindihan. Naiisip ko rin ang sinabi ni Molly tungkol sa kaniya.
"Ganun talaga siguro 'no? Kahit ilang taon na kayong nagkakasama at kung gaano pa kayo kalapit sa isa't isa ay mawawalang saysay iyon kapag nakakita siya ng iba, kapag may mahal na siya," nagtataka ako sa mga sinasabi niya kaya I tried to ask her.
"What are you--"
"Kasi kahit hindi kayo magkita ng matagal ay okay lang kasi hindi naman ikaw 'yung mahal niya, siyempre uunahin niya 'yon kaysa sa 'yo kasi kaibigan ka lang naman niya," patuloy niya.
Wala akong maintindihan sa sinasabi niya pero nakakaramdam ako ng lungkot ngayong nakikita ko siyang ganito. Hindi ako sanay.
"Siguro malalaman mo kung importante ba sa 'yo 'yung tao kapag wala siya sa 'yo..." sa sinabi niyang 'yun ay bigla akong kinabahan. "Pero parang hindi ata umubra sa akin," she laughed bitterly.
"Parang mas lalong pinamukha sa akin na walang kwenta ang taon na pinagsamahan namin, na walang kwenta ang mga ginagawa kong pagpaparamdam na mahal ko siya kasi nasa iba ang atensiyon niya."
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, ni hindi ko alam kung paano ko siya dadamayan, ngayong tapos na siya magsalita.
"Magkwento ka na,"
"Ha?"
"Alam kong nasasaktan ka gayong sila na ni kuya Lucky and I'm here to listen," pagkatapos niyang sabihin 'yon ay yumuko siya habang yakap ang mga tuhod.
"Magkekwento ako e, parang matutulog ka nga sa pwesto mo ngayon hahaha--" biro ko pero agad naman iyong nahinto dahil hindi siya natawa. At dahil hindi na siya nagsasalita at tahimik na ang buong paligid, bumuntong hininga muna ako bago ako magsimula.
Habang nagsasalita ako ay tahimik lang lang siya, tapos na ako't lahat ay hindi pa rin siya umiimik akala ko ay nakatulog siya pero biglang tumunog ang cellphone niya. Pinunasan niya pa ang mukha bago sagutin ang tawag.
"Hello?" may kausap siya sa kabilang linya. "Ngayon na ba kailangan 'yun? Sorry nakalimutan ko," hindi pa niya pinapatay ang linya kaya hindi muna ako nagsalita. "Oo sige, tatapusin ko na 'yon ngayon." lumingon siya sa akin pagkatapos niyang ibaba ang cellphone.
"Sorry Lewis, I need to go." tumayo siya at hahakbang na sana ng magsalita ako.
"Kaith, salamat kasi--"
"Ayoko ng marinig ang ganiyang salita mula sa 'yo," nagtaka man ako sa sinabi niyang 'yon ay pinanood ko siyang umalis hanggang sa maglaho siya sa paningin ko.
Habang kasama ko si Kaith kanina ay hindi ako nakaramdam ng pag-iisa kahit hindi siya nagsasalita habang nagsasalita ako.
Aalis na sana ako nang makita kong basa ang puwesto kanina ni Kaith, na dahilan nang pagtaka ko. Hindi naman umambon at hindi naman siya basa kanina.
Umiyak ba siya?
![](https://img.wattpad.com/cover/182977341-288-k967448.jpg)
BINABASA MO ANG
Kuya Ko (Online Series #1)
Ficção AdolescenteOnline Series #1 The guy named Lewis Montierro is affraid to confess his feelings to his chatmate. Hanggang sa isang araw nagalit ang babae sa kaniya at hindi siya pinansin dahil 'daw' sa ginawa ng kuya niya. Is that really his brother's fault? Isis...